Usap usapan sa village ang pag ulan. Nakakaranas sa ngayon ang ibang lugar ng malakas na bagyo kaya hindi matigil ang pag ulan.
Ngayong gabi, tulog na ang lahat. Tahimik na, at ako nalang ang nananatiling dilat ang mga mata at nakikiramdam.
Ang lakas ng hangin na para bang gusto nitong pumasok sa loob ng bahay dahil kulang nalang ay tanggalin niya ang bubong ng bahay sa lakas nito.
Malakas ang simoy ng hangin, at pinapalipad na nito ang ibang kagamitan kaya hirap na hirap ako sa pagsusulat ngayon.
May plano ako...
Hindi ko alam kung gagana, pero susubukan ko. Malalaman ko rin kung sino ang nagpapadala ng mga mensahe sa akin. Mahuhuli ko rin ito.
Midnight. Madaling araw kong nahahanap sa labas ang mga nakikita kong sulat. Magmamasid ako sa labas at ganyang oras ko siyang babantayan!
Pursigido,
Asya

BINABASA MO ANG
VANGUARD
Fantasian epistolary novel. - In a serene village with a close-knit community, a woman who loves writing a diary, discovers a series of mysterious handwritten letters. As midnight strikes, these letters begin to appear, each containing messages that hint a...