LUMAPIT AKO SA MGA MAIDS.
Nahihiya man ako sa kanila ay gusto ko naman ng kaibigan.
Si Aling Soli ay nasa kusina,nawala lang at hindi ko alam kung saan nagpunta.
"H-Hello." nakangiti kong sabi.Ngumiti naman silang lahat sa akin. Hindi ko na pinansin ang maliit na tattoo sa kanilang pupulsuhan.Hindi na ako nagpahalata.
Sabi ni Aling Soli ay si Yveruss lang ang nag-hire. Nagtataka ako kung bakit ,hindi ba alam ni Xavius?
"Ako pala si Savannah." yumuko pa ako para magpakilala. Lumapit siya sa akin at nakipagkamay.
"Ako si Kierra." pagpapakilala ng babaeng maikli ang buhok."Ito si Gabby,ang kulot ang buhok,tapos ito naman si Herra,mahaba ang buhok,ito si Jamilla,may bangs yan tapos itong si Karrah na pula ang hair."pagpapakilala niya sa lahat.
" Ah,nice to meet you."hindi ako nagpahalata na nakita kung paano nila takpan ng band ag kanilang pupulsuhan nang sila ay makipagkamay.
" Tataas muna ako,ha?"pagpapaalam ko sa kanila.
NAKARINIG AKO NG UMIIYAK SA HALLWAY KUNG NASAAN ANG KWARTO NI XAVIUS.
Babae ang umiiyak. May multo ba?!
Natatakot man ay sumilip ako sa hallway,nagulat ako ng makita si Cristine na magulo ang itsura.Umiiyak ito na nakalupagi sa sahig.
" C-Cristine?"saad ko kaya napatingin siya sa akin. Madilim ang kanyang mga mata at nananaliksik na tumingin sa akin.
Tumayo siya para lang sabunutan ako.
" You! You stole him from me!" sumakit ang anit ko dagdag pa na itinulak ako nito sa pader.
Susugudin sana ako nito pero umilag na ako sa kanya. "Teka anong ginawa ko sayo?!" inis na sabi ko. Umiyak lang ulit siya pagkatapos ay umalis sa aking harapan. Nakita ko na nakasandal sa pintuan si Xavius kaya naalala ko yung nakaraan.
Naiilang ako. Baka sakalin niya ulit ako kaya umalis na lang ako doon sa pwesto ko nang tawagin niya ako.
"Savannah." napalingon ako sa kanya.
Nag-panic ako ng lumapit siya sa akin. Teka baka sakalin niya ako!
"A-Ano—"
"I'm sorry about last time. I didn't mean it." he said seriously. Napangiwi lang ako dahil parang hindi naman siya sincere.
"Okay lang." ngumiti ako at nakaisip ng kabayaran.
"Pwedeng gumanti?" nakangiti kong sabi.Tutal hindi ako nakahinga noon at pinaiyak pa niya ako,pwes ito.
"Okay. I'll bear you because —Ah,f*ck!" nanakbo ako pagkatapos kong tuhudin ang kanyang ano.
Nakita kong nakatingin sa akin si Gabby. Tela,bakit siya nandoon? Umalis rin ito at kunwari pa nga'y nagwawalis.
MALALIM ANG INIISIP KO KUNG BAKIT SILA NANDITO. Bakit kaya ngayon lang sila kinuha para maging maid?
Kahapon ko pa gustong magsimula sa gagawin ko na paghahanap ng informations kaya nandito ako sa harap ng storage Iroom.Puro kahon kais dito na puno ng papeles .Baka may makita ako.
Sa paghahanap ng pwede kong magamit sa pabor sa akin ni Carleighn ay may nakita akong folder sa loob ng isang kahon. Sa pinakailalim ko pa ito nakita.
'MARRIAGE PROPOSAL'
Sa pagtataka ay kinuha ko iyom at binuklat.Naubo pa ako dahil sa mga alikabok.
Binasa ko ang laman para lang matulala.
YOU ARE READING
The Mafia Boss' Sweet Obsession |✓
RomanceSavannah is a girl who was living peacefully and simple. But one day, Savannah's life went wrong! Habang naglalakad ang dalaga dahil nakatulog sa loob ng library sa kanyang paaralan, naramdaman niyang may sumusunod sa kanya. At sa pagkagulat ay dina...