CHAPTER 21

2.9K 32 4
                                    

NAGISING AKO DAHIL NATATAMAAN NG SINAG NG ARAW ANG AKING MUKHA.

Bumangon ako at kinusot ang aking mata bago tuluyang buksan ang bintana sa aking kwarto. Humikab muma ako bago pumunta sa banyo at naghilamos.

Pagbaba ko ay naabutan kong nag-aayos na ng lamesa si Papa. Dumeretso na ako para umupo doon.

"Nak, pupunta raw dito ang kuya mo kasama ang mag-ina niya." sabi sa akin ni Papa kaya kumunot ang aking noo.

Siguro ay buwan na noong huli kong nakita si Kuya. Hindi ito madalas tumawag sa akin, kay papa lang ito kumakausap minsan. Hindi ko alam kung ito ba ay galit sa akin o ano. Nagpapadala naman ito ng pera, kaso lang ay talagang hindi ko na narinig ang boses o nakita ang kanyang pagmumukha.

Ewan ko sa kanya.

Tumango na lang ako at kumain na.

Ito pa ang aking ipinagtataka. Mabait ang papa ko at ober protective ito sa akin. Ngunit nakakapagtaka dahil hindi niya hinanap ang dumakip sa akin para man lang ito ay ipakulong. Hindi ko na iyon itinanong dahil maayos na naman ang kalagayan ko. Nagtaka lang ako.

PAGKATAPOS NAMING MAGLINIS AY NARITO NA SILA.

Ang batang babae na may katangkaran na ay naglilibot ng tingin sa aming bahay. Niyaya ko sila upang pumasok.

"Magandang araw po." bati ni Carleighn kay papa. Tumango ang tatay ko at niyaya sila sa hapagkainan.

"Kayo ba ay kumain na? Halikayo at kumain muna kayo. Malayo ang byahe ninyo " sabi ni Papa. Ako naman ay hindi nagsasalita tutal tapos na akong kumain. Napairap ako sa isip ko. Talagang attitude ang kapatid ko, sige.

"Papa, doon muna ako sa likod. Magdidilig lang ako ng halaman. " pagpapaalam ko. Napatigil lang ng bahagya dahil wala pala kaming halaman doon. Tumango lang si Papa.

Nakakainis siya dahil hindi niya ako kinakausap. Bahala siya sa buhay niya.

" Ay! " tili ko nang may makakitang nakasilip sa bakod." Aling Tessa! Nakakagulat kayo!" napahawak ako sa aking dibdib. Ito ay napangiti at lumabas sa bakod.

" Nasaan ang tatay mo? " tanong niya sa akin. Napangiti ako ng nakaloloko. Sinundot ko ang kanyang tagiliran habang nakangiti.

" Crush niyo ang tatay ko ano? " panloloko ko. Namula ito pero kumunot ang noo.

" Hinde! Ang utang niyo kasi ay inaamag na! " napalis ang ngiti ko at napangiwi ako. Kumamot ako sa ulo at naupo sa upuan dito sa likod.

" Grabe naman kayo Aling Tessa! 200 lang yun eh. " sabi ko. Binatukan ako ng ale.

" Hoy! Ang pera ay pera. " ito ay naupo rin sa aking tabi.

" Kamusta na po si Kuyaa Bert? "tanong ko. Ito kasi ay kapatid niya na may sakit. Hirap sila ngayon ngunit kapag mayroon naman kami ay nag-aabot si papa. Naglolokohan lang kami sautang na pinaguusapan namin, ang totoo niyan ay bayad na iyon.

Si Kuya Bert ay tatay ni Kena, ngunit hindi dito umuuwi iyong babaeng iyon dahil nasa tiyahin niya ito upang magtrabaho sa isang karinderya.

Kaya naging malapit sa akin si Kena, dati kasi ay lagi kaming sabay umuwi at pumasok.

"Nakakaraos naman sa mga pang gamot. Kaso ay lumalala, lalo na at hindi namin mailagay sa ospital." ngumiti siya ng mapait.

Naisip ko si Kena. Kahit naman may nawawalang turnilyo sa kanyang utak ay mabait iyon at maaalalahanin. Nagpapart time job siya, pagkauwi noon ay siguradong dederetso iyon sa trabaho at tuloy tuloy na iyon hanggang gabi.

"Dalangin ko po ang kalusugan niya." saad ko. Nagpasalamat ito pagkatapos.

HINDI AKO KUMAIN PERO AKO PA ANG NAGLIGPIT!

The Mafia Boss' Sweet Obsession |✓Where stories live. Discover now