CHAPTER 40

1.9K 37 1
                                    

ASUL NA MATA.

Nang magawi ang mata ko sa bandang leeg niya ay pumait ang panlasa ko. Hindi na niya suot ang kwintas.

Pero anong pakialam ko? Wala naman.

Ang mabilis na pagtibok ng puso ko at pangangatog ng magkabila kong tuhod ay taliwas sa makikita sa mukha ko. Kusang lumamig ang aking ekspresyon at blangkong tumingin kay Victoria na nakabawi na rin.

Habang kausap pa ng lalaki ang manager ay lumapit ako ng hindi mahahalata kay Victoria. Bumulong ako rito.

"Dito ka muna. Pupuntahan ko ang mga bata sa head quarters. " tumingin sa akin si Victoria, sa kabila ng kanyang seryosong mukha ay pinagpapawisan siya. Pasimple siyang tumango bago ako pagmadaliin.

Hindi na ako lumingon sa lalaking iyon at naglakad paalis. Hindi ako nagmamadali sa paglalakad dahil baka may makahalata ng pagiging balisa ko

Shit naman! Anong ginagawa niya dito?! Kung kailan maayos na kami!

Shit talaga. Kinakabahan na ako. Kailangan ko na agad iuwi ang mga anak ko. Namalayan ko na lang na tumatakbo na ako papuntang head quarters. Nang makarating ay agad ko silang pinasok. Ang nakangiting Henry at tumngin sa akin. Ang kambal din na tila nagulat.

"Henry, iuwi mo muna ang mga anak ko. Huwag ka nang magtanong, bilisan mo." seryoso kong untag. Kumunot ang noo ng lalaki, nagmadali na ako sa pagkuha ng mga gamit ng bata. Nanginginig ang kamay ko.

"Is there a problem---"

"Huwag ka nang magsalita, bilisan mo na!" napasigaw na ako sa frustration. Paniguradong mababalutan ng mga tauhan niya ang hotel na ito.

Dumaan kami sa exit at pinauna ko na sila palabas.

"Ingatan mo sila. Please, iuwi mo na agad, tawagan mo ako kapag ayos na. Ibigay mo kay Mama. Bilisan mo." nanginginig ang boses na paalala ko. Halatang naguguluhan siya pero tumango pa rin. Nang tanawin ko sila sa malayo at palabas na sila ay nakita kong yumuko pa si Yna. Parang may pinulot. Nang makaliko na sila ay nakahinga ako ng maluwag. Nag ring ng cellphone ko.

Nasa paradahan na sila ng kotse.

"Honey, nasa sasakyan na kami. Ingat ka riyan." nagpasalamat ako bago tumalikod. Nang makabalik sa pwesto ko ay tinawag ako ni Boss.

"Cancelled ang mga magche-check in ngayon. The whole place was already payed. Si Jasmine at Victoria ang kasama mo sa pag-staff sa kanila. Ayusin niyo, okay?" paalala nito. Simple akong tumango para ipakita na wala akong pinoproblema.

Tang*na, mag-ga-guide ako? Anong problema ng deputang tadhana na ito? Bakit ngayon pa na maayos na kaming mga anak ko?!

Kahit hindi ko magawang ngumiti ay pinilit ko pa rin. Guess pa rin sila at kailangan kong magpakarangal sa trabaho ko.

"Goodmorning, sir. We are here to guide you on your room number. You can call us through the phone when you neeed something, and we will help you immediately. For emergency tendencies, call the number beside the hotel phone." Nang lingunin ko si Victoria habang nagsasalita siya ay medyo madiin ang kanyahg mga salita. Ngumiti pa rin ako,si Jasmine naman ay nanguna na.

Naglakad na kami habang nakasunod sila sa aming likod. Si Jasmine ang nasa harap habang nasa kanan ako ng deputang lalaki,si Victoria ay nasa kaliwa. Hindi na ako nakangiti. Totoo na hindi ako mapakali sa kanyang tabi,paminsan minsan pa ay nagtatama ang aming braso.

Tumangkad siya lalo. His shoulders and back was broader now. His face are always serious and blank now. I can feel the ice he is.

Well,I don't care.

The Mafia Boss' Sweet Obsession |✓Where stories live. Discover now