"Edmund Husserl founded phenomenology which is essentially a philosophical method. In phenomenology, the truth is based on a person's consciousness."
Naglakad si ma'am sa gitna ng klase. Tahimik na nakinig ang lahat sa kaniya. Hindi naman strict ang teacher namin sa Philosophy. Sa katunayan ay isa siya sa pinaka mababait naming guro.
Philosophy is one of the subjects that I was looking forward to meet when I was still in Junior Highschool. Noon pa lang kasi ay nags-search na ako ng mga magiging subject namin sa grade 11.
Nilingon ko si Azraela na nagn-notes habang nakikinig sa aming guro. Focused siya sa discussion at nang bumaba ang tingin ko sa sinusulat niya ay hindi maiwasang purihin iyon. Maganda pa rin kahit minadali.
"So, sa phenomenology ang katotohanan ay naka-base sa consciousness ng isang tao. Ibig sabihin, nasaksihan o naranasan niya ito first hand. Nando'n siya sa mismong scene kaya napatutunayan niyang may katotohanan ang kaniyang sinabi."
Pinaikot ko ang ballpen sa aking kamay habang nakikinig. May nakita akong kaklase na umagang-umaga pa lang ay inaantok na, basa pa nga ang kaniyang buhok. Umayos ako ng upo at tinignan ang papel kong wala pang sulat. Hindi ako sanay na mag-notes habang nakikinig, nawawala ako sa focus.
Nang mag-break time ay halos pare-pareho ang naririnig kong usapan sa hallway. They are talking about the officers of the Student Body Organization. Nilabas na sa page ng school ang mga nanalo. I've checked it and almost all of the candidates from Shone's partido won.
Marami rin naman kasi ang namangha sa plataporma nila nang magkaroon ng miting de avance. Walang klase noon dahil lahat ay required na makinig. Hindi lamang sila malakas sa mga estudyante dahil sa popularity kundi maging sa plataporma. Labis akong namamangha kung gaano sila kagagaling sa public speaking.
I voted for Shone, not because he's popular, but because I can see that he's responsible and true to his words. He's also a social butterfly. Kung saang-saang strand ko lang siya nakikita.
Tila mabilis na lumipas ang oras. Ang sabi ng karamihan ay Senior High daw ang pinakamasayang experience bilang mag-aaral. Siguro ay dahil sa mga bagong kakilala at discoveries. Mga bagay na hindi mo naman ginagawa dati pero nagagawa mo na ngayon.
My relationship with the three girls, Azraela, Zahrah, and Isla is better than before. I can now communicate with them comfortably. Ang samahan namin ngayon ay tila ba matagal nang magkakakilala. Pakiramdam ko rin ay ligtas ako sa kanila.
"Lili, halika! Lalagyan kita ng lip tint."
Maligayang lumapit sa akin si Azraela dala ang lip tint niyang strawberry ang flavor. Tiningnan ko ang labi niya na mayroon nang gano'n. Inismiran ko siya nang makitang lagpas ang lagay niya sa kaniya.
"Ni hindi mo nga maayos ang paglalagay mo sa iyo," sabi ko at pinalapit siya sa akin.
Nanguha ako ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi niya. She licked her lips after I put a lip tint on it. Napabuntonghininga ako. Kaya naman pala lumalagpas.
"Huwag mong kainin," sabi ko sa kaniya.
"Sarap." She smiled cutely at me.
Napailing na lamang ako at pinunasan ulit ang lumampas sa kaniyang labi. Maayos naman na. She has cute pink lips na naka-arko, ngayong may lip tint iyon ay naging kulay pula na kumikinang-kinang pa.
"Ilulugay ko ba ang buhok ko o hindi?" Tanong niya sa akin.
"Ilugay mo. Mas maganda sa picture."
Sa wakas, pagkalipas ng ilang linggo ay magp-picture na rin kami para sa ID. Kanya-kanyang ayos na ang mga kaklase namin at mayroon pa akong nakitang lalaking kaklase na naglalagay rin ng lip tint. They are all busy with themselves. Noong Junior Highschool kami ay pulbo lang at lip tint okay na. Pero ngayon karamihan ay naka-full make up. That's fine, though. I support girls kung saan sila mas confident. Hindi naman ipinagbawal sa amin ang mag-make up sa ID picture.
BINABASA MO ANG
Whisper Of Promises (Fearless 1)
Ficção GeralFearless Series #1 Lillianna Alarcon is as deep as an ocean. She lives in her mind more than in reality. She had thought that her company was enough in this world full of wonders and thoughts. Being alone was never lonely for her, anyway. However...