YVERUSS PHOENIX VORTAVIZZ'S POV
"ANG GUWAPO TALAGA NG APO KONG ITO! Ang talino na, aba't magalang pa." tuwang tuwa na sabi ni Lola Patricia. Nilingon ko si Xavius na mag-isang naglalaro sa gilid. Napatingin siya sa akin pero umiwas rin. Naglakad ito palayo.
Wala akong nagawa kung hindi ang pagmasdan siya na malungkot na naglalakad. Bakit kasi kailangang ako lang ang napapansin? Hindi ba't dalawa kami?
"Oh siya, maglaro ka muna riyan. Pupuntahan ko ang aking mga amiga. Yaya Soli, bantayan mo sila, maari ba iyon? " tumango si Yaya Soli at nakangiting nagpaalam. Si Cristine naman ay lumapit sa kakambal ko. Nagtataka ako dahil may isa pang bata. Lumapit rin ako sa kanila.
"Sino ka?" tanong ni Cristine sa batang babae. May hawak itong... what? Bakit may hawak siya ng dumi ng aso?!
"Hey little girl, it's dirty." suway ko dito.
"Aku pala si Kena. Bakit dalawa mukha nyu magkamukha? Sinu ang tikbalang at totoung tau?" hinulma niya ang hawak niya. Ginawa niyang puso iyon. Nagpigil ako ng tawa ng gusto niyang ibigay iyon kay Cristine.
Si Cristine pala ay ang anak ni Aling Soli. Nang ipinagbubuntis ito ay pamilya namin ang nakaalalay sa kanila.
"Naku babay na! Nandito na Mama ku. Tapos na siya magtinda ng mga laruan!" nagtatakbo ito palayo. Kitang kita ko naman ang pagsunod ng mata ni Xavius sa babae.
Iniwan ko muna si Cristine at Xavius sa park. Naglibot libot pa ako. Gusto kasi ng mga magulang namin na dito kami magcelebrate ng birthday namin ng kakambal ko.
May nakita akong bata na para bang naglulutulutuan ng mga dahon sa isang lata.
Nasaan nga ba ang mga magulang ng batang makukulit na ito?
Sumulpot naman ang bata kanina na kasama nila Xavius. Kung hindi ako nagkakamali ay Kena ang pangalan nito.
"Itu oh! Sangkap natin tapus ipapakain natin kila Mama!" napataas ang kilay ko. Magkaibigan sila?
"Ayaw ko nga nyan! Tae yan e!" umiling ang isang bata. Napatitig ako sa kanya. Ang bata pa lang ay natatangi na ang ganda niya.
Namula ako ng mapatingin ito sa akin.
"Ayun nalang!" itinuro ang ng batang maganda. Actually, parehas silang maganda. Dugyot lamang ang isa.
"Iyon nalang isangkap naten! Mukhang masarap, kakainen yan ni Mama mu! " sumimangot si Kena. Akma akong aalis nang habulin nila ako.
" Kakatayen ka namen! " napanganga ako ng may hawak silang maliliit na kahoy. Nakatutok ito sa akin!
" Eh matangkad siya! Baka ihages nya tayu! " napatigil si Kena kaya tumigil din ako.
"Hey kids. Bad ang ginagawa ninyo. " saway ko sa kanila.
" Sino ka! Sumbong kita sa papa ko e. Supot ka nu! Supot! " nagtatakbo ulit ito palapit sa akin. Agad akong lumayo at nagbalak na pumunta kay Aling Soli. Baka mapagalitan ito kapag dumating si Lola na wala ako-
" Mama kuuuuuu! Mamaaaa huhuhuuu! " napalingon ako sa bata na nakasubsob sa lupa. Napaawang ang labi ko, nadapa ito!
" Ahahahaha! May lipstek ang bibeg mo ,Bana! " hindi ako makapaniwala na tinatawanan lang siya ng kabigan niya. Iyak ng iyak ang bata, may gasgas ang bandang bibig nito. Pati ang tuhod. Medyo maliit lang naman.
"Takbo ka kasi ng takbo! "lumapit ako dito at tinulungan siyang tumayo. Pero nang hahawakan ko na ito ay sinabunutan niya ako. Ang kasama naman niya na tumatawa ay dumagan din sa akin! Hinawakan ng batang si Kena ang bibig ko.
YOU ARE READING
The Mafia Boss' Sweet Obsession |✓
Roman d'amourSavannah is a girl who was living peacefully and simple. But one day, Savannah's life went wrong! Habang naglalakad ang dalaga dahil nakatulog sa loob ng library sa kanyang paaralan, naramdaman niyang may sumusunod sa kanya. At sa pagkagulat ay dina...