Chapter 36:

2K 37 3
                                    

Chapter 36:

[KEITH’s POV]

“Okay. I’m Sorry. I’m sorry if I’d assumed. Sorry ha. Sobrang mahal kasi kita na nasasaktan akong may kayakap kang iba. Ang gusto ko kasi, AKIN KA LANG. Tanda mo pa ba? SAYO LANG AKO. KAYA DAPAT AKIN KA LANG. Mahal na mahal na mahal kasi kita.”

        Tumahimik naman ang lahat.

        Pati siya nakatahimik lang. Pero tumigil na ito sa pag-iyak. Mabuti naman. Ayoko siyang nakikitang umiiyak. Nasasatan ako. Napakamot tuloy ako nang ulo. Hindi ko na alam ang sinasabi ko kanina. Ayan tuloy, nakatikim ako nang sapok ni Ella. Sakit nga e. Naalog ata ang utak ko. -___-“ Grabe naman kasi kung makasapok diba? Gusto na ata niya akong matuluyan e.

        “I’m really sorry. Pasensya na kung super assuming ako ah. Pero nung nakita kitang kayakap ka, at ang saya nang mukha mo, pinanghinaan na ako nang loob. Lagi na lang kasi kitang nasasaktan. Sorry for being a jerk. Sorry for being an asshole. Natakot lang ako e. Natakot akong baka pag pinuntahan kita, ipagtabuyan mo din ako.”

        UGH -___-

        Ang drama ko na. Pag nakita siguro ako nang mga babae ko before, pagtatanawan nila ako. Pero wala na akong pakialam. Mahal ko kasi tong babaeng to. Sobrang mahal ko e. Kahit na magmukha na akong tanga sa lahat nang tao dito, I DON’T CARE. Basta masabi ko sa kaniya kung anong laman ng puso ko ngayon dahil baka pag hindi ko pa to nasabi sa kaniya.. Baka mawala na siya nang tuluyan sa akin at hindi ko makakaya yun.

        I’ve waited for six years! Then I’ve waited another two months! Ayoko nang maghintay pa nang taon, buwan, araw.. Gusto kong malaman niya kung gaano siya kaimportante sa buhay ko. Tama na ang paligoy-ligoy! Nakakapagod na din kasi e. Tama na ang sakitan.

        “Gago ka talaga..” She said.

        -__-“ OO NA! Alam ko nang gago ako. Matagal ko nang alam yun e.

        “Pero kahit na Gago ka, Mahal kita e.”

        O__O?

        “Ayieee..”

        “Bati na sila oh..”

        “Naman oh.. magbati na kayo..”

        “Oo nga..”

        “Bagay nga kayo ee..”

        “Eee.. Kiss.. Kiss..”

        “KISS!”

        “Oo nga.. Kiss na yan..”

        Oh Kiss daw. Hehe. Tinignan ko si Ella. Namumula na yung pisngi niya. Hindi yan sanay nang tinutukso e. Ako lang kasi ang may karapatan na tuksuhin yan ee. Lumapit ako sa kaniya. Tapos napaatras naman siya. Tinignan ko siya. Nakakunot naman ang noo nito.

        “Bakit?” Tanong ko. Nakakunot kasi yung noo niya tapos nilalayuan niya pa ako. Ano pa ba ang problema nang babaeng to? Hindi pa ba tapos? Kulang pa ba yung mga sinabi ko? Hindi pa ba siya naniniwala na sobrang mahal ko siya? Ano ba naman yan?

        “Hindi mo pa ba ko mapapatawad?” Tanong ko.

        Teka? Ako ba ang may kasalanan? Hayy. Sige ako na nga. Tutal, pinalala ko naman e.

        “Kailan ba ako nagtanim nang sama nang loob sayo?”

        *gulp* Bakit lalo siyang gumaganda sa paningin ko? Hayy. Kasalanan niya to e. Ilang buwan ko siyang nakita. HOY! Gusto na kitang yakapin! Gusto na kitang halikan >_<

        Humakbang uli ako nang isa. Hindi na siya umaatras. Parang hinihintay niya lang ako. At nang nasa tapat niya na ako naghiyawan naman ang mga tao. Jusme. Halos lahat pala nang kumakain sa Café at diner ay lumabas na. Pati yung mga dumadaan, nipapatigil at napapatingin.

        NICE ^^ Center of attraction. Gusto ko yan. Para makita’t marinig nila kung gaano ko kamahal ang babaeng to sa harap ko. Mula noong high school ako, siya lang ang may kakayahan na pabilisin ang tibok nang puso ko. Siya lang ang may kakayahan na panerbyosin ako nang ganito. Kakaiba talaga. Hindi kaya ako pinakulam nang babaeng to? Patay na patay ako e.

        Hinawakan ko ang kamay niya. Kahit pa hindi masyadong malambot iyon dahil sa mga ginagawa niyang trabaho, I don’t care. For me, yun na ang pinakamalambot na kamay na nahawakan ko. Hinalikan ko iyon. Nagtilian ulit ang mga tao. Lalo na yung mga babae. Tumingin ako kay Ella.  Nakangiti na siya pero naluluha ang mga mata niya. Iyakin talaga..

        “Bakit ba kita minahal?” tanong ko.

        “Ewan ko sayo. Bakit ba kasi ako ang minahal mo?” Balik tanong nito sa akin.

        Napangiti naman ako. Nilagay ang kamay niya sa tapat ng dibdib ko. “Bakit hindi mo itanong sa puso ko yan?”

        “Loko. Nagsasalita ba yan?”

        “Hindi mo ba naririnig? Ikaw lang ang sinisigaw niyan. Ewan ko ba. Nakakaloko na nga e.”

        Sumimangot ito.                

        Ang cute talaga. Tsss.

        *Chu~

        O///O!?

        “Ayieee!”

        “Gosh! Oh my Gooooooosssssh!”

        “Sweeeet naman!”

        “ASUS!” Si Ej.

        “123!” Si Andrei.

        “Pumaparaan.” Si Xander.

        Tumawa naman ako. Si  Ella namumula. Namiss ko to oh! Lumapit pa ako sa kaniya at niyakap siya. GOD! Thank you! Sa wakas. Nayakap ko na rin siya. And I’m telling you that I won’t let her go again. Not this time. Not ever again. Ayoko nang paiyakin siya. Tama na yung mga nangyari before. Tama na yung sakitan. It was time for us to be happy.

        “I love you Keith! So much..”

        Pinakawalan ko siya. Pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi niya. “Yeah. I love you too. And I’m bound to love you forever.” At niyakap ko ulit siya. Gumanti naman ito nang yakap.

        Nagpalakpakan naman ang mga tao.

        Eto na yun e.

        Nagthumbs up ako kela Ej. Ngumiti naman ang mga ito.

Love Cafe Series: Still My CINDER-ELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon