Sakto namang dumating sina Caleb at Efren kasama si mang Doming, nakita nilang tangay ng manananggal si Pulgoso, nagpupumiglas ito ngunit mahigpit ang pagkakahawak ng manananggal sa kaniya, sinundan ito nila Caleb at Efren sa pangamba na baka mahulog ang bata.
Binatukan naman ni mang Doming si Tikboy dahil sa hinayaan nito si Pulgoso.
“Nandito ka na, natangay pa ‘yong pinsan mo? Wala ka talagang silbi minsan bata ka, hala sundan mo sina Caleb para iligtas si Pulgoso.”
Hindi malaman ni Tekla ang gagawin ng biglang napahawak siya sa kaniyang ulo, naalala niyang matulis para ang parang pantuhog niya sa kaniyang buhok at saktong nakita niya ang tirador ni Pulgoso na naiwan at nasa lupa kaya't kinuha niya ito at sinundan na sila Caleb.
Tumalon na sa mga sanga ng puno ang mag-ama ngunit napansin nilang lumiliwanag na unti-unti na nilang nararamdaman na nanghihina sila.
“Sinasabi ko sa'yo manananggal, bago mo ako makain, lusaw ka na! ” ani ni Pulgoso.
“Puwes! Uunahin na kita, biglang may tumama sa mata ng manananggal kaya't nabitiwan nito si Pulgoso, buti na lang at maagap si Caleb at nasalo niya agad ang bata bago pa ito tuluyang lumagapak sa lupa.
“Ay nakatsamba! Wala pa ring mintis!” tuwang-tuwa na saad ni Tikboy ng tamaan niya ng pantusok sa buhok niya na ginawa niyang bala sa tirador ni Pulgoso ang mata ng manananggal. Nasugatan pala ang mata nito kaya't lalo itong nagalit, nilusob niya si Tekla ngunit bago pa man siya makalapit dito at sumilay na ang araw at nadaanan siya ng sinag nito kaya't biglang nagliyab ito sa taas.
“Ayan, naging fireworks ka tuloy!” ani ni Tekla habang sumisigaw ang manananggal hanggang sa tuluyan na itong maging abo.
Agad na nilapitan naman nila Efren si Tekla at kinumusta ito.
Matapos no'n ay hinatid na nila ang mga kaibigan ni Pulgoso sa kanilang mga bahay, at parehas na pinagalitan ang mga ito ng kanilang mga magulang at hindi rin nakaligtas si Pulgoso kay Doming.Pinaluhod niya ito sa asin may tag-isang libro sa kamay habang nakadipa.
“Akala ko, sakit na ng ulo ko si Tikbo,” saad ni Doming, at natuwa si Tekla sa pag-aakalang hindi na pabigat ang tingin ng ama sa kaniya.
“I know right, sabi ko naman sa'yo tay, napakabuti kong anak, good example, actually sobrang suwerte mo sa'kin. ”
“Tumahimik ka, hindi pa ako tapos!” napatikom ng bibig si Tikboy.
“Dito sa pamamahay ko, wala akong pagkakamali na pinapalagpas, hindi ko alam kung paano ka pinalaki ni Delfin Pulgoso, pero bakit mo naman ginawang saranggola yong manananggal? Paano kong pinaslang ka no'n? Eh di kargo de konsensiya ko pa,” saad ni Doming kay Pulgoso.
“Pasensiya na po tiyo este tay Doming, di ko na po uulitin, eh kasi wala po akong gawa eh at nagkataon na naisahan ko yong manananggal kaya gano—”
“Aba’y sumasagot ka pa, isang oras kang luluhod diyan! Pinahamak mo pa mga kaibigan mo ah!” ani ni Doming at galit sa pumasok ng kaniyang kuwarto.
“Kalokang bata, yong iba takot na takot sa manananggal, pero ikaw ginawa mo lang saranggola? Hay!” saad din ni Tekla tsaka tumungo ng banyo para makaligo na. Natawa naman sila Efren at Caleb dahil sa nangyari. Nilapitan ni Efren si Pulgoso tsaka marahang kinausap.
“Ang husay mo Pulgoso, di ka man lang natakot sa ginawa mo?”
“Hindi po, kasi tinago kalahati ng katawan ng manananggal eh tsaka matodas man niya ako, sure naman akong siya rin, nakalimutan ko saan ko natago yong kalahati ng katawan niya eh.” Palihim lang din na napatawa si Caleb sa sagot ng bata.
***
Samantala, sa kuta ng mga aswang kung saan din galing ang mga nakalaban nila Doming ay nakarating na kay Fabio ang naging pakikipaglaban nila Doming.“Hindi ako nagkamali nang pahahanap sa anak ni Delfin, dahil kasama niya rin pala ang mga kaanak niya, maigi at wala tayong ititira sa kanila,” wika ni Fabio.
“Ngunit among, may kakampi silang dalawang aswang, sa tingin ko ay mag-ama ang mga ‘yon.”
Biglang nag-iba ang awra ng mukha ni Fabio sa kaniyang narinig.
“Mga aswang? Kahibangan, mga hangal ang mga ‘yon, isang kahangalan ang pakikipagsanib sa mga kaaway lalo na sa mga kagaya ni Delfin, kung sino man ang mga ‘yon mga taksil sila sa ating lahi kaya hindi rin sila dapat mabuhay!”
****
Kinabukasan, nag-uunat pa si Tekla pagkagising.“Hello Lord, hello fam hello selp maganda ako sa umaga!” ani niya habang nakangiting nakatingin sa kanilang bakuran habang nagsisibak ng kahoy ng panggatong si Caleb.
“May gusto po ba kayo kay kuya Caleb? Kalimutan niyo na lang po kuya, may pangarap talaga na di kailan matutupad,” ani ni Pulgoso na tumabi kay Tekla
“Ang ganda na ng gising ko eh, sinira mo na naman!”
Bigla namang tinawag ni Efren si Pulgoso, agad naman na tumalima ang bata at lumapit dito.
“Ano po ‘yon tay Efren?”
“Magsasanay tayo ngayong araw, sa pakikipaglaban ako na magtuturo sa'yo ngunit sa mga kaalaman pangontra sa mga kagaya naming nasa kaliwang panig ang tay Doming mo na bahala roon, payag ka ba?” ani Efren kay Pulgoso.
“Naku, Pulgoso, wag ka munang matuwa, baka umiyak ka gaya ko noon nang una akong tinuruan ni tatay,” saad naman ni Caleb.
“Duwag lang ang umiiyak, pero tingnan mo ikaw ngayon? Sino bang mag-aakala na mas mahusay ka pa sa mga aswang na tao ang panlaman ng kanilang mga tiyan?” saad ni Efren sa anak.
“Naku, nambola na naman po ang tatay,” sagot ni Caleb.
“Uy, Tikboy, kasama ka rin sa pagsasanay saad ng tatay Doming mo?!” sigaw ni Efren kay Tekla na noon ay nasa biranda.
Tatanggi pa sana si Tikboy dahil sa naging trauma niya sa nakaraang pagsasanay niya kay Efren ngunit binara na siya ni Doming.
“Hanggat hindi ka nagiging matino Tikboy, bubugbugin kita sa pagsasanay hanggang tumuwid ka!”
“Alam kong hour glass ang figure ko tay pero no need na ‘yang training ni Daddy Efren, parang mauuna pa akong pumanaw sa ginagawa niyo sa'kin eh.”
Kahit na anong reklamo ni Tekla at hindi pa rin siya nakatanggi, ng araw ding iyon ay dinala silang dalawa ni Efren sa isang talon di kalayuan sa tahanan nila Doming.
BINABASA MO ANG
PULGOSO: ANG BATANG ANTINGERO
HorrorNasaksihan ni pulgoso kung paano paslangin ng mga aswang ang kaniyang magulang ng walang kalaban-laban. Ngunit bago pumanaw ang kaniyang ama naihabilin nito ang lahat ng mga kaalaman at kagamitan na ng ama sa kaniya. Ngunit dahil sa bata pa at hindi...