Chapter 26:
[THIRD PERSON’s POV]
Dumating na ang mag-asawang Chocola at Ej galing sa isang buwang honeymoon ng mga ito. Kaya naman mas maaga sa dating oras na nagbukas ang Love café. Namiss daw kasi magluto ni Ej, at marunong na ring magluto si Chocola. Ang sweet-sweet ng mga ito habang nagtutulungan sa pagluto sa kusina.
Samantalang ang couple of the series natin ay wala. Dedma sila. Hindi sila nag-uusap. Nagtataka din ang mga kasama nila kung bakit hindi nagpapansinan ang dalawa.
“Hey. What’s the problem? Spill it out.” Hindi na nakayanan ni Andrei na itanong kay Keith nang lumabas si Ella.
Pero hindi sumagot si Keith, ni hindi ito tinignan. Nakatingin lang ito sa design ng bahay na pinag-aaralan nito.
“Xander, kausapin mo nga.” Inis na turan ni Andrei. Hindi kasi ito sanay na si Keith ay walang kibo. Nakapagtataka talaga. Maayos pa naman ang dalawa kahapon.
“Keith. Magsalita ka na kasi.” Sabi naman ni Xander.
“Walang problema okay?” Yun lang ang sinabi ni Keith at binalik ang atensyon sa ginagawa.
Napailing na lang ang dalawa. Halata naman kasi na nagsisinungaling lang si Keith.
Lumapit naman sa kanila si Ej na na-iintriga kung bakit nagsasawalang kibo si Keith. Tinapik nito si Keith nang makalapit siya dito. “Oh may problema ba? Sabihin mo na. Tutulungan kita.”
“Wala nga. Bakit ba ang kulit niyo? For once, pwede bang tantanan niyo ako?” Inis na sabi ni Keith at tinalikuran ang nagulat na mga kaibigan.
“SHET! Did he really say that?” Bulalas ni Andrei. Hindi makapaniwala na masasabi iyon ni Keith. Ni minsan ay hindi sila sinabihan ng ganun ni Keith kahit pa kulitin nila ito ng kulitin. Pero bakit? Anong nangyari?
“Did we really annoy him?” tanong naman ni Xander.
Magsasalita sana si Ej nang biglang pumasok si Ella. Pinakatitigan nila ito.
“UY. Bakit niyo naman ako tinitignan ng ganyan? May nagawa ba ako? Tatanggalin niyo na ba ako sa trabaho?” Tarantang wika tuloy ni Ella.
“Nah. It was just that.. Keith was weird.” Sabi ni Ej.
“May nangyari ba between the two of you?” Tanong ni Andrei.
Bigla namang namula si Ella. Hindi alam ang sasabihin.
“Mukhang may nangyari nga..” Si Xander.
“Ah.. eh.. Wala! Walang nangyari. Sige. Punta na ako sa planta..” Biglang paalam nito.
“Wait. E di sasamahan mo si Keith?” Si Andrei.
“Hindi siya pupunta. Ako na lang. May gagawin daw siya.” Yun lang at nagmamadali na itong lumabas ng kusina.
“Anong meron?” Nagtataka talaga sila. At sabay-sabay pa silang napa-iling sa inasal ng dalawa.
~~~•~~~
[ELLA’s POV]
WHOOO! Makakahinga na rin ako ng maluwag.
Eh kasi naman. Baka madulas ako e. Aww. Kawawa naman yung mahal ko oh. Nagtatampo yun. Birthday niya kasi ngayon at obviously, nakalimutan ng barkada. Ang aga ko pa naman siyang binati kaninang umaga. E kasi nga excited ako. Tapos nung pumasok siya kanina, ayun nakasimangot na. Tinanong ko kung bakit, ang sabi niya.. This day was hell! Tama ba naman yun? E birthday niya.
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: Still My CINDER-ELLA
RomanceLOVE CAFE SERIES **Presents** # 2: Still My CINDER-ELLA :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Keith Dela Cruz. Ang Playboy ng Love Cafe. Lumala nang nasaktan. Paano pag isang araw bumalik ang taong nanakit sa kaniya? Si Gizzelle Natividad.. ang bab...