Chapter 20:
[THIRD PERSON’s POV]
Kanina pa tulala si Ella. Di malaman ang gagawin. Kanina niya pa rin hindi pinapansin ang barkada. Nakalugmok lang siya sa mesa niya. Iniisip niya kung paano siya makikipaghiwalay kay Keith nang hindi ito sinasaktan. Nang hindi ito nahihirapan.
Ayaw niyang masaktan ito..
Dahil ngayon, mas nasasaktan siya. Ang hirap. Mahirap putulin ang relasyon sa taong naging bahagi na nang buhay mo. Taong nagpasaya sayo. Taong binigay sayo lahat lahat ng pagmamahal. Ang taong mahal na mahal mo.
Hindi niya kaya.
Naiiyak na naman siya pero ayaw niyang Makita nang mga ito ang miserable niyang mukha. Lalayo na lang siya. Iiwas na lang. Ito na siguro ang magandang paraan para makipaghiwalay.
*Vibrate..*
Ang cellphone niya. Kinuha niya iyon mula sa bulsa.
FROM: Bruhang Pinky
Nakipag-break ka na ba?
Dinelete niya kaagad iyon. Nanginginig pa ang mga kamay niya nang gawin iyon. Luminga-linga pa siya. Baka may nakabasa niyon. Natatakot siya. Bakit pakiramdam niya nag-iisa siya? Bakit pakiramdam niya nawala na sa kaniya ang lahat?
*Vibrate..*
Ini-open niya ang message.
FROM: Bruhang Purple
HOY! Bruha! Makipaghiwalay ka na ngayong araw if you don’t want to end in that dark bodega! Hmp!
Ngali-ngali niyang ibato ang cellphone niya pero pinigilan niya ang sarili. Inipon niya ang pagbili dun kaya saying naman kung ibabato niya lang iyon. Hindi dapat siya paapekto sa mga pingsasabi ng bruhang kambal na ipinanganak ata sa munbong ibabaw para lang alipustahin siya.
“Ella? May problema?” Hinawi nito ang buhok na tumatabing sa mukha niya.
Napalunok siya. Eto na ba ang oras para makipaghiwalay?
Napatingin siya sa paligid.
Nakatingin na sa kanila ang iba nilang kaklase.
Hindi. Hindi nya pa ito pwedeng hiwalayan sa harap ng maraming tao dahil ayaw niyang mapahiya ito. At ayaw niyang Makita ang malungkot nitong mukha. Ayaw niya. Ayaw niya itong saktan.
“Ella?” Hinawakan nito ang kamay niya pero sa gulat niya’y binawi niya ang kamay niya.
Nagulat naman ito sa ginawa niya. Maging siya man ay nagulat sa ginawa niya. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay niya. Hindi niya gusto ang nababasa niya sa mukha nito.
Napahawak siya sa dibdib niya. Ang sakit na. Pwedeng itigil na ito. Ayaw niya nang maramdaman ang ganitong sakit. Ayaw niya. Tama na.
“Ella.. kung may problema ka, pwede mo namang sabihin sa akin e. Kahit na ano pa man yun, makikinig ako. Nandito lang ako para sayo.”
Naikuyom niya ang palad. Pwede ba huwag kang masyadong mabait sa akin.. Mas lalo akong nahihirapan na iwanan ka! Please!
“Ella.. I’m here for you. I love you.”
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: Still My CINDER-ELLA
RomanceLOVE CAFE SERIES **Presents** # 2: Still My CINDER-ELLA :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Keith Dela Cruz. Ang Playboy ng Love Cafe. Lumala nang nasaktan. Paano pag isang araw bumalik ang taong nanakit sa kaniya? Si Gizzelle Natividad.. ang bab...