Chapter 24:

1.9K 41 5
                                    

Chapter 24: 

[ELLA’s POV]

Hindi ako makatulog! Kasalanan ko to ee! Nasaktan ko na naman siya. Ang tanga-tanga ko talaga! Dapat pala, magpasalamat pa ako kay Keith. Gumawa pala ito ng paraan para ipaintindi sa mga magulang ni Erol na hindi dapat maghiwalay ang mga ito. Kaya ayun, sabay na dumating ang mga magulang nito kanina at kinuha si Erol.

        Pero si Keith, umuwi na nang hindi man lang nagpapa-alam sa amin nila Xander.

        “How could I forget? It was my first love. And I just love you too much that I can’t even forget you..”

        “Waaaaahhh! Maloloka na ata ako! Ohmygoodness!”

        Mahal niya pa rin ako hanggang ngayon? Aaaahhhhh! Bakit? Bakit hindi niya na lang ako kinalimutan? Sinaktan ko siya noon! Pero bakit niya sinabi yun? Naman ee!

        KEITH! KEITH! KEITH! Bakit mo ba ako pinahihirapan?

        “Hoy! Ella!”

        “Ay kabayo!” Napahawak pa siya sa puso niya. Kung makapang-gulat naman kasi itong kaibigan ko diba? Sagad lang! Mabuti na lang wala akong sakit sa puso kundi dedo na ako ngayon. “Bakit ka naman nanggugulat Coleen?”

        “Aba! Ikaw nga tong nanggulat e! kung makasigaw ka kanina ‘kala mo naman may gyera..”

        May point siya. -_____-“

        Ang ingay nga naman niya kanina. May matching pasigaw effect pa siya!

        “Oh ano? Ano bang problema mo at kung makasigaw ka kanina e parang katapusan na aber?” Tanong nito at umupo pa sa harap niya.

        “E kasi nga.. ganito yun..” tapos ikwinento niya dito yung mga nangyari kanina. Lahat-lahat. Walang labis, walang kulang. Tutal ay alam naman nito ang tungkol sa nakaraan nila ni Keith.

        “Ah.. So sinabi niya sa iyon yun? Naku! Ella.. Mahal ka pa rin nun talaga. Nakikita ko kasing lagi ka niyang tinitignan. Sinusungitan ka lang niya pero sa tingin ko, paraan niya lang yun para magpapansin sayo.” Sabi nitong nakangiti pa sa kaniya.

        “P-pero hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan bukas.”

        “E paano kung sabihin mo na lang ang totoo sa kaniya?”

        Napailing siya. Hindi na kailangan. Ayaw kong malaman niya ang mga totoong nangyari. Ayokong kaawaan niya ako. At saka kahit naman malaman nito ang totoo, wala na rin itong magagawa tungkol doon.

        “Hayy.. Hirap ng ganyang lovelife. Haha. Sige na. Tulog ka na.”

        “Sige.” Pero hindi pa naman talaga ako inaantok. Ahh.. Lalabas na lang ako. Magpapahanngin.

        Yun nga ang ginawa niya. Lumabas. OO nga pala. Nasa tapat niya lang ang condo nila Keith. Gising pa din kaya eto? Naka-ilaw pa sa may fifth floor e.

        Naglakad-lakad siya.

        “Babe! Bakit hindi ka na nakikipagkita sa akin? Do you hate me na?”

        HUH? May away ba? Hindi ko makita e. Walang poste ng ilaw dun. Sino kaya yung nag-aaway? Away ba?

        “Look, were done. At isa pa, you knew the real score between us diba?”

Love Cafe Series: Still My CINDER-ELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon