V37

10 2 0
                                    

Sunday morning, and we attended the mass in the old village church earlier. I was with my sister and tatay. Habang nagmimisa, hindi ko maiwasang isipin ang nabasang sulat kaninang madaling araw. The message is telling me to go to the church's basement. But why? Anong konekto nito sa lahat ng nangyayari? Bakit dito pa sa simbahan kung saan pinupulong ang salita ng Diyos?

Halos lahat ng tao rito sa village ay dumalo kanina sa misa. Kahit ang head ng village at si Teresa ay andoon. Hinanap ko si Hulyo, pero wala ito. Hindi ko magawang makinig ng maayos kanina dahil sa mga naiisip. Kaya nang matapos ito, hinabol ko si Teresa! Hinawakan ko siya sa pulso niya para patigilin siya sa paglalakad, pero tinapik niya ang kamay ko at sinigawan ako! Hindi ko siya pinansin at tinanong ko siya tungkol sa simbahan, pero hindi niya ako sinagot!! She just looked at me from head to toe before she smirked. She left me without telling me anything.

Nang nilingon ko ang simbahan, nakita ko ang village head na tinatanaw ang lahat ng villagers na papalayo ng simbahan at handa na magsimula ng araw nila. When he saw me, he smiled. He left after that!

Bakit ang hilig hilig ng mga tao rito ang iwan ako basta basta ng hindi nasasagot ang mga nasa isip ko, diary? Ang hilig nilang mag walk out!

Nayayamot,
Asya

VANGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon