V59

5 2 0
                                    

Ang daming inpormasyon na pumasok sa utak ko. Ang daming mga tanong na umiikot. Buti nalang talaga't nakaupo ako ngayon habang nagsusulat dahil kung hindi, baka nakahandusay na ako ngayon sa sobrang pagod sa pag iisip.

From these letters, the unknown, the map hiding in a book, an old diary, protector, guardians, artifacts, the past, and the head village... Sasabog na ang utak ko.

What if... Just what if Elara, the past protector, is still alive? Paano kung siya ang nagpapadala lagi sa akin ng sulat? Paano kung hindi siya nakapagsulat sa akin sa loob ng dalawang linggo dahil may nangyayari at nagtatago siya?

Most of the letters are written in English. Paano kung paraan niya pa rin 'yon para walang ibang makapagbasa ng mga sinusulat niya? Hindi imposible!

At isa pang katanungan na tumatakbo sa isip ko kanina pa... Bakit ako? Bakit ako ang pinapadalhan niya? Bakit ako ang napili niyang malaman lahat ng 'to?

Is this the end? Nalaman ko na ang lahat. Ano pa nga ba ang kaya kong gawin? Ang dapat kong gawin? Wala akong kakayahan para salungatin ang head village namin ngayon kung totoo ngang masama rin siya gaya ng kaniyang pinagmulan!

Still thinking,
Asya

VANGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon