"Ano'ng plano para sa Year End Party?"
Kaalis lang ng teacher namin sa Media and Information Literacy at iyon agad ang tinanong ko sa katabing si Shantal. As usual ay abala na naman ito sa kaniyang notebook. Hindi niya ibinigay ang buong atens'yon sa akin pero sumagot naman siya.
"Nag-meeting na kami ng mga officer. I-a-announce na lang iyon para malaman kung sang-ayon ba ang mga kaklase natin."
"Nakapag-decide na kayo?" I asked out of curiosity.
Tumango siya. "Pero tatanungin pa rin sa mga kaklase natin kung agree sila."
"Mabuti 'yan. Kilala mo naman ang mga kaklase natin, mga demanding rin sila at may sariling kagustuhan. Mas maigi nga sana kung kasama ang lahat sa meeting para masabi 'yong mga concern nila."
"'Yon din ang iniisip ko. Siguro magm-meeting tayo mamayang hapon bago umuwi."
Malapit na ang Year End Party, marami ang nasasabik doon, habang ako ay bakasyon naman ang hinihintay. Hindi namin ito tinawag na Christmas Party dahil may mga students na iba ang religion, bilang respeto ay ginawa itong Year and Party at inaprubahan naman ng POD.
"Ilan score n'yo sa BasCal?" Lumapit sa amin si Jamie.
Tinignan ko ang hawak niyang papel. He got 11 over 20, okay na rin naman dahil ang karamihan sa mga kaklase namin ay nakakuha ng below 10.
"12," mahinang sabi ni Yoshi.
Napansin ko na simula nang magsimula ang second semester ay palagi siyang matamlay, sumisigla lang kapag nagb-bonding kami. Madalas din siyang tulala at nakatingin lang sa kawalan na tila may malalim na iniisip.
"I got 14!" Masiglang sinabi ni Azraela.
"Ikaw, teh?" Bumaling sa akin si Jamie.
"17," tipid kong sagot.
"Buti ka pa. Ang galing mo." Napanguso siya.
"Mataas naman score mo, ah?" Sumingit si Clarenz.
"Ang dami kong mistakes. Na-gets ko naman noong nagbigay ng example si Ma'am pero nalito na 'ko no'ng nag-quiz."
Umupo si Jamie sa tabi ni Yoshi. Nasa kabilang column kasi ito kaya binibisita mami rito.
Nawala lamang sa kanila ang atensiyon ko nang marinig na tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon at nagulat nag makita ang hindi inaasahang pangalan sa notification ko. Medyo matagal na simula noong huli naming pag-uusap.
Travis Ezequiel Viglianco:
Ako ang nag-check ng papel mo. Congrats, you're the highest. You did well.Narinig kong nag-uusap na ang mga kasama ko tungkol sa quiz. Ipinapaliwanag ni Shantal kung saan banda nagkamali si Jamie. Hindi ko na sila pinansin at tahimik akong nagtipa ng reply para sa school mate namin na nasa kabilang section lang.
Lillianna Elizabeth Alarcon:
Tapos na kayong mag-quiz sa BasCal?Mabilis itong nag-reply na tila walang ibang ginagawa kundi ang makipag-usap sa akin sa chat.
Travis Ezequiel Viglianco:
Oo, nauna kami sa inyo.Lillianna Elizabeth Alarcon:
Ilan ang score mo? Curious lang.Ngumuso ako habang hinihintay na mawala ang three dots sa ibaba, senyales na nagtitipa na siya ng reply. I don't know why I feel good talking to him.
Travis Ezequiel Viglanco:
20 lang.Lillianna Elizabeth Alarcon:
Bakit? Ilang items ba sa inyo?Travis Ezequiel Viglianco:
20 rin, kagaya ng inyo.
BINABASA MO ANG
Whisper Of Promises (Fearless 1)
General FictionFearless Series #1 Lillianna Alarcon is as deep as an ocean. She lives in her mind more than in reality. She had thought that her company was enough in this world full of wonders and thoughts. Being alone was never lonely for her, anyway. However...