Umulan ng malakas kanina. 6 PM palang ay nasa loob na kami ng bahay dahil kumukulog na rin. Near 12 AM nang tumila ang ulan kaya imbes na matutulog na sana, napagdesisyunan kong tingnan ang loob at labas ng bahay kung wala bang naging pinsala ang malakas na ulan sa bahay. Dahil tulog na halos lahat, ako lang mag isa ang tumingin.
And guess what!!! May nakita akong puting papel sa labas ng bahay! Hindi ito nabasa galing sa ulan na para bang kalalapag lang doon!! Siniguro kong tingnan ang buong labas, pero sobrang tahimik na. Tulog na ang lahat, at tanging simoy nalang ng hangin ang nagpaparamdam!
Nagtayuan ang balahibo ko kaya dali dali ko na ring sinara ang pinto habang hawak hawak ang papel!
Ano ba 'to? Kanino 'to galing? Sino ang nagbibigay nito?
Nahihiwagaan,
Asya
BINABASA MO ANG
VANGUARD
Fantasyan epistolary novel. - In a serene village with a close-knit community, a woman who loves writing a diary, discovers a series of mysterious handwritten letters. As midnight strikes, these letters begin to appear, each containing messages that hint a...