Chapter 23:
[KEITH’s POV]
I am harsh! Am I? argh! Bakit ba ako ganito? Okay naman na kami diba? Kahit nilalait ko siya o inaaway ko siya, gumaganti naman ito. Pero bakit nang marinig ko ang mga sinabi nito dun sa customer na nagwala because of me, bakit parang nasaktan ako?
Nasaktan ba ako sa sinabi niya? E tama lang naman yun e. I deserved to be happy too! I deserve to fall in love with a woman who’d take me seriously, who will love me as much as I love her. Pero tae! Siya lang talaga e!
Kahit sino pa ang makilala ko. Siya pa rin! GOD! Why are you so unfair?
Pareho lang naman kami ng lalaking yun..
And speaking of that guy, who curse me because of some woman whom I don’t even know! Seriously? Ni hindi ko nga kilala ang babaeng sinasabi nito. Oo, nakapag-usap na kami. Ayaw ko din namang magkaroon ng misunderstanding. Pinakita niya sa akin yung picture pero hindi ko talaga kilala. Ang sabi nito, hiniwalayan daw siya ng supposedly soon to be wife niya na may mahal na itong iba at yun nga daw ay ako.
Pero hindi ko talaga kilala ang babaeng tinutukoy nito. I’d never date her. She’s not my type kaya alam kong hindi ko siya naidate kahit na minsan.
“Keith..”
“Xander..?”
“Okay na?”
“Yeah. I’d talked to him na. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako ang sinabi ng ex niya. Base pa lang sa picture, wala na. She’s not my type. She’s not even voluptuous.”
“Baliw ka talaga. Alam ko naman kung sino ang type mo e.”
Napatingin naman ako sa kaniya, nagtataka. Sino naman kaya ang gusto nitong ipahiwatig?
“You know WHO I mean.” He smirk.
-_____- I don’t even know why I became friends with him? You know. We don’t collide each other. But we have the same fate. At lagi pa kaming magkasama sa trabaho dahil isa siyang engineer at ako naman ay architect.
“Xander, do you want to fall in love again with the same woman who broke your heart back then?” Seryoso niyang tanong.
“I guess No. I don’t know. And you see, I hate women.”
“But you don’t hate Sandra, Chocola and Ella.”
“Because they are my friends. I trust them.”
“But still, you’re scared to befriend some girls.” Alam niyo naman yang isang yan, nakakatakot pagdating sa mga babae.
“They are not just girls. Alam mong ayoko sa mga babaeng flirt. Kung marunong maglandi ang isang babae, marunong din siyang manloko.”
“Hmp. Hindi naman lahat nakikipagflirt sayo. You’re just being too spacey with them.. You’re being afraid to fall in love right?”
He just rolled his eyes. “And what about you? You still love her but here you are now, afraid of being broken again. Aren’t we the same? Naging woman hater lang ako, at ikaw, hindi mo man sila kinamumuhian, pinaglalaruan mo naman sila. Maging totoo ka naman sa sarili mo Keith, Ikaw din. Pag may nangligaw dyan kay Ella.. tss.. Mas masasaktan ka..”
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: Still My CINDER-ELLA
RomanceLOVE CAFE SERIES **Presents** # 2: Still My CINDER-ELLA :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Keith Dela Cruz. Ang Playboy ng Love Cafe. Lumala nang nasaktan. Paano pag isang araw bumalik ang taong nanakit sa kaniya? Si Gizzelle Natividad.. ang bab...