KABANATA -14

23 0 1
                                    

“So ano yon tay? Pupunta tayo sa probinsya nila uncle Emilio? ” tanong si Tekla.

“Oo, pansamantala, gustuhin ko mang isama sina Efren at Caleb ngunit hindi maari, mga manggagamot, babaylan, albularyo’t antingero ang mga naroon, magiging mapanganib sa lahat kapag inalis nila ang kanilang mga pangontra dahil lang sa may mga kasama tayong kaibigang aswang.”

Naintindihan naman nila Efren at Caleb ang bagay na iyon kaya't nagpasya na lang ang mga ito na maiwan at sabihan na lang kapag kailangan na ang kanilang tulong.

Makaraan ang tatlong araw ay bumiyahe na sila Doming papunta sa bayan nila Emilio. Ito ang unang beses na makakapunta sila Tekla at Pulgoso sa ilan sa kanilang mga kamag-anak kaya't nasasabik din silang makilala ang mga ito.

Nang makarating sa lugar nila Emilio ay namangha sina Tekla at Pulgoso, kahit simple lang kasi kubo nito ay napaliligiran naman ito ng iba’t ibang gulay, prutas at halaman lalo na ng mga halamang gamot.

“Taray ng bahay kubo, lahat ng fruits at veggies sa market available rito, naka organized pa, grocery yarn?” puri ni Tekla sa bakuran ng kaniyang tiyo Emilio.

Tuwang-tuwa naman si Emilio ng makita si Doming, agad na niyakap niya ito at kinumusta.

“Maligayang pagdating Doming, mabuti at nakarating kayo ng maayos, tek ito na ba si Tikboy? Pero bakit naka pambabae at puno ng kolorete? ” ani ni Emilio. Sasagot pa sana si Tekla ngunit binara na siya ng mang Doming.

“Na engkanto ‘yan, ayon di na gumaling kaya ganiyan,” saad ni Doming at matalim na tiningnan si Tekla.

“Ah, eh gano'n ba, hala sige pasok na kayo at tamang-tama, katatapos pa lang magluto si Letty,” aya ni Emilio.

“Letty? As in lettuce or let me be the one? “ biglang banat ni Pulgoso. Napatingin sina Doming sa kaniya, parang nabigla sila sa kaniya.

“B-Bakit po kayo ganiyan makatingin? Ah gutom na po ako, tara na po, ” biglang sabi ni Pulgoso at nauna na itong pumasok sa loob.

****

Nang nasa hapag kainan na sila ay masaya silang nagku-kuwentuhan, na-isalaysay rin ni Pulgoso ang nangyari sa kaniyang mga magulang at paano siya napunta kina Doming.

“Gumagala na talaga sila kahit saan, maraming mga kagaya natin dito, ngunit binabago ang ilan sa kanila ng modernong panahon, nagiging pabaya na sila, kaya kahit saan kayo makarating maging mapagmatiyag kayo,” saad ng asawa ni Emilio na si Letty.

“Matanglawin?!” singit ni Tekla.

“Tikboy umayos ka, nga pala Emilio, ano na ang plano ng mga kasama mo rito?” wika ni Doming.

“Sa ngayon Doming, nakatuon kami sa pagpapalakas ng aming spiritual na mga kakayahan, pati mga kaalaman namin ay mas pinapalawak namin, parehas kaming nagbabahagi ng aming mga nalalaman, mas lumalakas na ang mga nasa kaliwa, kaya hindi tayo maaaring maging pabaya.”

Ang pananatili nila Doming doon ay ang panahon din ng dagdag na pag-aaral nila Tekla at Pulgoso ng mga dasal, orasyon at pangontra, gayundin ang tamang paggamit ng mga mutyang hawak nila.

“What?! Tay naman, daig ko pa ng masteral sa mga libro at libreta niyo dati, tapos dito rin? Dapat nag abogado na lang pala ako, walang kasing dami rin naman pala need ko aralin,” pagmamaktol ni Tekla.

“Ayaw mo ba no'n kuya? Mas maraming alam mas maigi, tsaka babalikan tayo ng itim na engkantong nakaharap natin, kaya higit na kailangan natin ito ngayon,” saad naman ni Pulgoso.

“Kahit pa kumontra ka Tikboy, ako pa rin ang masusunod, wag ka nang magrereklamo. Maghanda ka na at sasama kayo ni Pulgoso sa tiyo Emilio mo kasama ang ibang tuturuan niya.”

Samantala ay napangiti na lamang ang asawa ni Emilio na si Letty sa dalawa lalo na kay Tekla.
Pinaghanda na rin niya ang mga ito ng kanilang baon dahil ilang oras din sila roon.

Panay reklamo si Tekla pagdating nila sa kubo kung saan sila parehas na mag-aaral ni Pulgoso nang makakita siya ng isang guwapong binata.

“Ay g-guwapo, dapat lang talaga tayong mag-aral Pulgoso, it's healthy for the brain,” saad ni Tekla habang nakatingin sa naturang lalaki.

“Oh bakit biglang nagbago isip mo ng segundo lang?” napatingin si Pulgoso kung saan nakatingin ang kaniyang kuya Tikboy.

“Ah, kaya pala, kasi may pogi.”

Sa unang araw nila Pulgoso ay hindi nila inaasahan na ang pogi pa lang nakita ni Pulgoso ay ang magiging tagapagturo sa kanila ng araw na ‘yon.

Habang nakaupo sila kasama ang mga kapwa mag-aara at nasa harap ang naturang lalaki na nagpakilala bilang Noel at nagbibigay ng ilang alituntinin ay wala sa wisyo si Tekla dahil sa kakatingin sa lalaking nasa harapan nila.

“Wala pa kayong tinuturo sir pero natutunan na kitang mahalin,” saad ni Tekla na namumungay ang mga mata.

Siniko ni Pulgoso si Tekla.

“Uy kuya umayos ka nga nakakahiya kay kuya Noel.”

Ang unang itinuro sa kanila ng araw na yon ay orasyon ng tigalpo para sa kaaway. Naging seryoso ang pakikinig ni Pulgoso habang si Tekla naman ay wala pa rin sa sarili. Biglang tinawag ni Noel at Pulgoso sa harapan para subukan ang kanilang inaral. Wala pa rin sa wisyo si Tekla dahil nakatingin pa rin ito kay Noel.

“Oh, Pulgoso, kunwari ay aswang itong si Tikboy ah, sa kaniya mo gagamitin ang orasyon, babaliin ko lang kapag kita kong nahihirapan ka at siya.”

Kinilig naman si Tekla sa kaniyang narinig.

“Kapag naging aswang ako, ikaw lang a-aswangin ko Noel darling,” saad ni Tekla na kumukurap-kurap pa ng biglang hindi na ito makagalaw. Inusalan na pala siya ni Pulgoso habang nakalihis ang atensiyon nito. Nakakapagsalita pa rin ito ngunit hirap na siyang igalaw ang kaniyang katawan.

“Teka, anong nangyayari? Bakit di ako makagalaw?” saad ni Tekla. Marahang lumapit si Pulgoso sa kaniya na may nakakalokong ngiti.

“Hindi ka kasi nakikinig sa buong pagtuturo ni kuya Noel kakatitig sa kaniya eh,” wika ni Pulgoso kay Tekla.

“Kaya naman pala,” napailing na sabi na lang ni Noel.

At bilang parusa sa hindi pakikinig sa buong klase nila. Pinagtulungan nilang kilitiin si Tekla hanggang sa mahirapan na itong huminga.

“Gusto kong pumanaw ng masaya pero hindi sa ganito, pero kung ibang kilita at si Noel, I'm willing to sacrifice!” ani ni Tekla pero pinagtulungan na siya ni Pulgoso at ng iba.



PULGOSO: ANG BATANG ANTINGERO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon