Chapter Five:
[KEITH’s POV]
Nag-aapply siya dito sa love café? Tss! E diba may trabaho na siya dun sa X Textile? Alam niya siguro na kami ang may-ari nito kaya dito siya nag-apply! What a nerve!
“Maganda ang records mo. Nakapagtataka talaga na sinisante ka.” Si Ej. Siya kasi ang nag-i-interview. Pero nandito kaming lahat sa office. Tss! Hinatid na kasi namin si tita Mila tapos dumeretso kami dito tapos siya lang pala ang maaabutan namin dito. TSk!
“Ahehe.”
Nakabusangot na ako. Nakaka-inis kasi yung mga sagot niya kela Xander at Ej, pasweet! If I know, nilalandi niya lang ang mga yan. Dyan naman siya magaling! Tss!
“Hoy Keith! Matutunaw na si ella niyan e.” siniko pa ako ni Jm.
-______- “Sana nga matunaw na siya e.”
“Don’t be rude to her Keith.” Sabat naman ni Andrei.
Katulad ng dati, lagi nilang kinakampihan si Ella. Nakaka-inis na ah! Sino ba kaibigan nila? Ako o yang babaeng yan?? Tss!
“Bitter! Bitter na playboy!”
-_____- Wala ako sa mood makipag-asaran! “Aalis na muna ako. Masyadong masama ang hangin dito.” Tumayo na ako at umalis na. wala na akong pakialam kahit sabihin pa nilang bitter ako. Bitter na kung bitter! Takte lang e. minsan ka na nga lang magmamahal ng totoo, lolokohin ka pa!
Lumabas na ako ng love café at sumakay na nang kotse ko. Hindi ko na pinansin yung mga babaeng nagpapacute sa akin. Wala ako sa mood makipaglandian ngayon. Tss! Bakit ba siya muling nagpakita? Sinabi ko na naman sa kaniya na ayaw ko na siyang makita hindi ba? Bakit ba hindi niya naiintindihan ang mga bagay na iyon?
Pina-andar ko na ang kotse ko at mabilis na pinatakbo.
Drive lang ako ng drive.
Saan nga ba ako pupunta?
Tss!
Teka? Bakit ako papunta dito?
Maya-maya pa ay nakarating din ako dito. Ewan ko ba kung bakit dito ako pumunta. Naiinis na nga ako sa sarili ko, dinala ko pa ang sarili ko dito. Nasa park ako.
Ang babaeng yun, dinala ko siya dito. Hinarana ko siya sa harap ng mga kaibigan ko. Sobrang mahal ko siya at sinabi ko iyon sa kaniya sa mismong park na ito. Ang saya ko nga nun kasi sinabi niyang mahal niya din ako. Talon ako ng talon nun. Hindi ko maipaliwanag yung sayang nararamdaman ko.
Pero sinaktan niya ako.
I guess, hindi talaga ako magkakaroon ng sarili kong love magic spell katulad ng kay Ej at Chocola. Dahil hindi naman ako mahal ng babaeng yun. Hindi niya ako minahal.
Paano nga ba kami nagkakakilala??
Flashback:
“Do I really have to sing? Pwede bang drums na lang ako? I hate to sing.” Reklamo ni Keith. Siya kasi ang pinapakanta ng mga babae sa bar nang school nila. Oha, may bar ang school nila. Pero hindi ito tipikal na bar dahil hindi naman ito nagbebenta ng alak. Parang pang kasiyahan lang.
“Ikaw nga ang gusto nilang kumanta. Kakasawa na siguro boses ni Ej at Xander.” Sabi naman ni Jm na inaayos ang gitara nito.
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: Still My CINDER-ELLA
RomanceLOVE CAFE SERIES **Presents** # 2: Still My CINDER-ELLA :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Keith Dela Cruz. Ang Playboy ng Love Cafe. Lumala nang nasaktan. Paano pag isang araw bumalik ang taong nanakit sa kaniya? Si Gizzelle Natividad.. ang bab...