CHAPTER 37

2K 29 0
                                    

MONTHS HAD PASSED UNTIL THE SCHOOL YEAR COMES AGAIN.

Nasabi ko na ito kay Yveruss at balak niyang sumunod na naman sa akin. Umalis na kaagad siya sa University kung nasaan ako dati. But I disagree. Hindi naman palaging kailangan ay kasama ko siya. Nag-away pa kami dahil lang doon pero siya pa rin ang sumuko. After 2 days, he sent me a huge bouquet of rose.

Second year na ako and I bet it's harder than first year. Masusuportahan ko naman ang sarili ko dahil sa mga kapatid ko.

Pero napaisip rin ako na magtrabaho dahil ayokong umasa lagi sa kanila.

First day ko ngayon at hinatid ako ni Kuya Santi. Seryoso ang mukha niya ngayon.

"Una na ako." pagpapaalam ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang lumipat. Ang alam ko dati ay dahil lang kila Yveruss at Xavius. Pero kami na ni Yveruss, ano pang mali?

Naninibago ako sa mga estudyante lalo na't private university na ito. Wala pa akong kaibigan dito at nahihiya ako. Iba rin ang uniform dito. Light blue ang skirt at lining ng sleeve uniform.

Pagkapasok sa room ay tahimik ang mga tao sa loob. May mga nag-uusap na at mayroon namang tahimik lang din. Doon ako pumwesto sa likod, kaso lang pagkaupo ko ay may tumabi sa akin pagkatapos ng ilang minuto.

"Hi." napalingon ako sa lalaking nagsalita. Nakasalamin ito ngunit matangkad at moreno. Guwapo siya, at ang mukha ay inosenteng inosente.

"Hi." pagkabati ko ay hindi ko na siya pinansin. Ang mga babae naman ay parang sinasaksak ako sa paningin nila.

"May I know your name?" nagsalita ulit ang lalaki.

"Uhm... Ako si Savannah. Ikaw?" tutal mukhang madaldal siya, patulan ko na lang.

"Ow! I'm Kobe. Nice to meet you. I heard that you're from LuNa University?"

Nag-usap lang kami hanggang sa magkaroon na ng professor para sa first subject.

First break ay lumabas ako upang magbanyo. Lalabas pa lang ako ay may humawak na sa braso ko.

"Are you heading the cafeteria? I can—"

"Hindi. Magbabanyo ako. Ah, saan pala iyon?" napapakamot sa batok na tanong ko. Sinamahan niya ako sa bungad ng banyo. Pagkatapos ko ay sinamahan rin niya ako sa cafeteria. Maghapon ay siya lang ang nakakausap ko.

Habang naghihintay ako ng sundo ay bigla kong naalala ang cellphone ko. Napalunok ako dahil kahit kasi first day ay busy agad ako. Hindi ko na natawagan o na-update si Yveruss. Pero pagbukas ko ng aking message box ay wala naman siyang kahit anong messages o tawag.

"Paano ba yan, mauuna na ako." Lumingon ako kay Kobe. Kumaway na siya sa akin nang may nag-message sa akin.

Kuya Santi: mag-commute ka muna. Maay emergency lang.

Napabuntong hininga ako bago naglakad palabas. Napakunot naman si Kobe ng makita akong palabas ng shed.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.

"Magko-commute. Hindi ako masusundo ng kuya ko dahil may emergency." sagot ko at nagpaalam na, ngunit pinigilan naman niya ako sa braso. Pasimple ko iyong tinanggal. Kanina pa kasi siyang humahawak.

"Sumabay ka na sa akin. Gagabi na, kaysa maiwan ka riyan." agad akong nag isip. Totoo namang baka may mangyaring masama sa akin dito. Kung sakali mang may gawin siya sa akin, kaya ko naman ang sarili ko.

Magaan talagang kasama si Kobe. Pero may kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Sa awa ng itaas ay nakauwi ako ng maayos. Walang tao sa mansyon namin ng makarating ako. Kinakabahan ako pero wala akong magagawa. Kailangan ay matapang ako.

The Mafia Boss' Sweet Obsession |✓Where stories live. Discover now