CHAPTER 28

2.3K 26 0
                                    

AGAD AKONG LUMAPIT KAY VICTORIA!

Tinakpan ko agad ang bunganga nito at kinakabahan na natatarantag tumingin sa paligid. Natampal ko ang pisngi niya.

"Aray ko! Kayo na nga ang nagmimilagro dito, ikaw pa ang mananampal—"

"Shh! Ano ka ba! Bakit ka sumigaw?" naiinis na sabi ko. Tumingin siya sa akin na hindi makapaniwala at tumingin din sa likod ko. Umismid ang babae pagkatapos.

"Inagawan mo na ako," pabiro itong umirap pero hinila ang braso ko saka bumulong.

"Anong lasa?" tanong niya kaya natampal ko ulit ito, kung kanina ay sa kanan, ngayon naman ay sa kaliwa.

"Grabe mag-asawang sampal talaga?! Halika na nga!" hinila ako nito pero pinigilan ko siya.

"Teka! Teka kasi ano..." lumingon ako sa lalaki na nakasimangot. Nakapamulsa itong lumapit sa amin.

"Let's go, the program were about to start." inagaw niya ako kay Victoria at siya ang humila sa akin. Kaso ayaw akong pakawalan ng babae, kaya ang ending, hila nila ako parehas at nasa gitna nila ako.

"Kain tayo beh," yaya ni Victoria sa akin.Nasa iisang table kami kasama si Yveruss. Siguro nagtataka ang iba kung kaninong escort ito.

"Sige," lumingon muna ako sa lalaki. Tumango ito sa akin.

Umalis na kami sa table para pumunta sa mga pagkain. Ang kinuha ko lang ay isang sandwich. Hindi naman kasi ako gutom.

"Diet yarn? Ang sexy mo na,ano panh ida-diet mo?" habang naglalakad kami pabalik ay nagsalita si Victoria. Agad akong napalingon sa kanyang pagkain. Halo halo ang ulam doon,at ang kanin ay medyo marami. Naglagay pa siya ng kung ano anong desserts kaya naghalo halo na ang laman ng plato niya.

"Bakit hindi mo hiniwalay ang desserts sa kanin?" nagtataka kong tanong.

"Wag na. Para isahang kain na lang." medyo nahihiya ako sa rami ng pagkain niya. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante.

Napakurap ako dahil wala na si Yveruss sa table namin. Nakakunot noo ko itong hinanap sa paligid. Umupo muna kami sa table , si Victoria ay nagsimula nang habang ako ay kumakagat lang ng kaunti dahil hinahanap ko si Yveruss. Maya maya ay kinulbit ako ni Victoria.

"Ayun oh." inginuso niya ang lalaki. Napatitig ako dito—mali,sa kanila.Nagsasayaw sila ni Professor Keisha. Napataas naman ang kilay ko dahil nakangiti ang babae. Bakit ito tumatawa?Anong nakakatawa?

"Beh,tingnan mo ang sweet nila. Pagkatapos niyo magchukchakan kanina,may kalandian na agad." hindi ko na nilingon si Victoria.

Masama ang loob na inubos ko ang sandwich ko at tumayo para umalis. Hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko. Naiwan si Victoria na kumakain doon at hindi na ako napansin.

Naiinis din ako sa dress na ito. Nag haba haba! Gusto ko itong punitin sa inis.

Habang papunta ng cr ay may nabunggo ako . Ang sakit ng noo ko! Sino ba itong bwisit na—

"What's with your face?" inirapan ko si Xavius.

"Wala kang pake. Oh,nasaan si Kena?" kunot noo kong tanong. Nagpamulsa ito.

"I don't know. Maybe she's dancing with another man. You? Don't you want to dance?" napaisip muna ako sa tanong nito. Nagpaparamihan nga pala kami sa gc nila Marie ng lalaking isasayaw.

Pwede na rin,tuta ang escort ko ay may kasayawang iba. Dapat ako rin.

Sabay kaming naglakad ni Xavius sa bandang gilid ng mga nagsasayawan ng marahan sa dance area.

The Mafia Boss' Sweet Obsession |✓Where stories live. Discover now