Prologue

83 3 2
                                    

“Pulgoso, anak takbo! Iligtas mo ang sarili mo!” sigaw ni Delfin habang nakikipagbuno sa mga elemento ng dilim.

“P-Po? Pero paano kayo ni Inay?!”

“Umalis ka na anak sige na!” ani ng kaniyang ina.

“Ano ba talaga? Aalis o magtatago?!”

Kinuha ni Delfin ang kaniyang tsenilas at ibinato rito.

“Tatakbo ka ba? O ako papatay sayong bata ka! Tago na!”

Mabilis na nagtago si Pulgoso sa sa loob ng kanilang bahay, habang ang kaniyang ama at ina ay parehas na nakikipaglaban sa mga aswang na sumalakay sa kanila.

“Kahit pa saan magtago ang anak mo Delfin, walang matitirang buhay sa inyo ngayong gabi!” ani ng isang aswang na mas malaki kaysa sa mga kasama nito.

“Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo mahawakan ang anak ko!” Ani ni Delfin at hinampas ng buntot pagi ang kalaban. Napaatras ito at bahagyang natamaan, dahil dito'y mas nagalit ang nilalang.

“Dadaan ba kamo? Hindi lang yan ang mangyayari sa inyo! Palibutan ang dalawang hangal na mag-asawang ito!” utos nito sa iba pang mga aswang.

Naglalaway at nanlilisik ang mapupula nilang mga mata habang nakapaligid sa mag-asawang Delfin at Rosa. Nakangiti naman ng nakakikilabot ang aswang na nag-utos.

“Ito na ang huling gabi ninyo! Lusubin sila!”

Sabay-sabay na umatake ang mga nilalang sa mag-asawa, ngunit sa dami nila ay hindi na ito kinaya pa ng lakas nila.

“Mga mahihina! Asan na ang lakas na ipinagmamalaki niyo!”

Sa mga sandaling iyon, ang mga mahahalagang mutya ay nakapalibot sa beywang ng anak nilang si Pulgoso, alam na nilang mangyayari ito kaya't agad na nilang nilagyan ng proteksiyon ang anak nila.

“Mapapaslang mo man ako ngayong gabi Fabio! Pero susunod ka rin!” bulyaw ni Delfin sa nilalang na Pinuno ng mga sumalakay sa kanila.

“Hindi mo na magagawa pa ‘yan pagkatapos nito.” Binaon ni Fabio ang matatalas niyang kuko sa dibdib ni Delfin at binaklas ang puso nito. Umangil pa ang nilalang ng nasa kamay na niya ang puso ni Delfin at tumitbok pa.

“Ngayon mo sabihin sa'kin na susunod ako!”

Napahiyaw at pumalahaw ng iyak si Rosa ng makita ang nangyari sa kaniyang asawa. Sumilip naman si Pulgoso sa mga magulang at kusa na lang kumawala ang mga luha niya ng makita niyang hawak ng isang malaking aswang ang puso ng kaniyang ama at sinaksak gamit ang matatalas na kuko sa likuran ang kaniyang ina.

Parehas na silang mag-asawa na puno ng sugat at naliligo sa dugo. Nang magawi ang paningin ng mga aswang sa gawi niya ay agad na tumakbo palayo si Pulgoso. Nakarating na siya sa kakahuyan sa pagtakbo niya sa kalagitnaan ng gabi.

Paghangos, tunog ng mga dahon at damo ang naririnig na ingay sa paligid ni Pulgoso. Maya-maya pa ay naaamoy na niya ang malansang amoy ng mga aswang na sumusunod sa kaniya.

Naabutan siya ng isa sa mga ito kaya't kahit na hinihingal na ay pinilit pa rin niyang tumakbo.

“Ako ang pinakamabilis tumakbo sa mga kalaro ko pero parang may sisira na ng record ko!”

Aabutan na sana ng nilalang si Pulgoso ng maalala niya ang orasyong itinuro sa kaniya ng kaniyang ama, at banayad na hinimas ang mga mutyang nakapalibot sa beywang niya. Biglang nawala si Pulgoso sa paningin ng aswang na aatake sa kaniya, ngunit naroon pa rin siya, nakikita pa rin ni Pulgoso ang mga aswang na noon ay nakapaligid na sa kaniya.

“Nasaan na ang bata?!” tanong ng aswang na pumatay sa mga magulang niya.

“Bigla po siyang naglaho among Fabio,” ani ng nilalang na sanay aatake kay Pulgoso

Takip-takip ni Pulgoso ang kaniyang bibig at halos pigil ang pahinga para di maramdaman ng mga elemento na nasa paligid lang siya. Ilang sandali pang nakatayo ang mga nilalang at ang pinuno ng mga ito, pinakiramdaman nila ang paligid kung saan nagtatago si Pulgoso.

“Hayaan niyo na, bata na lang naman ‘yon. Mamamatay rin yon dito sa gubat at magiging pagkain ng mga mababangis na hayop dito, tapos na rin naman na tayo sa ating pakay,” ani ni Fabio at nagsialis na sila.

Nang makaalis na sila, ay doon pa lang inalis ni Pulgoso ang sabulag na ibinalot niya sa kaniyang sarili. Sumilong siya sa isang puno at naupo roon, niyakap niya ang kaniyang mga binti at humagulgol ng iyak habang inaalala ang mga nangyari sa magulang niya.

Sa labis na pag-iyak ay doon na inabutan ng umaga si Pulgoso. Nagising siya nang tumama na ang sinag ng araw sa mukha niya, marahan siyang tumayo at umuwi sa kanila. Nang makarating ay marami nang mga tao ang nagkukumpulan at binubuhat ang patay na katawan ng mag-asawang Delfin at Rosa.

Tumakbo palapit si Pulgoso sa mga magulang niya na binubuhat na para dalhin sa morgue. Nagulat pa ang mga tao ng makitang ligtas siya.

Puro tanong ang mga tao kung anong nangyari sa kaniya at sa mga magulang niya pero hindi ito binigyang pansin ni Pulgoso. Nang mailibing ang kaniyang mga magulang ay tinanong siya ng kanilang kapitan kung saan na siya titira gayong hindi puwede na siya na lang ang tumira sa bahay nila dahil sa edad niya.

Naalala niya ang pinsan ng kaniyang ama na si Doming, gaya ng kaniyang ama ay isa rin itong antingero. Sa loob ng isang maliit na kahon na lagayan ng mga libreta ng kaniyang ama ay naroon ang papel kung saan nakasulat kung saan ito maaring puntahan.

“Sa tiyo Doming ko po! Alam ko rin po kung saan siya pupuntahan.”

Kahit na gusto ni Pulgoso na siya lang ang mag-isang bumyahe mag-isa ay sinamahan siya ng isang taga DSWD para puntahan ang tiyo Doming niya.

***

Magkasunod na katok sa pinto ang narinig ni Tekla.

“Nandiyan na.”

Nakabalot pa ng facial mask ang mukha ni Tekla at balot ng tuwalya ang buhok at nakatapis pa nang buksan niya ang pinto.
Natulala si Pulgoso at ang babaeng kasama niya sa itsura nang nagbukas sa kanila.

“A-Ah, nandiyan po ba si Doming? Dominador Talumpati?” ani ng babae na nasa mga trenta na mahigit.

Napasandal si Tikboy sa pader na parang nag i-emote.

“Kailan pa? Paano?! Bakit ngayon ko lang nalaman na may kapatid ako sa labas!”

“Ha?!” sabay na sabi ni Pulgoso at ng taga DSWD.

PULGOSO: ANG BATANG ANTINGERO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon