Chapter 15:
[GIZZELLE’s POV]
Prom daw? Ini-announce na yun, mga dalawang linggo na ang nakakaraan.At alam kong marami na ang nakapatahi nang gown nila. Sa susunod na araw na kasi ang Prom na yan! So dahil gusto ko ding pumunta, Kailangan ko nang basagin si Piggy Bank ko! TT__TT
Pero bukas pa naman ang kamatayan niya kaya raraket muna ako ngayon. Thursday ngayon at wala naman halos ginagawa sa school kaya umabsent muna ako. Jusko! Umabsent ako para lang magkapera! Nakakita kasi ako ng gown sa may palengke, rerentahin ko. P1500 daw ang renta, Maganda siya, elegante ang dating, at saka may kasama pa yung Sandalyas. O diba? Sulit na yung P1500 kung saka-sakali!
Pero ang alam ko, mga P800 plus lang yung pera ko. Ewan ko nga kung tama kung kalkula ko pero kailangan ko pa nang pera! Sa sabado na ang prom namin! Kahit na yung gown lang at wala na akong pangrenta para sa mag memake up sa akin, ako na lang ang mag-aayos sa sarili ko pero kailangan ko nang gown!
Gusto ko din namang maisayaw kahit papaano ni Keith.
Pumunta muna ako sa palengke. Nakitulong doon. Magbenta, magsisigaw.. At pagkatapos nang kalahating araw.. Nakakuha ako nang P250! Okay! Kulang pa pero kaya ko to!
“Miss.. Kanina pa kita nakikitang tumutulong dito.. Gusto mo ba akong tulungan?? Hmm..”
Si Howard! May mga dala itong libro.
“Anong ginagawa mo dito huh?” Pa-ismid kong tanong..
Ngumiti lang ito. Siya si Howard, Ang anak ni Tito Joey, ang bestfriend ko, ang kuya ko, ang isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Second year college na ito sa kursong Journalism.
He pokes my nose. “Ayan na naman si tampururot e. Sorry na kung hindi mo na ako madalas makita ah.” Inakbayan niya ako. “Busy for finals e. but don’t worry.. may pasalubong ako sayo.”
Sumimangot ako. “Ayan ka na naman…”
“Hehe.. tulungan mo na naman akong buhatin to oh. Tapos ilagay na natin sa bookstore ni Papa.. Teka? Wala ka bang pasok?”
Patay -____- “Hindi ako pumasok. Kailangan ko nang pera e.” Hindi talaga ako nagsisinungaling sa kaniya.
“Pera? Aanhin mo? Bakit hindi ka humingi kay Papa? Bibigyan ka naman nun e. Pero ang hindi ka pumasok para lang magkapera, mali yun okay.” He pats me in my head.
Buti pa ang kuya ko, nagagalit pag uma-absent ako, samantalang yung bruha kong step mother ay tuwang-tuwa pa nang malamang mag-aabsent ako. Ang sabi pa’y maganda daw iyon para may magluluto sa kaniya at magsisilbi buong araw pero yun ang akala niya, hindi ako umabsent para sa kaniya no!
“Sorry na. Gusto ko lang naman kasi bumili nang gown e.”
“Gown? Para saan?”
“Prom.” Mukhang hindi na ako talaga makaka-attend sa prom. Hayy.. Kinuha ko na lang yung ibang librong hawak niya.
“Bilisan mo.. at nasa bookstore ang pasalubong ko..”
Ginawa ko ang sinabi niya. Pumasok ako sa bookstore at nilagay ang mga libro sa isang side, Wala din naman masyadong tao. Parang unti na lang kasi ang mga taong may hilig sa pagbaba, magbabasa lang sila pag kailangan sa school o sa work nila.. bakit kaya ganun?
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: Still My CINDER-ELLA
RomanceLOVE CAFE SERIES **Presents** # 2: Still My CINDER-ELLA :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Keith Dela Cruz. Ang Playboy ng Love Cafe. Lumala nang nasaktan. Paano pag isang araw bumalik ang taong nanakit sa kaniya? Si Gizzelle Natividad.. ang bab...