Chapter 31:
[PURPLE’s POV]
Tama ba tong nakikita ko? Sila Ej? Teka? Sino yung kasama niyang babae. Mukhang nag-aaway sila. Halla! Nagwalk-out yung babae. Sino ba yun? Feeling naman. Tss. Oh ayan na sila Xander at Andrei. Teka? Ano kayang ginagawa nila sa hospital? Bakit hindi nila kasama si Keith o kaya naman si Jm.
“Oh my gosh Purple!” Bigla na lang hinila ni Pinky yung kamay ko at nagulat na lang ako nang tumapat kami sa tatlong lalaking nakaupo sa may bench.
“Ej? Xander? Andrei? Kayo nga!”
Mas nagulat ako nang sinabi iyon ng kakambal ko. Ayts! Naku naman ee! Nakita ko namang parang gulat na gulat ang tatlo nang makita kami. Malamang! Ang tagal na kaya naming hindi nagkikita.
“Pinky? Purple?” Si Andrei ang nagtanong.
“Kami nga.” Tuwang-tuwa namang sabi ng maharot kong kakambal.
“Anong ginagawa niyo dito?” tanong naman ni Xander.
“Binabantayan namin si mommy. Inatake siya sa puso kahapon ng dahil sa bwisit na Gizzelle na yun!” Hindi napigilan na sabihin ni Pinky. Sumimangot naman ako nang marinig ang pangalan ng babaeng yun! Hindi na siya naawa sa amin. Pinagdusahan na namin kung ano man ang naging kasalanan namin sa kaniya!
“Gizzelle? Si Ella? Where is she?” Agad na tanong ni Ej.
“Sa dati naming bahay. Pinalayas niya kami nung isang araw.” Hindi ko napigilang isagot sa kanila. Kung siguro hindi niya kami pinalayas, siguro.. wala siguro si mommy dito sa hospital. Wala na nga kaming bahay, wala pa kaming panbayad ng bills dito. kailangan ko na namang maghanap ng pera.
“What? She did that?” Hindi makapaniwalang sabi ni Ej.
“Yeah. Pumunta siya sa bahay. Hawak-hawak ang titulo ng bahay at lupa at she forced us to leave!” ARGH! -____- Naaalala ko na naman! Syete talaga ang babaeng yun!
“So nandun lang siya?” Si Xander.
“Oo. I guess.” Si Pinky.
“Wait. Ngayong nandito na kayong dalawa. Pwede niyo bang sabihin sa amin kung anong nangyari noon? Cause we know, may kinalaman kayo kung bakit hiniwalayan ni Ella si Keith.” Si Ej na medyo masama na ang tingin sa amin dalawa ni Pinky.
*Gulp*
“Oo nga, we want to know the truth.” Si Andrei.
Napatingin sa akin ang kakambal ko. Parang humihingi ito ng saklolo sa akin. Shet! Hindi ko din alam ang gagawin ko. Kung sasabihin ko ba o hindi. Dapat pa ba nilang malaman ang mga bagay na iyon e nakaraan na yun.
“Spill it out!” Si Xander.
“Bakit ba kailangan niyo pa yung malaman. Nakaraan na yun. Hindi niyo na din naman maibabalik ang dati. At isa pa. Gizzelle’s change into a monster.” Naiirita kong sabi.
Umangat ang isang kilay ni Andrei sa sinabi ko. Waring hindi niya ito nagustuhan.
“Hindi ganyan ang pagkakakilala ko kay Ella. At kailangan namin malaman ang lahat dahil alam namin na konektado ito sa mga nangyayari ngayon..”
“Ewan ko sa inyo!” kinuha ko na ang kamay ni Pinky at hinila na ito paalis sa lugar na iyon.
“Sabihin niyo na please. Para kay Keith!” Sigaw ni Xander.
Napalingon ako.
“Keith?” Asan nga ba si Keith?
“He was in that room.” Turo pa ni Ej sa kwartong katapat nila ngayon.
“Anong nangyari?” Si Pinky. Medyo nag-aalala ito. Syempre. First crush namin si Keith. Yung taong gustong-gusto namin noon.
Isinabi naman ni Ej ang mga nangyari. Nagulat pa nga ako. Pinagpalit ni Gizzelle si Keith sa isang milyon? Hindi mukhang pera si Gizzelle.. Kahit galit ako sa kaniya dahil sa ginawa niyang pagpapalayas sa amin, naaawa pa rin ako sa kaniya. Mahal niya si Keith. Noon pa man. Pero bakit?
“Gizzelle want the house back.” Biglang nasabi ni Pinky.
Then I realized something.
“Wait. Nagkaroon ang mommy ko nang utang sa isang kompaniya. At naisanla niya ang bahay. And it was worth a million pesos. Hindi kaya ginamit ni Gizzelle yung pera pantubos nang bahay?”
Napatango si Pinky. “Siguro. She loves that house. Yun na lang ang tanging pamana sa kaniya ng mga magulang niya since we..” Pinutol nito ang sasabihin at tumingin sa akin. “She really suffers so much.” Mahina nitong sabi.
I agree. And I hate to admit it. We were harsh and mean to her. Hindi namin siya tinuring na kapatid. Inalila namin siya. But she never complains. She never did. Lahat ng inuutos namin o pinapagawa sa kaniya, ginagawa niya.
“I guess, we owe you the truth.” Tumingin ako sa kanilang tatlo at sinabi ang buong katotohanan nang gabing yun.
Habang binabantayan ko si Mommy. Naiisip ko pa rin si Gizzelle. Nagi-guilty ako. Sa lahat ng ginawa ko, namin sa kaniya. Nagsisi na ako nun pero mas nagsisi ata ako ngayon. Yung perang dapat siya ang tumatanggap, kami ang nakikinabang.
She must really hate us.
“Anong iniisip mo?” Untag ni Pinky sa akin. Nakaupo ito sa may couch. Ako kasi nasa upuan malapit sa kama ni Mommy.
“Gizzelle.”
“Punta tayo sa kaniya bukas?”
“Pwede, pero sino magbabantay kay mommy?”
“Okay lang ako anak.”
Napatingin kami kay mommy na gising na pala. Hindi ko lang namalayan sa sobrang pag-iisip.
“Pero mom..”
“I’m okay.”
I sigh. Kailangan na naming gawin to. Oras na rin para magkapatawaran..
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: Still My CINDER-ELLA
RomanceLOVE CAFE SERIES **Presents** # 2: Still My CINDER-ELLA :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Keith Dela Cruz. Ang Playboy ng Love Cafe. Lumala nang nasaktan. Paano pag isang araw bumalik ang taong nanakit sa kaniya? Si Gizzelle Natividad.. ang bab...