NAPATIGIL SILA.
Natataranta akong nagdalawang isip kung sa ibang cr na lang ba ako pupunta, pero agad na akong tumalikod dahil naiipang na ako sa sitwasyon.
Patakbo akong lumayo sa kanila ngunit narinig ko pa na may tumawag sa akin.
"Savannah!" boses iyon ni Yveruss. Sumibol ang matinding inis sa aking dibdib. Walanghiya siya! Gusto niya ako pero nakikipaghalikan siya sa iba!
Nagtutubig ang aking magkabilang mata kaya ng may makita akong isang paliko na daan ay doon ako sumuot.
Napabuntong hininga ako bago napasandal sa pader. Tama ba na pinagkatiwalaan ko ang lalaki? Pero diba... may paliwanag naman siya?
Napayuko ako ng maalala ulit ang nakita ko. Wala pang isang segundo nang umalis ako, saglit ko lang sila nakita. Pero bakit parang maraming karayom ang tumutusok sa dibdib ko?
"Savannah," napatingin ako sa gulat doon sa nagsalita. Pinunasan ko agad ang mga mata ko.
"B-Bakit? Ah, ano pala, Merry Christmas!" tabingi ang ngiti na bati ko. Wala siyang reaksyon o ekspresyon. Seryoso lang siyang nakatingin sa basa kong mata. Nataranta ako dahil papalapit siya, kaya agad akong lumayo.
"H-Hinahanap na ako ni Kuya," pagpapaalam ko. Nilagpasan ko siya pero napatigil din dahil hinawakan niya ang aking braso.
Hinila niya ako at kinabig papunta sa kanya.
Niyakap niya ako.
Doon na lumabas ang mga hikbi ko. Paniguradong nabasa na ang kanyang damit. Paano'y nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
"S-Sabi mo... g-gusto mo ako! Bakit—"
"I didn't do that. She's the one who forced me. "sabi niya sa akin pero hindi ako napapanatag.
"I didn't kissed her. She pulled my —"
" Huwag ka nang magsalita! " nanginginig kong awat. Itinulak ko siya para umalis na doon, kaso ayaw talaga niya akong bitawan.
"Hindi ka naniniwala sa akin?" biglang tumama ang likod ko sa pader. Hindi naman masakit, napatingala ako sa kanya habang magkasalubong ang kilay.
"A-Ano ba—!"
"I don't like her," nagkapantay ang mukha namin dahil yumuko siya. Agad kumalat ang pamumula sa aking mga pisngi.
"Ikaw lang naman."
Wala pa sa alas quatro na nagliparan ang mga paru paro sa paligid. Hindi ko rin alam ngunit ganoong kabilis ko lang siyang pinaniwalaan.
Kung may makakakita mang iba sa hitsura ko, luhaan pero nakangiti, baka isipin nilang baliw ako.
"Kapag... nakita ulit kitang may kahalikan! Lagot ka sakin." banta ko. Kumunot ang noo niya.
"Kahalikan? We don't kissed on purpose. She's the one who forced me! Wala pa iyong isang segundo—"
"Aalis na ako! Hinahanap na ako ni Kuya." tatakas na sana ako kaso hindi nga pala ako makakatakas sa kamay niya.
"And about your messages, I can't find it on my place , kahapon pa. She took it without my permission, I didn't even know that she went on my pad. I can't reply because she took it, and when she's going to give it back to me, she suddenly pulled my clothes. And don't even like it, even expected it. "paliwanag niya. Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Now, can we celebrate the Christmas?" hinatak niya ang baywang ko. Umirap ako sa kanya, lalo na dahil sa ngiti niya na parang wala siyang ginawang masama!
I messaged my brother first. Nagpaalam ako na gabi na siguro ako makakauwi, marunong naman ako mag commute.
Hindi ko na nakita ang babae sa paligid. At ayaw ko rin namang makita ang pagmumukha niya dahil naiinis ako.
Dahil magtatakip silim na ay nagpunta muna kami sa isang restaurant upang kumain.
Nag-usap kami tungkol sa iba't ibang bagay, at oo nga pala, birthday na niya sa isang araw. Sinabi niya kung saan kami dederetso ng mga kaklase ko, sa isang hotel pala iyon at may beach ressort.
"Oh, you have a sauce on your mouth." biglang siksik niya sa usapan. Pupunasan ko na sana iyon gamit ang tissue pero nanlaki ang mata ko dahil siya na ang lumapit para halikan ako!
Agad akong napalayo at tumingin sa paligid. Nakakahiya lalo na't baka may nakakakilala sa amin!
"A-Ano ka ba?!" suway ko rito. Ibinato ko ang tissue sa mukha niya. "Ayan oh! Ayan! May tissue naman!" gigil kong saad. Nangamatis na rin ang aking buong mukha.
Siya naman ay panay ngisi lamang.
Magkasama kami hanggang lumalim ang gabi. Kung ano anong kinain namin kaya busog na busog ako.
Kahit papaano ay ramdam ko naman na bumawi siya , masaya na rin ako kahit ganoon. Siguro kapag nakita ko si Carleighn ay hindi ko alam ang magagawa ko.
Pauwi na kami at ihahatid muna niya ako, nagtaka lang ako dahil tumigil kami sa gilid ng daan. Sa gilid ng highway ay may view ng city lights. Ang ganda nga, eh, lalo na at may buwan sa itaas. Bilog na bilog iyon at napapalibutan ng mga bituin.
Lumapit pa ako sa bintana na katabi ni Yveruss upang silipin pa ang view. Ang lamig lamig na rin ng simoy ng hangin.
Nakangisi sa akin ang lalaki,kaya alam kong may binabalak ito. Umirap ako sa kanya at babalik sana ako sa upuan ko ng hilahin niya ako sa baywang. Doon ang bagsak ko sa kanyang kandungan.
"Ano ka ba!" inis kong sabi. Aalis na ako kaso ayaw talaga niya kaya inis akong umupo sa kanya,nanlaki ang mata ko dahil dumaing ito na parang nasaktan.
"Ay naku sorry! I-Ikaw kasi —"
"No it's okay. I'm not hurt." tumikhim siya kaya umayos ako ng upo sa hita niya.
"Uhm...may tanong ako." nagdadalawang isip kong sabi. Patagilid kasi ang upo ko, alangan namang nakaharap ako sa kanya at nakabukaka,napaka-awkward naman non.
" Hm?"simpleng tugon niya. Hinahaplos niya ang buhok ko at minsan ay inaamoy pa.
"Hindi ka ba manliligaw sa akin?"
Pagkatanong ko at agad siyang napaubo. Para siyag nabilaukan.
"Ano ayos ka lang?!" gulat kong tanong,iwinasiwas niya ang kanyang kamay at umiling.
"Uhm, nothing. What did you say?" turan niya. Sumimangot ako. Narinig naman niya, ah!
"You know how complicated our relationship is. I'm thinking how to court you in this situation." nakatingin sa labas niyang sagot sa akin. Seryoso na siya ngayon.
Oo nga pala. Hindi maganda ang relasyon ng mga kapatid ko sa kanila. Magulo pa ang takbo ng buhay namin. Pero nalulungkot ako kasi...
"But I already decided." huminga siya ng malalim bago tagpuin ang aking mata. Nangungusap iyon at kumikinang sa pagitan ng malamig na gabi.
Para bang may matagal na siyang gustong sabihin."Tutal sinabi mo na rin," saad niya na parang may kasunod.
"Can I court you, Savannah?" malambing at kalmado niyang tanong. Dahan dahang yumakap sa aking baywang ang kanyang mga braso.
Wala akong maisagot kundi ay yumakap pabalik. Sino pa nga ba ang tatanggi, diba?
Kaya sinagot ko siya gamit ang malalim na halik na kasing lalim ng gabi.
YOU ARE READING
The Mafia Boss' Sweet Obsession |✓
Roman d'amourSavannah is a girl who was living peacefully and simple. But one day, Savannah's life went wrong! Habang naglalakad ang dalaga dahil nakatulog sa loob ng library sa kanyang paaralan, naramdaman niyang may sumusunod sa kanya. At sa pagkagulat ay dina...