V39

10 2 0
                                    

Bumalik ako ulit sa simbahan nang sumapit ang linggo. Hindi na ako nakakatanggap ng mensahe sa kung sino man, kaya dapat tigilan ko na rin 'tong mga pinaggagawa ko! Pero hindi ko magawa! Hindi ako matahimik! Sa loob ng mga araw na hindi ako nakatanggap ng mga mensahe, hindi ako nakatulog ng maayos sa kaiisip. Either I do this once, or my thoughts will haunt me every day and every night for not doing anything to feed my curiosity.

Posibleng hindi ka maniniwala, pero nakita ko si Hulyo kanina. Pagkatapos ng misa, hinayaan kong maubos ang mga tao sa simbahan. Naiwan ako kasama ang iilang nag liligpit ng gamit sa loob ng simbahan.

I was frozen in my seat while observing the surroundings. I was even swallowing hard, trying to calm myself and think of a better plan! That was when I saw Hulyo. Tumutulong siya sa mga taong nagliligpit at naglilinis sa loob ng simbahan nang makita ko siya. Nang mahagip ako ng mga mata niya, nagulat pa ito na para bang hindi niya inaasahang makikita ako!

Pasimple niyang iniwan ang trabaho niya kanina at nilapitan ako. I can still remember how he asked me why I was still there instead of greeting me first. Bago niya ako inaya para makapag usap sa labas ng simbahan ay sumulyap pa ito sa naiwang trabaho. Hindi ko maiwasang makonsensya dahil pakiramdam ko ay nakadidisturbo ako kahit hindi ko naman siya tinawag kanina para kausapin! Nagulat din akong nandoon siya!

Tinanong ko rin siya kung bakit siya nandoon at ang sagot niya ay iyon ang parusa niya sa pag labag ng batas. Ang paglabas ng village. He needs to serve the church for a month. Sabi niya ay magaan nga lang daw na parusa iyon at bukal niya pa sa loob na gagawin. Hindi niya pa rin pinagsisihan ang paglabag, diary. Napakatapang niya...

Kung may dapat man akong pagkatiwalaan sa loob ng village maliban sa sarili ko, masasabi kong si Hulyo iyon. Sa mga oras na 'yon, naisip kong isa siya sa makakatulong sa akin. Hindi ko na masyadong idenetalye sa kaniya at hindi na rin siya ganoong nagtanong. Sinubukan niya akong pigilan dahil delikado raw! Pero sa huli ay napagdesisyunan niya rin akong tulungan.

Sabi niya ay bumalik ako sa susunod na linggo. Ipapasok niya ako sa loob habang nagliligpit sila. Kailangan ko lang maging mabilis sa loob para walang magduda. Alam kong mas magiging delikado kung magtatagal din ako.

Hindi ko man maamin... Sana'y magpadala na siya ng mensahe, diary. Pakiramdam ko mas may lakas ako kung alam kong nandyaan lang siya. Ngayon kasi pakiramdam ko nag-iisa lang ako sa mga pinaggagawa ko.

Susulat kaya siyang muli? Sana... Sana ay oo.
Asya

VANGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon