Chapter Four:
[KEITH’s POV]
My head’s full of memories right now.
Wala na akong magawa kundi ang tumunganga. Mabuti na nga lang at ako lang mag-isa ngayon sa office. Kumain silang lahat at nasa kusina sila. Wow. Ngayon lang ako hindi nakasalo sa kanila. Umaayaw na ba ako ngayon sa pagkain? Jeez!
Makakain na nga lang.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang bumukas ito at biglang namatay ang ilaw.
O____O!! Mommy MUMU!!
Napapakit ako! Mommy MUMU! MUMU!!!!!!!!!!!!
“Uy Keith? Okay ka lang?”
-_______- Paano ako magiging okay kung nakatutok sa akin ang ilaw ng flashlight niya? Batukan ko kaya tong Jm na to! Tss!
Teka? JM?
“Jm?”
“Welcome back to me.”
Agad ko siyang binatukan at niyakap. Haha. Loko e!
“Kailan ka pa umuwi?” Parang noong isang linggo lang e nandito siya sa pilipinas ah. Ang adik talaga ng taong to! Aalis-alis tapos babalik balik.
“Actually, hanggang birthday lang ako ni Andrei dito. Alam mo naman na I’ve never missed his birthdays.”
Oo, tama ito. Wala ni isa man sa amin ang nakamissed ng birthday ng isa’t isa. Kahit kaming lima lang nandun okay na. Ganyan kasolid ang barkada.
“Eh di one week ka lang pala dito.” Sabi naman ng nasa likuran niya.
“Hey Bro.”
“Hayy. Hindi ko pa nauubos yung brownies ko e! bakit nagblock out?” reklamo naman ni Andrei na dala-dala pa ang baso nito.
“Don’t worry guys. Inaayos na nila yung generator.” Sabi naman ni Xander.
Napa-iling na lang ako. Kahit papano ay nawala siya sa isip ko ngayon. Nakakatuwang pagmasdan na masaya ang barkada at okay ang love café.
“Hey. Let’s go to bar right now and celebrate.” Sabi ko naman. Well, ang totoo niyan, gusto ko lang uminom.
“Ano namang ice-celebrate natin?” tanong ni Jm.
“Ikaw. Hahaha.”
“Ah oo nga pala. Paano yung mga applicant? Kanina pa sila naghihintay?” Singit ni Andrei.
“Ako na lang ang mag-i-interview.” Sabi ni Ej. Napatingin kaming lahat sa kaniya.
“Are you sure?” tanong ni Jm.
“Wala kayong tiwala sa akin?” tampong sabi nito.
“Kami na lang dalawa.” Sabi naman ni Xander.
“Okay. Pero pwede bang kumain muna ako? Gutom na kasi ako.” Sabi ni Jm na hawak-hawak ang tyan nito.
Umakbay ako sa kaniya. “Kung ganon. Tara na sa kusina. Haha. Gutom na rin ako e.” kumukulo na nga ang tiyan ko.
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: Still My CINDER-ELLA
RomanceLOVE CAFE SERIES **Presents** # 2: Still My CINDER-ELLA :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Keith Dela Cruz. Ang Playboy ng Love Cafe. Lumala nang nasaktan. Paano pag isang araw bumalik ang taong nanakit sa kaniya? Si Gizzelle Natividad.. ang bab...