Chapter Seven:
[KEITH’s POV]
6 pm na. tsss! bakit ang bilis ng oras?? Parang kanina lang e umaga tapos ngayon gabi na agad? Ganun ba sila kaatat para sa dinner nato?? Tsk tsk _ _)
Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Hindi ko din naman alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero para akong sirang plaka na palakad-lakad sa condo unit ko. Hindi ko rin mawari kung bakit ba sa condo ko gaganapin ang letseng dinner nato! Hindi ba pwedeng sa love café na lang o kaya sa condo nila Ej, Jm, Xander o kaya si Andrei?
Bakit sa akin pa? tsk tsk! Pare-pareho lang naman kami ng laki ng unit e -___-
Oo nga pala, para sa dinner na to si Ej ang magluluto. Siya lang naman ang magaling magluto sa amin ee. At para sa dessert, si Jm ang gagawa ng Ice cream ewan at magbabake naman daw si Andrei ng cake.
Ako at si Xander, dakilang tagakain! Yun lang naman talaga ang role namin dito ee. At saka ano pa ba ang pwede naming gawin? Kinarir na nung tatlo ang mga ginagawa nila ee.
“Hoy! Kung tumutulong ka kaya sa amin no??” tawag ni EJ sa akin mula sa kusina.
“Oo nga! Maghugas ka ng plato!” sigaw naman ni Jm.
“Ayaw ko nga. Basta pakilinis yung kusina ko pagkatapos niyong magluto ah..” sabi ko habang palakad-lakad lang. Sila nagkalat dyan e di sila din ang maglugpit. Naku! Hindi naman kasi ako nagluluto ee. Nakikikain ako kela Ej. Kaya nung nakilala niya si Chocola lagi na lang akong nagugutom haha. Lagi kasi silang may date ee.
*Ding dong ding dong*
Sabay kaming napatingin ni Xander sa pintuan.
“Buksan mo na..” Utos ni Xander.
Ugh! Hindi naman siya mukhang may-ari ng bahay na to no?
No choice, dahil masyado namang nakakahiya sa bisita ko ako na lang ang magbubukas ng pinto.
Lumapit na ako sa may pintuan at binuksan ang pinto.
“Ahm good evening?” sabi nito.
I frowned. Si Ella lang pala.
“Hello? Kayo ba ang boss ni Ella? Wow naman..” sabi ng kaibigan nito na agad namang pumasok sa loob ng unit ko.
“Yeah.” Na sabi ko na lang.
“Upo kayo…” sabi naman ni Xander. Mukhang kinakarir niya ang pagiging may-ari ng bahay ko ano?? Tss!
Umupo na sila sa sala. Habang ako nakatayo lang. nahiya naman kasi ako sa kanila hindi ba? Tss! Dito na lang ako. Bahala na sila dyan.
Malapit na magseven at wala pa rin si Chocola. Asan na kaya ang babaeng yon? Huwag mong sabihin na naligaw siya e katabi lang nang unit ko ang unit ni Ej?
“Ahm.. excuse me? Saan ang Cr niyo?” tanong ni Coleen. Yeah, nakikinig ako ng usapan nila kanina kaya nalaman ko ang pangalan niya.
“Dito, hatid na kita.” Sabi naman ni Xander at inihatid na si Coleen sa comfort room.
Katahimikan..
Katahimikan pa rin..
Tsss! ayokong masalita!
“Ahm Keith..”
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: Still My CINDER-ELLA
عاطفيةLOVE CAFE SERIES **Presents** # 2: Still My CINDER-ELLA :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Keith Dela Cruz. Ang Playboy ng Love Cafe. Lumala nang nasaktan. Paano pag isang araw bumalik ang taong nanakit sa kaniya? Si Gizzelle Natividad.. ang bab...