V29

11 2 0
                                    

Fine! I'll admit! Kahit anong gawin kong pagmamatigas, alam kong nakukuha niya ang interest ko! Alam kong nahihila niya ako sa kung anong gusto niya! Alam kong kahit ang sarili ko ay nagmamatigas na rin sa sarili kong desisyon!

I'm curious. Kuryuso ako sa kung anong makikita ko sa restricted section ng library. Walang sino man ang nakakapasok doon dahil matinding pinagbabawal. Gaya ng paglabas ng village, hindi ka rin dapat na mahuli kung papasok ka sa lugar na 'yon na siyang imposible. It's heavily guarded!

Fuck. Why do I even want to follow the message? Is my curiosity enough to break the rule?

Bigla kong naalala si Hulyo. Noon pa man ayaw niyang nakukulong sa loob ng village, kuryuso siya sa mundo hindi gaya ko na kontento na sa buhay ko rito kaya niya nagagawang tumakas. To be free, and to learn what's out there...

Should I enter the forbidden place, my diary?
Asya

VANGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon