Kabanata 3

10 2 0
                                    

"Ano ba kasing problema ng kaklase mo kay Azraela, Heyzel?" Tanong ko habang nagkukuwentuhan kami sa sala.

Si Heyzel ang pinakamalapit sa amin na board mate. Grade 11 din siya kaso lang ay ibang section. Panay nga ang rant niya sa amin noong mga first week of class na sana section D na lang din daw siya para magkakasama kami at ayaw raw niya sa kaniyang mga kaklase.

"Sino? Si Aliyah?" Tanong din niya.

"Oo, Aliyah Rodriquez yata? Nakita ko lang sa ID niya," sagot ko.

"Ewan ko ba ro'n! Ayoko rin sa kaniya, napakataray, akala mo naman sobrang taas niya. Ang alam ko may crush siya sa ABM na may gusto raw kay Azraela."

"Ha?" Hindi na napigilan ni Azraela ang reaksiyon niya sa narinig.

"Oo, usap-usapan 'yon sa classroom namin at pabida nga 'yang si Aliyah. Feeling main character." Halos umirap si Heyzel sa pagsasalita.

Nagkatinginan kami ni Azraela. Sobrang inosente niya, tila hindi talaga inaasahan ang narinig. I chuckled at her reaction. Hindi naman na 'yon nakakagulat. I am already expecting na marami ang may gusto kay Azraela sa iba't ibang section at strand. Isa siya sa pinakamagaganda sa school namin, idagdag pa na ang approachable niya.

"Grabe, ang baba ko sa PreCal!" Sumimangot si Heyzel.

What I like about her is she's expressive. Naging magkaibigan kami dahil palagi niya kaming kinakausap at sinasabi na nababagot siya. Nagkasundo sila ni Azraela hanggang sa maging kami ay naging malapit na rin sa kaniya.

"Kumusta ka naman, Zahrah?" Baling ko sa kanina pa tahimik naming kasama.

"Nako, ipakita mo nga 'yong grade slip mong puro line of 9, Zahrah!" Maligaya at mapang-asar na sabi ni Azraela.

Mahinang natawa si Zahrah. "Ayos lang naman. Medyo mahirap pero kaya."

"Sus, sana all, with high honor!" Azraela exclaimed, emphasizing the word 'high'.

Katatapos lang ng first quarter namin at awarding kanina ng mga may honors. Pasok kami ni Azraela sa with honor, kasama sina Yoshi at Shantal tapos tatlong pang kaklase namin. May isa pa kaming quarter bago mag-second semester. Ang alam ko doon may mga maidadagdag na subjects at kasama na roon ang Practical Research 1 na isa sa mga subjects na ayaw naming makilala.

"Si Isla rin with high honor! Mas mataas ang average niya sa akin," ani Zahrah.

"Hindi na nakapagtataka. Ang talino ng kaibigan nating 'yon."

Tahimik pa rin si Isla pero magaan na siyang kausap. Nasa kuwarto siya ngayon at nagbabasa na naman. Sigurado akong naririnig niya kami sa loob dahil sa lakas ng boses ng mga kausap ko.

Nang lumalim na ang gabi ay kan'ya-kan'yang puwesto na kami sa aming mga higaan. Nanonood si Azraela ng Moon Embracing the Sun. Ang tagal na ng K-drama na 'yon, nakita niya lang sa TikTok at nagustuhan. Si Zahrah ay tulog na. Si Isla naman ay nagbabasa pa rin.

Nakanguso ako habang nags-scroll sa timeline ni Travis. Ang linis ng account niya. Walang kahit na anong post. Iyong profile picture niya lang na last year pa na-upload. Hindi ko alam kung saan 'yon pero ang background niya ay dagat at parang medyo nahahangin ang buhok niya. He's facing the side view that's why his jawline is defined. Kitang-kita rin ang tangos ng kaniyang ilong.

It's been more than a month since he added me on Facebook. Hindi ko alam kung bakit mas'yadong big deal iyon sa akin. Siguro ay dahil konti lang ang nakikita kong friends niya. Nasa more than 100 lang 'yon. Kaya naman bakit niya maiisipan na mag friend request sa akin?

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Kagaya ng palagi naman nangyayari ay hindi na naman kami nagising sa apat na alarm. Malalim din kasi ang tulog ni Isla dahil madaling araw na yata siyang natulog kagabi.

Whisper Of Promises (Fearless 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon