Chapter 22:
[ELLA’s POV]
PRESENT
Waaahh! Hapon na! Grabe. Parang ang haba ng panahon na lumipas. Well, ayun kasal na sila Chocola at Ej. Congrats sa kanilang dalawa. Naunahan pa ako ni Chocola na mag-asawa e mas matanda ako sa kaniya. Tumatanda na akong dalawa. Kamusta naman yun diba?
Kakainggit tuloy sila. Pumunta silang Jeju Island ba yun? Sa korea. Oh diba? Susyal! Ako kaya? Kailan ang honeymoon ko? Ay yung kasal ko pala muna. Kailangan muna kasal bago honeymoon. Hindi naman kasi ako katulad ng IBANG tao dyan na hmm.. Alam niyo na! Grrr!
“HEY! ELLA! DAYDREAMING AGAIN? ARGH!”
-____- Ayan na naman si MR. Fuckin Perfect! ARGH! Panira ng araw e!
“WHAT? Kailangan ka ni Andrei ngayon, ano pang tinanga-tanga mo?”
Bakit ba pag nilalait ako ng lalaking to, wala na akong maramdaman? Feeling ko manhid na ako. Hahaha. Sa araw-araw ba naman na lait nitong lalaking to sa akin. Wa effect na. Minsan kasi, ang OA niya na. Hmp!
“Eto na nga po oh. Paalis na. Atat much?” Asar niya. O kitams.. Nagawa niya pa itong asarin. Alam niya na ngang magagalit ito sa kaniya pag ginawa niya yun e.
“Aba’t sasagot ka pa! Sino bang amo mo huh?”
(_ _) See?
“Oh mag-aaway na naman kayo?” Si Xander na napadaan lang.
“Hindi naman ako nakikipag-away. Alam mo yan Xander. Ewan ko na lang sa ibang tao. Sige. Punta na ako sa office.” Lihim akong napangiti nang makita ko ang ekspresyon ni Keith. Kahit na alam kong galit siya sa akin, at least pinapansin niya ako diba? Hindi katulad dati, na para bang hindi kami magkakilala.
Pumunta na siya sa office ni Andrei.
May ibinigay itong mga papeles. Marami silang trabaho ngayon dahil nga ilang araw din silang nagsara.. Lalo na naging busy din sila nang ikasal si Chocola at Ej.
“Hmm.. May iba sayo Ella..”
“Huh? Ano naman yun Andrei?”
Wala namang nagbago sa kaniya ah? Hmm. Dahil ba medyo curly yung buhok niya? Yun daw kasi ang bagay sa kaniya ayon na rin sa kaniyang bestfriend na si Sandra na ngayon ay bumalik na naman sa Europe para magliwaliw! Bumalik nga lang siya sa pilipinas para sa kasal nila Chocola!
Pati si Jm, ayun, bumalik na rin nang Canada. Apat na lang kaming naiwan dito.
“Hmm.. You look so happy.”
“Ako? E Masaya naman talaga ako e.” At saka wala namang dapat ikalungkot diba? Dapat laging Masaya para lagging maganda ka. Haha :DD
“Sus, alam ko na ang dahilan. Okay na kasi kayo ni Keith. Haha. He don’t ignore you na right?? At saka madalas na ring kayong mag-usap ng casual..”
>/////< Naman ee! Bakit ang galing pumansin netong lalaking to?
“And I’m glad. Okay na kayong dalawa. Wala nang awkward atmosphere between the two of you.”
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Totoo nga naman kasi ang sinabi nito. Wala nang awkard scene between the two of us. Pero ayaw ko talaga siyang nakikitang may kausap na babae! Nakakagigil ee! Lamoyon!
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: Still My CINDER-ELLA
RomanceLOVE CAFE SERIES **Presents** # 2: Still My CINDER-ELLA :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Keith Dela Cruz. Ang Playboy ng Love Cafe. Lumala nang nasaktan. Paano pag isang araw bumalik ang taong nanakit sa kaniya? Si Gizzelle Natividad.. ang bab...