I broke the forbidden rule for the first time.
Nakapasok ako! Nakapasok ako, diary!
The place was heavily guarded, like I thought. I was about to back out because there's no way I could enter the place without getting notice! That was a crazy act!
But... Teresa came, running toward the guards and shouting desperately.
I could still remember what she was shouting, getting the attention of everyone. "Si Hulyo! Nakatakas si Hulyo! Tumakas si Hulyo! Hulihin niyo! Wala na ang mga nagbabantay roon, lumabas na naman siya ng village!"
Nang marinig ang sunod sunod na sinabi niya, dali daling nilisan ng mga nagbabantay ang lugar. Nakalimutan nilang may isa pa silang binabantayang lugar na wala dapat na makapasok.
Ngunit nakapasok ako. Sa tulong ni Teresa.
Nang makaalis ang mga nagbabantay, nakita ko kung paano siya kumalma na para bang hindi siya nagsisigaw kanina at pinapahuli si Hulyo! Nakatago ako sa likod ng malaking puno pero nagtama ang mga mata namin bago siya tumalikod at umalis, sumunod sa mga tagabantay. That's when I entered the place.
She helped me. Why? Talaga bang tumakas si Hulyo? Bakit niya ginawa 'yon? Paano kung... tama ako? Siya nga ang nagbibigay ng mga sulat sa akin?
Sobrang dilim ng lugar na 'yon, diary. Nakakatakot, dagdag sa kaba ko na baka mahuli. Puno ang lugar ng alikabok na para bang ilang dekada ng kinalimutan. Hindi ganoon kalaki ang library pero ang hirap ikutin dahil hindi ko alam kung saan dapat magsimula. Hindi ko alam kung anong hinahanap ko! Basta nalang akong pumasok ng walang plano! Pero sa paglilibot ko, may nakita akong kumuha ng pansin ko. A thin book with ancient markings in the cover. When I blew my breath into the dust of the book, it flew away, making the cover more visible. Pero hindi ko na nagawang tingnan pa 'yon dahil nakarinig ako ng sunod sunod na yapak. Dali dali na akong tumakas doon dala dala ang nahanap kong libro.
Maraming mga tanong sa isip,
Asya
BINABASA MO ANG
VANGUARD
Fantasyan epistolary novel. - In a serene village with a close-knit community, a woman who loves writing a diary, discovers a series of mysterious handwritten letters. As midnight strikes, these letters begin to appear, each containing messages that hint a...