V40 (Narrated)

16 2 0
                                    

Linggo na. Hindi pa rin ako nakatatanggap ng kahit anong mensahe. Baka nga tuluyan niya na akong iniwan sa ere pagkatapos niyang guluhin ang tahimik kong buhay.

Gaya ng napag-usapan, nandito ako ngayon sa simbahan. Tapos na ang misa. Nanatili akong nakaupo at tanaw ko mula rito ang mga taong papalayo dahil tapos na ang misa na siyang ipinunta nila. Hinayaan ko silang maubos at tuluyang mawala sa paningin ko bago binalik ang paningin sa harap. Sandali ko pang pinikit ang mga mata at nag usal ng panalangin.

"Please guide me. I hope I'm taking the right path."

Nang unti-unti kong buksan ang nakapikit na mga mata ay siyang pagbitaw ko rin ng mabigat na hininga. May distansya ang lumang simbahan na ito mula sa mga kabahayan. Nag iisa ito rito sa kinatatayuan niya malayo sa ingay na nagagawa namin.

I pressed my lips together when I noticed Hulyo's presence. May kasama pa siyang lima na nagliligpit at naglilinis. Nang tapunan niya ng tingin ang direksyon ko ay bahagya siyang tumango sa akin.

Para ng tambol ang puso ko dahil sa ginawa niya! Simpleng pag tango lamang iyon pero kinabahan ako! I know he was just acknowledging my presence, pero alam ko ring hudyat iyon na tuloy ang gagawin namin-Na tuloy ang plano! Para bang mas sinampal ako ng reyalidad na hindi ako nananaginip. May gagawin na naman akong bagay na buong buhay ko, akala ko hindi ko magagawa.

Tama nga siguro ang tao sa likod ng mga mensahe. I was kept in the dark. Not because I was kept in there, but because I wanted to. I was content in the dark, even though it was blinding. Ngayon ay unti-unti na akong lumalabas sa dilim na iyon. Hindi ko alam kung tama bang lumabas pa ako, na ginagawa ko ang mga ito. Is this even worth it?

I am hesitating!

I bit my lower lip. I stood up. Buo na ang loob kong umatras. Pero sa pag tayo ko ay ang pag tunog rin ng kampana.

Lahat ay napatingala, gulat at nagtataka. Kahit ako ay nabigla! Maliban na lamang sa isang tao.

Tahimik ko siyang tiningnan. Patuloy siyang gumagalaw habang ang mga kasama niya ay natigilan na. Si Hulyo.

Paanong napatunog niya ito? Gayong nandito siya-

Natigil ako. May kasama pa siya. May nagpatunog ng kampana, at hindi si Hulyo iyon!

Sino...?

Talaga ngang handa siyang tulungan ako. Pursigido siyang ipasok ako sa loob ng simbahan gaya ng napag-usapan, habang ako ay iniisip na talikuran 'yon.

I sighed. Yes, this should be worth it. Tuloy ang plano. I can't just abandon Hulyo. He's helping me, and ako rin ang nagtulak sa kaniya na gawin namin ito. Hindi ako pwedeng umatras nalang.

Nakita ko ang dali daling pag alis ng dalawa para tingnan ang kampana, habang may isa namang lumabas din ng simbahan para tingnan ang kung sino mang nagpatunog nito. May naiwan pang dalawang kasama si Hulyo. Nakatalikod ang isa sa gawi ko, habang ang isa naman ay nakatalikod sa pintuan kung saan nila pinapasok ang mga gamit.

Hinanap ko si Hulyo at nagtama ang mga mata namin. Sumenyas itong sumunod. Dinikit niya rin ang isang daliri sa kaniyang labi. "Hush."

I nodded. Pigil ang hiningang sumunod ako sa kaniya ng dahan dahan sa loob. Nakasandal siya sa pintuan, hinihintay akong tuluyang makapasok.

"Sino naman kaya ang nagpatunog ng kampana?"

"Ang dami na talagang pasaway. Sunod sunod na ang pag lapag ng iba sa batas."

Napasinghap ako nang hindi pa man ako tuluyang nakapasok sa loob ay mabilis na akong hinila ni Hulyo para maitago sa loob, habang ang katawan niya naman ay itinakip niya sa akin.

VANGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon