Chapter 14:
[GIZZELLE’s POV]
Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nang maging kami ni Keith. Kung dati ay sweet, caring, protective ito sa akin.. Ngayon ay naging EXTRA na ito. Extra sweet, Extra Caring at Extra Protective.
(A/N: EXTRA – (adj.) More than necessary or expected.)
Kung gaano nito ako inaalagaan noon, mas dumoble ngayon. At EXTRA SELOSO din siya! Pati sa mga kaibigan niya, hindi ako pwedeng makipag-usap ng matagal. Pero kahit na ganito ito kaseloso, I DON’T CARE. Masaya pa nga ako pagnagseselos siya e. May mali ba sa akin at ganun ako?
Siguro kasi, hindi nila alam na kami na ni Keith. Ang alam lang nila malapit lang ako kay Keith katulad nila Ej kaya siguro ako ganito. Sinabi ko kasi kay Keith na huwag munang ipaalam sa lahat na kami na. Ayokong malaman NILA na kami na ni Keith. Dahil pag nagkataon baka hindi ko na muling makita pa si Keith, knowing that Evil step mother of mine.
Ang sinabi ko na lang kay Keith na hindi pa ako pinapayagan makipag nobyo kaya ilihim muna namin to sa lahat. Mabuti na lamang at pumayag ito. Ang nakaka-alam lang na kami na ay ang Barkada kasama na doon si Sandra. Well, kaibigan ko naman kasi siya.
“I want to explore the world! I want to take pictures of all the beautiful things here in earth! Hehehe. Ang ganda nang dream ko no EJ?” Tuwang-tuwa na sabi ni Sandra. Nasa Park kami. May meeting ang mga teachers kaya pinauwi na kami. Dahil maaga pa naman ay pumunta muna kami sa Park.
“That’s great Cassandra.” Pinat pa ni EJ ang ulo ni Sandra habang sinasabi iyon.
Napatingin ako kay Jm. OH MY! Naglalabas na ito ng bad aura! Hindi naman lingid sa kaalaman ko na gusto niya si Sandra. Ang dali niya kasing basahin e. Mabait ito per okay Sandra, super sungit nito.
“Kung gusto mong picturan ang mga magagandang bagay, bakit hindi mo umpisahan sa akin huh? Gwapo ako e.” Singit ni JM sa dalawa.
Masamang tumingin dito si Sandra. “Hindi ka gwapo sa paningin ko!”
“Hindi ka din naman maganda sa paningin ko! Baboooy!”
“I’m not a pig!”
“Tss! Baboy ka! Ang taba mo!”
Nag-uumpisa na naman silang mag-away. Pero nakakatuwa silang pagmasdan. Bagay kasi silang dalawa e.
“Ella…” may bumulong sa tenga ko.
*Shivers* Waaaahhh! >_<
“Keith naman ee! Huwag kang nanggugulat!” Saway ko dito! Siya kasi yung bumulong sa tenga ko ee! Grabe lang! Tumaas ata yung balahibo ko sa batok e.
“Heehe, Nakakatuwa kang pagmasdan, Ngumingiti ka mag-isa. Sinong iniisip mo? Ako ba???”
Conceited much naman nitong boyfriend ko. “Hindi no! Natutuwa kasi ako kela Jm at Sandra. Ang cute nilang mag-away.”
“Aww. Buti pa sa kanila natutuwa ka. Sa akin hindi. Aww lang.” He pouted. Awww >_< He’s so cute!!Tinapik tapik ko siya. Ang cute cute niya kasi! Hahaha.
“Keith! You’re my prince charming!” Bigla ko na lang nasabi sa kaniya. Sa sobrang kacute-an nito ay iyon ang naibulalas ko.
“EH? Hahaha! You believe in those fairytales?” humiga siya sa lap ko.
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: Still My CINDER-ELLA
RomanceLOVE CAFE SERIES **Presents** # 2: Still My CINDER-ELLA :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Keith Dela Cruz. Ang Playboy ng Love Cafe. Lumala nang nasaktan. Paano pag isang araw bumalik ang taong nanakit sa kaniya? Si Gizzelle Natividad.. ang bab...