Bumiyahe ng mga dalawang oras sina Doming papunta sa bahay ni Mr. Lim. Napakalaki ng bahay nito, marami ring mga halaman sa labas at ang ilan dito ay mamahalin pa kaya't itong si Tekla ay panay kuha ng punla na puwede niyang itanim sa kanila at pasimpleng inilagay sa dala nilang bayong.
Si Pulgoso naman ay labis na namangha sa paligid ng bahay, lalo na sa hardin dahil naalala niyang mahilig din sa mga halaman ang yumao niyang ina. Isang halaman ang umagaw sa pansin ni Pulgoso, kulay itim kasi ang iilang bulaklak nito at na unti-unti na ring nalalagas.
"Pasok kayo, akin pakita akin asawa. Siya parang wala kaniya sarili, hanap niya lagi Julio, baka ibang lalaki niya 'yon," saad ni Mr. Lim.
"Asawa? Akala ko po ba anak niyo?" tanong ni mang Doming.
"Hindi, hindi, akin asawa si Gina, hindi anak, bata lang siya sampung taon akin, pero asawa ko siya."
Dinala sila ni Mr. Lim sa kuwarto nilang mag-asawa ngunit pagkabukas pa lang nila ng pinto ay may taong tumilapon mula sa loob at tumama ito sa kanila, ito ay ang kanilang katiwala na nag-aalaga sa asawa ni Mr. Lim.
Nagkukumahog na tumayo ang katiwala kahit na nasaktan ito, takot na takot din itong umalis at nagpaalam sa matandang itsik. Pagkapasok nila sa kuwarto at saktong bumulagta mula sa pagkakatayo ang asawa ni Mr. Lim. Dali-dali itong nilapitan ang asawa, at labis na nag-alala.
"Gina, ano nangyari?!"
Samantala, hindi naman mawari ng batang si Pulgoso ang bigat ng awra sa loob ng kuwartong iyon. Sa sulok at napansin niya ang isang itim na bulto ng isang tao subalit mga mapupulang mga mata lamang nito ang naaaninag niya, ngunit ilang sandali pa ay biglang naglaho ito.
Sinuri rin ni Doming ang asawa ni Mr. Lim, at napansin niya ang natuyong sugat sa katawan nito na parang walang unti-unting kumakalat sa buong katawan nito, at kung titingnan ay parang natuyong balat ng puno.
“Engkanto, pinaglalaruan siya ng isang itim na engkanto tay Doming,” biglang sabi ni Pulgoso.
“‘Yan din ang nasa isip ko base sa mga sugat sa kaniyang katawan, paano mo naman nalaman Pulgoso?” saad ni Doming.
“Nakita ko siya rito kanina sa loob ng kuwarto, ngunit nawala rin agad.”
Humingi ng isang maliit na batya si mang Doming kay Mr. Lim, at inutusan niya si Tekla tawasin si Gina para malaman kung anong uri itim na engkanto ang gumagambala rito. Sinimulan na ni Tekla ang pagdarasal at pagtatawas. Lumabas na isang maharlikang itim na engkanto ang nagkakagusto sa asawa ni Mr. Lim.
“Ay naku, ipaubaya mo na lang asawa mo Mr. Lim, dihins mo kakayanin powers nito, malakas ito, royal blood pa. Magiging Disney princess ka nga pero sa engkanto naman ang ‘yong prince, salamat na lang sa offer!” ani ni Tekla.
“Ano ka ba Tikboy, kaya nga tayo narito para tumulong, tapos ipapaubaya?” saad naman ni mang Doming.
“Ako bayad kahit na magkano, inyo lang pagalingin akin asawa, kahit kalahati aking kayamanan akin bigay, tulungan niyo lang kami.”
Nakaramdam ng awa si Pulgoso sa intsik, talagang mahal nito ang asawa, kaya niyang ibigay ang kahit ano mapagaling lang ang asawa niya.
“Ano ka ba Mr. Lim, wag kang gi-give up, engkanto lang ‘yan, keri na ni tatay ‘yan,” saad ni Tekla.
“Anong ako? Tayo!”
Sinimulan na ni Doming ang gumawa ng insenso habang nakahiga sa kama ang wala pa ring malay na si Gina. Umusal ng orasyon si Doming at kumuha ng isang maliit na kulay puting papel na dala niya na may nakasulat na orasyon. Inilagay niya ito sa pagitan ng mga daliri sa paa ni Gina.
Unti-unting nagigising si Gina, marahan itong umungol na para bang nasasaktan.
“Sino ka mang nilalang ka, lubayan mo na ang babaeng ito!” saad ni mang Doming. Napasigaw sina Tekla, Pulgoso at Mr. Lim ng biglang bumangon na lang si Gina at dilat na dilat ang mata nakangisi kay Doming.
Nagulat din si Doming ngunit hindi siya maaring magpatinag.
“Ano ka ba naman mareng Gina, muntik ng mag abroad ang kaluluwa ko sa gulat! Exercise pala magaganap dito dihins ako na inform,” saad ni Tekla.
“Exercise? Baka exorcist kuya, nag-aral ka ba?” tugon ni Pulgoso kay Tekla.
“Absent lang ako ng tinuro ‘yon ‘wag kang intelligence riyan!”
“Baka Intelligent kamo!”
Narindi na si Doming sa dalawa kaya't sinaway na niya ito.
“Mahahampas ko na talaga kayong dalawa kapag di kayo tumigil magtalo!” galit ng wika ni mang Doming. Muli bumaling siya sa asawa ni Mr. Lim.
“Lubaya mo na siya, wala siyang ginawa sa'yo para pahirapan mo siya ng ganito!” wika ni Doming sa engkanto.
Tumawa lamang ng malakas ang nilalang bago ito magsalita kay Doming.
“Akin lang siya tanda! Kukunin ko siya at wala kayong magagawa, dahilan hindi niyo kaya ang kapangyarihang mayroon ako, akin lang ang babaeng ito!” ani ng nilalang na nasa loob ng katawan ni Gina bago ito mawala. Muli ay bumagsak ang katawan ng babae sa kama at nawalan ulit ito ng malay.
“Doming, ano atin gagawin para hindi niya kunin akin asawa, ayoko mawala Gina sa'kin, ako nakikiusap tulong, mahal ko si Gina, hindi puwede mawala siya at makuha ng engkanto na ‘yon,” maluha-luhang wika ni Mr. Lim.
“‘Wag kang mag-alala Mr. Lim. Babawiin natin si Gina, kailangan lang nating harapin na mismo ang engkanto na ‘yon,” wika ni Doming.
“Ngunit paano tay? Paano tayo makakapunta kung nasaan ‘yong engkanto na gumagambala kay ma'am Gina, eh ordinaryong tao lang tayo,” saad naman ni Pulgoso.
“Nakalimutan niyo yatang kaibigan ko si Efren, isang puting engkanto ang kapatid niya, si Sinag hihingi muli tayo ng tulong sa kanila.”
Para hindi gaanong mahirapan, kinausap ni Doming si Mr. Lim na doon na muna silang mag-asawa sa kanila habang ginagamot pa ang asawa niya, masiyadong malayo kasi ang kanila at mahirap din na palaging ba-byahe para tingnan ang asawa niya.
“Pansamantala lang naman ito Mr. Lim, maigi kasing nasusubaybayan ko siya hanggang sa gumaling siya,” ani ni Doming.
“Basta gumaling lang Gina, ako walang problema, ako tiwala sa inyo.”
Nang araw ding iyon ay dinala na nila Doming si Gina sa kanila, at doon na rin niya kakausapin si Efren para makahingi ng tulong sa kapatid nitong si Sinag.
BINABASA MO ANG
PULGOSO: ANG BATANG ANTINGERO
HorrorNasaksihan ni pulgoso kung paano paslangin ng mga aswang ang kaniyang magulang ng walang kalaban-laban. Ngunit bago pumanaw ang kaniyang ama naihabilin nito ang lahat ng mga kaalaman at kagamitan na ng ama sa kaniya. Ngunit dahil sa bata pa at hindi...