Kabanata 11

15 2 0
                                    

Dumating ang araw ng Lunes, first period pa namin ang Personal Development kaya naman maagang pumasok ang karamihan para sa practice at meeting ng bawat grupo. Nakita ko pa ang ilang kaklase na may pare-parehong suot, marahil ay sila ang mga pumili ng dancing.

"Lahat ng pangarap ko'y bigla na lang natunaw, sa panaginip na lang pala kita maisasayaw..."

Kahit ang mga kaklaseng hindi kasama sa singing ay nakikisabay na sa amin. Isa ito sa mga na-consider namin noong pumili ng kanta, marami ang makiki-sing along dahil sikat at magiging advantage namin 'yon.

Masaya akong pinili ko 'to kahit na nag-aalangan ako no'ng una dahil sa hirap akong makipag-interact sa iba. Pakiramdam ko ay isa 'to sa mga achievement ko dahil nagagawa ko 'yong bagay na hindi ko inakalang kaya ko. Madali lang para sa iba pero lakas ng loob ang hinugot ko para kayanin magdesisyon ng para sa sarili ko. Ang dating ako ay malamang pipiliin ang mas madali. Ganoon naman ang karamihan sa mga tao, kung alin ang mas madali, 'yon ang pinipili.

"Ready na ba kayo?" Tanong ni Ma'am pagkapasok pa lang niya.

Umayos kami dahil doon, nasa kan'ya-kan'yang grupo na rin ang lahat. Hindi ko na nabigyan ng atensiyon ang ibang grupo dahil naka-pokus ako sa magiging performance namin mamaya. Nang dahil sa pagdating ni Ma'am ay doon pa lang hinanap ng aking mga mata si Azraela. She smiled at me when our eyes met, while I raised my thumb to say good luck to her.

Hindi na nagsayang ng oras ang aming guro. Sinimulan niya ang performance sa mga pumili ng art. Pinanood namin silang lumikha at mukhang nag-enjoy naman ang mga ito kahit na nagkaroon ng paint ang mga kamay at mukha nila. They made an art in a unique way. Sa balat nila sila nagpinta. Kaniya-kaniyang partner ang mga ito.

Malakas na palakpakan ang kanilang naani pagkatapos. Ngumiti si Yoshi na tila kinikilig nang magtama ang mga mata namin. That's how he is when he's doing well at something. He's super expressive.

Kami ang sunod na magp-perform kaya inihanda ko na ang sarili ko. Sinunod namin ang napag-usapan na puwesto noong practice. We started singing and our classmates immediately sang along with us. Hindi na ako gaanong kinabahan dahil hindi lang naman boses ko ang naririnig. I actually like singing. Hindi man ako open do'n pero sa kalaliman ng aking sarili, sa mga tago kong kagustuhan, ang pagkanta ang isa sa mga bagay na kaya kong gawin.

Just like the first group, we also received a loud claps. After that, I watched Azraela smiled as they gather in front to perform. Nasa unahan siya at malapad ang ngiti. She's outstandingly beautiful.

"Ey! Ey! Ey!"

Nagsigawan ang mga kaklase namin nang magkaroon ng solo ang isa naming babaeng kaklase, si Shearnon. She's beautiful too. Palagi siyang nakasuot ng make up pero mas lalo lamang iyong nagpatingkad sa kaniyang ganda. Sikat din siya at maraming kakilala mula sa iba't ibang strand. Marami ang nagsasabi na pangit ang ugali niya. Hindi pa naman niya naipakita 'yon sa akin, so I refuse to judge according to chismis.

"You all did great. I am very impressed. Honestly, what you showed me is more than what I expected." The teacher smiled.

Tipid akong napangiti sa narinig. Masarap pala talaga sa pakiramdam na mapuri sa bagay na nagawa n'yo bilang isang team.

I started reminding myself that I need to go out of my comfort zone and socialize. Sa kasalukuyan ay maayos naman ang pakiramdam ko, masaya ako sa current state ko. However, I cannot help but to worry about what will happen tomorrow or the next day. Kadalasan kasi ay gano'n ako, akala ko okay na ako, but in just a snap, I'm losing my interest in everything again.

Sana mas kayanin ko nang kontrolin ang aking sarili. Sana mas makilala ko ang aking sarili. Sobrang hirap ang mangapa at sumunod lamang sa anino ng iba. I need to take my own path and lead my journey.

Whisper Of Promises (Fearless 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon