I woke up, and a piece of paper welcomed me. A letter. Akala ko ay hindi na ako makatatanggap ng mensahe, pero hanggang dito ay sinusundan nito ako.
Hinanap ng mga mata ko si Teresa at Hulyo, pero wala ang mga ito, kaya binigay ko ang atensyon sa papel at binasa ang nakapaloob no'n.
But as I read the content, the paper fell from my grasp. It slowly flew down.
My name... My name is written on the paper. Hasiala Duvall...
I struggled to process the information. Future me had survived a disaster that was yet to happen, and now she was reaching back to me through an artifact to prevent it. My hands trembled as I read the letter again, trying to understand the weight of this revelation.
Her words flashed back in my mind. I'm slowing everything down because of me, because everything's haunting me, and because I don't know where to start.
I couldn't imagine how hard it was for her. I couldn't imagine the pain she experienced after the disaster. Was she the only one who survived? It must have haunted her until she went to sleep, like a damn nightmare that can't be stopped. I couldn't imagine how much she endured it alone while finding a way to fix everything. Finding out about the truth alone, with no one, and—
I gasped. I-I found the artifacts. My future self found the artifacts and learned how to use them...A tear fell down my cheeks, and I let out a chuckle like a crazy woman, crying and laughing at the same time.
So this is really my fate.
And the guardian heard her—me. They once heard my whispers. Now it's my turn here in the past. I will not let Elara's sacrifice and my future self's sacrifice go to waste.
Muli akong napaiyak nang maisip na posibleng nararamdaman ko na ang kapalit ng pagsabi ko sa mga mangyayari sa nakaraan. Dahil sa ginawa ko sa hinaharap, madaming magbabago. Ang mga namatay ay mabubuhay, at siya sa hinaharap naman ang mawawala dahil ako...“Asya... Asya...”
Ako ang magpapatuloy.
“Hasiala!”
Napaigtad ako at may luhang lumingon sa direksyon ni Hulyo. Sa likod niya ay si Teresa na nakamasid lang sa akin.
“Anong nangyari?!” Nag aalalang tanong ni Hulyo. Nakalapit na sa akin.
Suminghot ako at pinunasan ang basang basa kong magkabilang pisnge saka ako umiling. “W-Wala. U-Uh, saan kayo galing?” Nanginginig ang boses ko.
Si Teresa ang sumagot. “Tiningnan namin kung ligtas na ba para sa‘yo ang umalis. Tiningnan din namin ang pamilya mo.”
Nagawang makawala ng isang luha sa mata ko kaya agad ko iyong pinunasan gamit ang palad.
Ang daming nag sakripisyo. Ako mula sa hinaharap, si Elara at Lucan mula sa nakaraan, at ngayon ay si Hulyo at Teresa na tinutulungan akong magawa ang responsibilidad na ipinatong sa mga balikat ko. Ngayon ay mas lalong nagbukas ang isipan ko. Nagbalik ang lahat. At ang pagpapaalis sa akin noon ni Teresa ay hindi lang dahil ayaw niya sa akin, kundi dahil ibinigay sa kaniya ang responsibilidad na makaalis ako rito ng ligtas.
Sunod sunod na luha ang kumawala. Hindi ko na magawang pigilan pa ‘yon kahit anong punas ng mga palad ko rito kaya tumalikod ako, ang mga balikat ay patuloy na yumugyog.
“Asya... Ano bang nangyayari sa‘yo? Bakit? May dinaramdam ka ba?” I heard Hulyo behind me. Si Teresa ay nanatiling tahimik sa gilid.
Umiling ako nang umiling, hindi pa rin lumilingon. “Masamang panaginip, Hulyo. Isang masamang panaginip.”
Hindi na nila ako kinulit. Lumabas ulit si Hulyo kaya naiwan kami ni Teresa sa loob. Nanaig ang katahimikan. Nakita kong bumaba ang tingin niya sa lupa kaya sinundan ko ‘yon. Ang papel ang tinitingnan niya. Agad ko iyon kinuha at inilagay sa maliit kong bag kung nasaan ko nilagay ang mga mensahe, ang diary, at ang mapa.

BINABASA MO ANG
VANGUARD
Fantasyan epistolary novel. - In a serene village with a close-knit community, a woman who loves writing a diary, discovers a series of mysterious handwritten letters. As midnight strikes, these letters begin to appear, each containing messages that hint a...