ANG GANDA PALA DITO.
Para akong nasa magical world ngayon. May mga paru paro kasing nagliliparan sa paligid at maraming iba't ibang bulaklak na nakapalibot sa akin. May mga maliliit na puno na hugis puso, bilog, parisukat at iba pa. Mayroon pa ngang hugis gansa, eh.
Hindi mainit dito kahit mataas ang sinag ng araw. May fountain sa pinakagitna. Lumapit kaagad ako roon. Napakalinaw ng tubig at kitang kita ko ang repleksyon ko roon.
Dinutdot ko sa tubig ang kamay ko. Maligamgam ang tubig. Umupo ako sa bato na nakapalibot doon. Tumitig ako sa repleksyon ko, maya maya ay may nakita akong isa pang anino kaya tiningnan ko iyon.
Sumimangot ako ng makita si Y.
"Umalis ka dito. Pag ako nakita na naman ng kakambal mo, sasakmalin na naman ako noon." pagtataboy ko rito. Ngumisi na naman siya. Hindi naman na nakakatakot kagaya nung nakaraan, para naman siyang natutuwa sa akin ngayon.
"Don't forget that all the things you see on this place ay amin." umirap na lang ako sa kanya. Sobrang tahimik pala dito. Kaya lang ay matataas na pader ang nakapalibot rito.
"So what's your plan? Why you're not escaping anymore?" ayoko nang tumingin sa kanya, besides ay hindi ko nagugustuhan ang pagtatama ng aming mga mata.
"Wala. Mamamatay na lang ako dito." deretso kong sagot. Hindi naman ako tanga para sabihin sa kanya ang plano ko, ah.
"Good to know. But who knows? We don't even know if you will kill us while we're sleeping." he chuckled. Nakapamulsa ang talipandas. Tumayo na ako at tiningala siya.
"Baka." nginisihan ko siya at nilagpasan. Bago pa nga lang tuluyang umalis ay nahablot niya ang damit ko. Anong akala niyo, pupulsuhan ko? Well, hindi wattpad life ang buhay ko.
"Bitaw! Kung makahila to, ibig nang masira ng damit ko!" ito palang damit ay nakita ko na lang na nasa cabinet roon.
"Who cares. We bought it using our money." binitawan niya ako saka pinagpag ang kamay. I made a weird face in front of him.
"Bakit? Sinabi ko bang ibili niyo ko?" taas kilay kong sabi. Tumawa na naman ang depungas.
"Edi sana sinabi mo, gusto mo palang palakad lakad d'yan sa labas ng walang damit. Well, it's better than I thought." nilagay niya anv hintuturo niya sa ilalim ng kanyang baba. Tumingin siya sa itaas na parang may ini-imagine na kung ano.
"Bastos!" sinuntok ko siya sa tiyan pero natamaan ko lang ay ang abs niya...
"He-he-he." awkward akong tumawa at umayos ng tayo. Tumikhim muna ako at hinarap siya. I mean, tumingala ako.
"Bakit mo ako sinusundan? Papatayin mo ba ako dito?" nagdududa kong tanong. Kinakabahan din ng kaunti.
Itinaas naman niya ang kanyanh mga palad. Ipinapakita sa akin.
"I have nothing?" nagpamaywang ako sa harap niya.
"Bakit? Pwede mo naman akong sakalin." itinuro ko din ang mga bato sa gilid. "Eto, pwede mong ipukpok sa akin." lumayo ako ng kaunti dahil hindi siya nagsasalita. Nakatitig lang. Hindi na rin nakangiti.
Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Napa-atras tuloy ako. Sasakalin na niya ako?!
"A-Anong gagawin mo!" nagpa-panic kong tanong. Umatras pa ako ng ilalapit na niya ang mukha niya sa akin.
Hahalikan muna ako bago sakalin?!
"AH!" sa pag-atras ay dumanggi na ang binti ko sa bato ng fountain. Naramdaman ko ang tubig sa buhok ko. Nakapikit ako at hinihintay na malaglag ako sa fountain. Pero ano yon?!
BAKIT MAY NAKAHAWAK SA BEWANG KO?!
Nagmulat ako at napakurap ng 50 times ng makita ang mukha ng talipandas. Wala. Wala siyang reaksyon.
"B-Bitaw!" nagpupumiglas kong sabi. Nakikiliti rin ako!
"Ay pota!" ayun. Tuluyan na akong nalaglag sa tubig.
"ALING SOLI! NASAAN ANG HUSTISYA?! ASAAN!" gabi na at kanina pa ako nagrereklamo dahil sa ginawa sa akin ni Y. Sumakit tuloy ang baywang ko. Walang hiyang iyon. May araw rin siya sa akin.
"It's because of your stupidity." lumingon ako kay Xavius. Isa pa sa napapansin ko, magkaiba pala sila ng boses. Magaralgal at malalim ang kay Xavius. Ang kay Y naman ay buo at matigas. Pero parehas pogi ang kanilang... Whatever! Pangit ng boses nila. Period.
"May tanong po ako." sabi ko sa matanda. Tumango lang ito habang nakangiti ng maliit.
"Y po talaga ang pangalan nong lalaking yun? Ang pangit. Letter Y lang." sabi ko. Natawa ng kaunti ang matanda bago ako sagutin.
"Hindi. Palayaw lang niya iyon."
"Whoo. . ." napatango tango ako. Lumingon ulit ako dito.
"E ano pong pangalan niya?" tanong ko. Ewan ko pero parang na-e-excite ako. Tumingin tingin sa paligid ang matanda. Binulong niya sa akin ang pangalan.
"Huwag mong ipapaalam na sinabi ko sa'yo. Lagot ako don." ngumuso na lang ako. Ang angas ng pangalan, ha.
"Bakit po, bawal ba?" nagtataka kong tanong. Tumango ito. "Bakit po?" tanong ko ulit.
"Secret. Huwag mong ipaparinig, wag mo tatawagin sa pangalan." tumango lang ako dito.
"Baka mangisay iyon sa kilig kapag ikaw ang tumawag," napahagikgik kaming dalawa.
NAKAHIGA NA AKO SA KAMA.
Nakatingin lang ako sa kisame habang iniisip iyong pangalan ni Y. Ang unique at ang astig lang kasi pakinggan. Ano kayang secret yon? Anong gagawin niya kapag tinawag ko siya sa pangalan niya?
Ah by the way, ang name niya kasi ay...
YVERUSS PHOENIX VORTAVIZZ.
Ang gwapo, hindi ba?
A/N: - pronunciation of Yveruss' name [ IV-RUS FI-NIX VOR-TA-VIZ]
YOU ARE READING
The Mafia Boss' Sweet Obsession |✓
Roman d'amourSavannah is a girl who was living peacefully and simple. But one day, Savannah's life went wrong! Habang naglalakad ang dalaga dahil nakatulog sa loob ng library sa kanyang paaralan, naramdaman niyang may sumusunod sa kanya. At sa pagkagulat ay dina...