Kabanata 15

9 1 0
                                    

Pinagmasdan ko ang paligid mula sa bus na sinasakyan ko. Ngayong may oras ako para mag-isip ay puno na naman ng pangamba ang aking isipan at ang puso ko'y tila ba pinipiga, nanghihina ang katawan ko dahil doon. I never thought that leaving would hurt more the second time.

Pumasok sa aking alaala ang mga ginawa namin noong pasko at bagong taon, ang saya-saya pa namin no'n. Ngayon ay kailangan na namang bumalik sa reyalidad. Sa buhay na tila walang kulay at madalas ang pangungulila.

Agad akong sinalubong ni Azraela ng yakap nang makarating ako sa boarding na tila ba ilang taon kaming hindi nagkita. Ako ang unang umuwi pero ako ang huling bumalik. Patunay lamang iyon na gustong-gusto kong manatili sa amin.

May pasok na naman bukas, hindi pa ako handa. Maayos naman na ang mga gamit ko at iba pang kakailanganin pero sarili ko ang hindi pa handa. Hindi pa akong handang makipag-socialize ulit. Hindi pa ako handang mag-overthink, ma-stress, at mag-break down dahil sa acads. Nakakapanghina.

"Mukha kang pagod, gusto mo ipagtimpla kita ng kape?" Azraela smiled.

"At ikaw naman, sobrang taas na naman ng energy mo," sumingit si Zahrah.

"Excited na kasi akong pumasok!" Our friend giggled like a kid.

Mabuti pa siya excited. Nakasimangot akong umupo at nakinig sa kanila.

"Bagong taon naman na, sana nagbago na rin ang mga kaklase ko! Nakakasawa mga ugali nila."

"Huy, stay what you are daw."

"Stay what you are kapag mabuti ka pero kung masama kang tao, magbago ka na!"

Nilingon ko si Isla habang nag-uusap ang dalawa. Kagaya ng nakasanayan ay tahimik na naman ito. Tingin ko ay malalim ang iniisip niya at wala ito sa focus dahil hindi niya napansin ang paninitig ko sa kaniya. Sa kaniyang mga mata ay nakita ko ang iba't ibang emosyon, sa sobrang dami ay halos hindi ko na mabasa.

Ano'ng bigat ang dinadala mo sa iyong mga balikat, Isla?

"Rise and shine, mga prinsesa!"

Madaling araw pa lamang ay nangibabaw na ang boses ni Azraela. Inaantok pa ako ngunit hindi na magawang matulog. Maaga pa naman kaya hinayaan ko muna ang sarili na humilata sa kama. Nakita ko si Zahrah na tumayo na rin at nag-stretch. Napansin kong nag-e-exercise siya tuwing umaga pagkagising.

"Zahrah, paabot naman ng phone ko," sabi ko rito sa medyo garalgal pang boses.

Walang salita niyang kinuha iyon at inabot sa akin. I immediately opened my messenger to check on someone's message. Napangiti ako nang makita ang huling chat ni Travis sa akin kagabi na good night. Siya ang palaging last chat sa amin dahil hangga't nagr-reply ako ay nagr-reply rin siya.

Travis Ezequiel Viglianco:
You're online? Ang aga mo ngayon, ah. Good morning, Elizabeth.

Lillianna Elizabeth Alarcon:
Good morning too.

Travis Ezequiel Viglianco:
Gumayak na para hindi na naman kayo ma-late.

I reacted 'haha' on his chat. Siguradong palagi niya kaming nakikitang late pumasok dahil nadadaanan namin ang section nila. Noon ay tinatamaan pa ako ng hiya pero parang sanay naman na ang mga school mates sa amin.

Lillianna Elizabeth Alarcon:
Yes, boss. Ikaw rin, gumayak ka na.

Travis Ezequiel Viglianco:
Good luck today, Lili. See you at school.

Maganda ang umaga ko nang araw na iyon, ayokong aminin na dahil kay Travis pero alam ko sa sarili kong siya ang dahilan. He makes everything lighter. Oo nga't malungkot ang malayo sa pamilya pero sa presensiya niya ay nararamdaman ko ang tahanan.

Whisper Of Promises (Fearless 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon