AS EXPECTED AY NAGISING AKO NG TANGHALI.
Nagkukusot pa ako ng mata ng malamang wala ako sa bahay kaya napabalikwas ako bigla. Hindi na rin ako nakahiga sa malamig na sahig.Pagtingin ko kung saan ako nakahiga ay nasa kama na ako,tapos ang kwarto ay hindi pamilyar sa akin.
Tumayo ako para ulit magwala nang mapansin na hindi na ako naka-uniform,kundi nakasuot na ako ng kulay puting t-shirt at pajama na baby blue. Nanlaki ang mata ko.
Isang malakas na sigaw ang pinakalwan ko sa buong kwarto. Kahit pa spundproof ito o hindi,sisiguraduhin kong maririnig nila ang sigaw ko!
"MGA WALANGHIYA! NASAAN ANG UNIFORM KO?! BILI PA IYON NI PAPA! IBALIK NINYO!" sigaw ko.Saan na naman nila dinala ang uniform ko?! Hindi na nga nila ibinallik ang gamit ko!
May pumasok na isang matanda na may dalang tray ng pagkain.
"Ineng,pasensya ka na. Ako ang nag palit ng damit mo,para komportable kang makatulog.Ang gamit mo pala ay nariyan sa kabinet. Halika't kumain ka muna."inilapag niya ang pagkain sa lamesa.
" S-Sino po kayo?"tanong ko. Ngumiti ito pagkatapos ay lumapit sa akin.
" Ako si Solidad. Tawagin mo na lang akong Aling Soli." kinuha nito ang braso ko para ilapit sa pagkain. Bakit sobrang saya ata nito at kumikinang ang mata?
Natakam ako sa masarap na pagkain na naamoy ko. "Akala ko ay sumigaw ka at akala mo'y si Vius ang nagbihis sa iyo." napatawa pa ito. Vius?
" Bakit ho pala ako dinala rito noong blue ang mata?" tanong ko habang kumakain.
"Hindi ko rin alam,ija. " malungkot ang tinig ng matanda kaya lumingon ako sa kanya.
"Mabait na bata iyang si Xavius,ngunit pagdating sa mga bagay na kanya,wala siyang sinasanto." iyon ang huling sinabi ng matanda bago ito magpaalam.
XAVIUS. Tengeneng pangalan iyan. Mas magada pa ang pangalan ko d'yan. Kasi, ang pangalan ko ay—
"Savannah Klein Contamina. Are you done thinking of shits?" lumingon ako sa nasa pinto.Nakasandal iyon roon. Agad akong tumayo para lumapit rito.Nang makalapit at dinuro ko ito .
"First of all,ang shit ay tae. Hindi mo alam?! At pangalawa,pauwiin mo na ako,paniguradong bubugbugin ka ni Papa! Pangatlo, bakit mo ako dinakip?!" sigaw ko rito. He's just staring at me like I'm a crazy woman who escaped a mental hospital.
"Huwag kang tumingin sa akin at baka dukutin ko ang mata mo." tumalikod nalang ako sa kanya,tutal hindi niya ako patatakasin.
"You don't know me to treat me like that." malamig na sambit nito sa likod ko. Umupo kasi ako sa kama at nakatalikod sa kanya. Ang totoo niyan ay naiiyak na ako.
"K-Kilala kita,ikaw s-si Xavius." hindi ko pinahalata na naiyak ako. Narinig ko ang pagtawa niya na may halong sarkastiko,pero saglit lang iyon.
"I'm not Xavius." muli siyang natawa."Who told you that?" pagtingin ko sa kanya ay ngayon ko lang ulit napasadahan ang mukha niya. Napatayo ako ng pakatitigan siya. Hindi ko na napansin ng kanyang itsura kanina sa inis.
Teka, may sira ba sa utak si Aling Soli? O baka multo ito?!
Asul rin ang kanyang mga mata,ngunit mas malakas ang dating nito. Agad nagrambulan ang internal organs ko ng makita ng ngisi niya. Iyong tibok ng puso ko ay hindi na rin normal. May taling ito sa ilalim ng kanang mata pero mas dumagdag lang iyon sa kanyang kagwapuhan. May tattoo rin siya sa kaliwang braso. Nandoon na ulit...
"A-Anong kasalanan ko sa inyong dalawa?" kinakabahan kong tanong.
K-Kambal sila...
"Secret." he smirked.
Umalis siya sa kwarto ko pero tulala pa rin ako . Siya yung nasa kotse?! Natatandaan kong may tattoo ang braso nung may hawak ng manibela.Magkaiba rin ang ugali nilang dalawa.
Pero sino siya? Tama,siya nga yung bumuhat sa akin na parang hindi ako mabigat.
Kaya pala ng may pumunta sa basement kung nasaan ako ay walang tattoo ang isa,si Xavius.
Pero bakit hindi man lang siya nagpakilala?
"Shit, I'm kidnapped by unknown."
Pero okay lang. Mga fafa naman e.
![](https://img.wattpad.com/cover/373832470-288-k80077.jpg)
YOU ARE READING
The Mafia Boss' Sweet Obsession |✓
RomansaSavannah Klein Contamina,a girl who were peacefully living with her father and with her studies,was walking beside the road while heading back to her home because she fell asleep in the library,her school bedroom as always. Unexpectedly,she felt lik...