Kinakabahan ako.
Tahimik ang buong lugar, tulog na naman ang lahat. Ako na naman ang naiwang gising sa gitna ng gabi. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka nahuli ako. Paano kung nalaman nilang nakapasok ako? Paano kung nalaman nilang may nakuha ako mula sa library?
Nasa gilid ko lang ngayon ang libro habang nagsusulat. Hindi ito basta bastang libro dahil mapa ito.
Isang mapa na nagkukubli sa loob ng isang libro. Isang importanteng mapa. The map has red markings. Na para bang kung sino mang hahawak nito, gusto ng mapa na sundin ito. Wala na akong ibang mahanap bukod doon kaya itinabi ko muna iyon. Itinago ko ng maigi.
Overthinking,
Asya

BINABASA MO ANG
VANGUARD
Fantasyan epistolary novel. - In a serene village with a close-knit community, a woman who loves writing a diary, discovers a series of mysterious handwritten letters. As midnight strikes, these letters begin to appear, each containing messages that hint a...