Chapter One:

4K 50 8
                                    

Chapter One: 

[KEITH’s POV]

Ang init naman sa bar na to! TSS! Bakit ko ba naisipang pumunta dito? Wala atang aircon dito, paano kaya natitiis ng mga taong to na maglagi sa lugar na tulad nito? Ang init talaga e! buti pa sa Love Café may aircon ang bar namin, dito wala talaga -____-

        “Uy! Si Keith nandito!!”

        “Ayy oo nga! Shocks! Hindi ko aakalain na pupunta dito ang isang tulad ni Keith!”

        “Grabe lang mga gurls! Puntahan na natin siya.. Baka maunahan pa tayo.. bilis..”

        Ito ang ayaw ko sa mga bar na pinupuntahan ko e. Dudumugin na naman ako ng mga babae. Pero sorry na lang sila, wala ako sa mood ngayon. Makalabas na nga lang.. ang init talaga dito!

        Nakakainis naman si Andrei, siya ang may kasalanan kung bakit ako pumunta sa bar na ito e. Gusto kasi nitong maka-usap yung may-ari ng bar.. May binebenta kasi yung may-ari na lote. Gustong bilhin yun ni Andrei. At dahil wala itong time at sunod sunod ang mga inaasikaso nito, ako ang nautusan niya.

        Kanina pa ako naghihintay don pero wala naman yung may ari ng bar.

        “Keith?”

        “Ah..” Ano nga pala pangalan ng babaeng to? ARGH! Nakalimutan ko. Basta nameet ko na siya mga three times na ata o four?

        “Natatandaan mo pa ako? Ako si Bev!”

        “Ah.. yes, I do remember you.” Lumapit ako sa kaniya and caressed her hair then her lips. “And your lips.” Nahalikan ko na siya e. She’s a great kisser, I think. Pero hanggang halik lang naman siya.. sayang!

        “Oooohh.. You’d still remember huh.. That’s nice. Do you want me to kiss you again?” Pinulupot nito ang kamay sa leeg ko. And yeah, she’s a great seducer too! Pero gaya nga ng sabi ko, hanggang halik lang ang babaeng to.

        “Ahm No. I’m not here to kiss you. I’m here for business..”

        “Aww.. Kahit isa lang?” inilapit pa nito ang mukha sa akin.

        “BEV!? What’s happening here?”

        Kumalas kaagad sa akin si Bev. Napatingin ako sa lalaking tumawag sa pangalan niya. Tss!

        “Mar? Ahm.. I can explain!”

        Sabi ko na nga ba! Boyfriend niya ang lalaking ito base na rin sa ekspresyon nito, nasaktan ito sa nakita.

        “Explain what? Kitang-kita ko kayo! You’re about to kiss each other!!” tumingin ito sa akin.

        Tss! Mukhang mapapa-away na naman ako. AT tama nga ang hinala ko dahil bigla niya na lang akong sinugod pero pasensyahan na lang. Alam ko na yan dahil hindi lang ito ang unang beses na nangyari ang eksenang to. Natuto na ako.

        “MAR!! Stop it! MAR!!” Inaawat na siya ni Bev at nang mga lalaking nakakita sa ginawa nito.

        “Uy tama na yan Pare, hindi mo alam kung sino kinakalaban mo!” sabi ng isang umawat.

         “Wala akong pakialam! Sino ka ba sa akala mo huh? May boyfriend na si Bev pero nakuha mo pa siyang i-flirt!”

        Napa-iling na lang ako. Ako pa talaga ang flirt ngayon ah? E yung girlfriend niya nga ang halos humalik sa akin e. Tss! Malas lang ba talaga ko ngayong araw na to??

Love Cafe Series: Still My CINDER-ELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon