CHAPTER 5

11K 153 0
                                    

"SAAN MO AKO DINALA?!" asik ko sa lalaking isinama ako sa isang madilim na kwarto. Amoy galbok, at naubo rin ako.

Lumapit ito kaya lumayo ako, may nahawakan akong kung ano. Dust pan iyon. Kaya kinuha ko at iniamba sa kanya.

"Wag kang lalapit, hahampasin kita. May gagawin kang masama sa akin, ano?!" pananakot ko. Kinuha niya lang iyon at binali ng walang kahirap hirap.

"Tsk. You're not my type. You're too cheap." seryoso naa sabi nito pero alam kong napakayabang niya. Bumaha ang liwanag sa kwarto ng magbukas siya ng ilaw. Puro mga nakataklob sa puting tela ang mga gamit. Sa harap namin ay isang malaking parisukat na nakataklob sa puting tela.

"Bakit ba kasi ako nandito—?!"

"Shut your mouth or I will—"

"Kiss me?" tuloy ko sa sasabihin niya. "Alam ko na yan, bulok na yan!" tumawa pa ako ng sarkastiko .

"In your dream. Do toothbrush first." kaunti na lang, masasapak ko na ito sa panga. Kung matangkad lang rin ako, bugbug na siya sa akin ngayon.

Hinila niya ang puting tela at napanganga ako sa aking nakita.

Lumingon ako sa lalaki na malungkot ang mata na nakatingin roon. Pero seryoso pa rin ang mukha niya.

"Carleighn..." bulong niya .

Isang babae na nakangiti ang naroon. Her hair was wavy, it's curly a bit, her eyes was brown, and her skin is pure white. She's wearing a wedding gown, and she's holding a flower. Beside her is a guy. It's Xavius...

"I love her so much," nakapamulsa siya habang nakatingin roon. Kumurap ako at tumingin na lang ulit sa babae. Parehas silang nakangiti roon. Nakahawak sila sa batang nasa gitna. Babae ito. Pero ibang mukha ang namumukhaan ko sa bata. Ang mata ng bata ay kagaya nung sa nanay ata nito.

"But she left me..." nang lumingon ako ay sobrang dilim ng kanyang mukha. Namumula ang mukha niya pero walang luha, nagbabadya pa lang, pero pinipigilan.

"And went on your fucking brother..." lumingon siya sa akin , ang kamay niya ay nakakuyom.

Nakakatakot ang tingin niya sa akin. Para bang napakalaki ng kasalanan ko sa kanya." .  .  . just to die." napasinghap ako sa sinabi niya.

"A-Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong rito. "W-Walang kasalanan—!"

"Leave. " tumalikod na siya sa akin. Lumapit ako sa kanya para alamin ang nangyari pero lalo siyang nagsalita ng madiin." Leave! " masama ang loob na umalis ako doon.

Sa paglalakad ay napaisip ako. Pamilyar yung bata.

Baliw na ba si Xavius? Hinila ako dito tapos papaalisin ako?

"ALING SOLI, ANO PO IYAN? "tanong ko sa matandang nagluluto. Tiningnan niya ako at ngumiti.

" Sinigang, paburito ng kambal. " sagot niya. Napataas ang kilay ko dahil roon. Kagaya nila ang paburito nilang ulam, maasim.

"Akalain mo nga naman... "naimutawi ko.

" Ineng, dalhin mo ito kay Y, sinabi niyang sa iyo ko ipadala. " iirap sana ako dahil sa kaartehan ng lalaking iyon pero nasa harap ko ang matanda. Baka isipin niyang siya ang inirapan ko.

" Wala ba siyang paa? " tanong ko sa sarili habang nasa hagdan para tumaas. Nadaanan ko ang hallway kung nasaan ang kwarto ni Xavius, kakapasok lang ng babaeng hitad roon.

Kung mahal pa ni Vius ang babaeng nasa malaking portrait kagabi, bakit may babae na siya?

Napailing na lang ako sa iniisip.

"AY TINOLA!" sigaw ko ng makita sa bungad ng pintuan ang lalaki. Si Y pala, at seryosong seryoso siya sa pagtingin. Naroon siya na parang kanina pa ito doon.

"Ito na ang pagkain mo, ngayon, pwede na ba akong umalis?" tanong ko. Hindi ito nagsasalita kaya inilapag ko sa lamesa ang pagkain.

"Alam mo bang educ ang gusto kong course sa college? Mag-te-teacher kasi ako. Pwede ko kayong turuan ng mga emotion at reaction. O kaya kung paano ngumiti, abunjingjing... "sabi ko. Syempre eme lang ang course na iyon,hindi naman ako educ. Hindi pa rin ito nagsasalita. Napahawak ako sa baba ko na parang nag-iisip ako. AHA!

Kinuha ko ang lampshade sa lamesa at isinabit sa balikat niya.

"Ayan, may ilaw na ang poste."

Maya maya ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakasubsob sa sahig,dito sa labas ng kwarto niya.

Napahawak ako sa pisngi ko. Actually,hindi naman niya ako itinulak talaga,natisod kasi ako pagtulak nito paglabas sa akin. Ni hindi na ako tinulungan!

Kinalabog ko ang kanyang pintuan.

"Depungas ka! May araw rin kayo sa akin!" tinadyakan ko ang pinto—"Aray!" napahawak ako sa aking paa. Ang tigas naman ng pintuang iyan!

Naiiyak ako na bumaba ulit kay Aling Soli.

Ipapatibag ko ang posteng iyon!



The Mafia Boss' Sweet Obsession |✓Where stories live. Discover now