Naka pang beach ang ang suot ni Tekla bagay na hindi kinatuwa ni Efren.
“Bakit ganiyan ang suot mo Tikboy? Hindi tayo narito para maligo, kun'di para magsanay! Isuot mong muli ang pantalon mo!”
“Bakit naman po kasi dito pa sa talon daddy Efren eh malamang swimming talaga gagawin—”
“Tumahimik ka!”
Bahagyang natawa na lang si Pulgoso sa kanilang dalawa, subalit sa puntong iyon ay kinakabahan na rin siya, tanging sa eskwelahan lang kasi siya natutong lumaban dahil ang kaniyang amang si Delfin ay mga kaalaman lamang pangontra sa mga elemento at pangprotekta sa sarili ang itinuro sa kaniya.
Medyo malawak ang talon na iyon, sa paligid naman ay mayayabong ang mga ligaw na damo at mga puno. Malamig, presko at maraming mga malalaking bato sa paligid na maari nilang pagpahingahan.
Dahil inakala ni Tekla na maliligo lang sila doon ay nagdala ito ng maraming pagkain at inumin.“Teka kuya, bakit ang dami mo namang dala? Hindi naman tayo magpi-picnic dito, magsasanay raw sabi ni tatay Efren.”
“Eh di kapag nagutom tayo kainin natin.“
Naputol ang pag-uusap nilang dalawa ng tawagin na sila ni Efren. Inutusan silang dalawa na umakyat sa taas ng talon at pagkatapos at lumundag pababa.
“Po?!” sabay na wika ng dalawa.
“Pero tay Efren hindi po ako marunong lumangoy!” saad ni Pulgoso.
“Daddy Efren naman, naliligo ako sa dagat, ilog at ilan pang anyong tubig pero tabo lang po gamit ko, alam kong serena ako pero lang po ang nalulunod sa lahi namin! Dios ko! Sa pamilyang ito talaga mapapaaga ang buhay ko!”
“Wala akong pakealam, sundin niyo na lang ang sinasabi ko!” biglang nag-anyong aswang si Efren kaya't dali-dali na umakyat na ang dalawa, nanginginig at kinakabahan pa silang umakyat dahil nga matarik at madulas ang daan.
Nauna si Tekla kay Pulgoso, nasa likuran lang din naman ang bata ng biglang naalis ang batong inaapakan ni Pulgoso kaya't napahawak ito sa short ni Tekla dahilan para bumaba ito at lumantad ang kulay pink na bikini na suot niya, napasigaw at napatingin si Tekla kay Efren. Napailing na lang ang matanda at napahawak sa kaniyang ulo.
“Hoy Pulgoso dahan-dahan ka naman! Nahuhubaran na ako uy!”
Buti na lang at nakahawak sa isang matibay na damo si Pulgoso kaya't hindi rin ito tuluyang nahulog.
“Mas matibay pa ang damu kaysa short mo kuya!” ani ni Pulgoso.
Kahit mahirap ay parehas na nakarating sa taas ang dalawa.
“Kuya Tikboy, paano ‘yan, ‘di ako marunong lumangoy,” saad ni Pulgoso kay Tekla.
“Well, it's a tie, may grand meet up na tayo kay Lord nito.”
Sabay na tumalon sina Tekla at Pulgoso, nakatingin lamang na tila hindi nag-aalala si Efren sa mga ito, panay galaw ang dalawa dahil sa parehas na hindi marunong lumangoy hanggang sa kalabitin na sila ni Caleb.
“Sa sobrang kulit niyong dalawa umabot na kayo rito sa mababaw na parte, hanggang beywang na lang oh,” natatawang wika ni Caleb.
“Paano ka nakarating agad dito kuya?” tanong ni Pulgoso.
“Kasali rin ako rito sa pagsasanay, nahuli lang ng kaunti.”
***
Matapos no'n ay pinahanay naman sila ni Efren, ipinaliwanag sa kanila ang kung bakit iyon ang una nilang pagsubok. May mga bagay na hindi minsan kayang gawin dahil walang karanasan paukol dito o di kaya naman ay mayroong pag-aalinlangan, subalit nagagawa kapag may dahilan at kinakailangang gawin.
“Pinahanga niyo akong dalawa, nagawa niyo ang isang bagay na hindi niy alam na kaya niyo pa lang gawin, tara yan na muna sa ngayon at nagugutom na ako.” Nag aya ng umuwi si Efren matapos no'n
“Nagawa? Hindi ba puweden ayaw pa talaga sa’tin ni Lord maya buhay pa tayo?” saad naman ni Tekla na mangingiyak pa rin sa takot dahil sa nangyari sa kanila.
****
Samantala, sa kanilang bahay naman ay abala sa pagluluto at paghahanda si Doming para sa kanilang hapunan, nagiging magaan na kasi sa kaniya ang lahat mula ng may mga kasama na sila na silang mag-ama sa bahay.
Pagkarating nila Tekla ay saktong naghahain na rin si Doming, sina Caleb naman at Efren ay sa kanilang kubo na kakain at naroon na rin ang pagkain nila, mga hayop na alaga ni Doming ang laging pagkain nila, ayaw kasi nila ng amoy ng mga pampalasa nila Doming.
“Oh, kumusta pagsasanay niyo kay Efren?” tanong ni Doming kina Pulgoso at Tekla.
“Muntik na kaming mag bonding ni San Pedro tay, pinatalon ba naman kami sa talon eh wala nga kaming swimming lesson ni Pulgoso, paglalaba nga lang alam ko sa ilog eh,” pagrereklamo ni Tekla.
“Pero may natutunan po ako mula roon tay Doming. Hindi mo masasabing di mo kaya kapag hindi mo pa talaga nasubukan, medyo delikado nga lang yong kanina pero nagtiwala lang po ako,” dugtong naman ni Pulgoso.
Natuwa naman si Doming sa narinig niya mula sa pamangkin. Habang kumakain sila ay bigla na lang may narinig silang pagtawag mula sa labas.
“Tikboy! Mang Doming!”
Napatingin silang mag-anak sa labas. Nakita nilang si Bonjing ito, kasama ang isang matandang intsik.
“Ano ang atin Bonjing at sino ‘yang kasama mo? Umayos ka ng pagsasalita ah at bali-baliktad ka pa naman magsabi!” wika ni mang Doming.
“Inengkanto po niya asawa niya, este, mukha siyang engkanto! Ay mali, kinuha siyang engkanto!”
Nagalit na si mang Doming kay Bonjing, kaya't binatukan na niya ito.
“Tumahimik ka na lang at sasamain ka na talaga sa'kin Bonjing!”
Nilapitan ni mang Doming ang kasamang matandang intsek ni Bonjing at tinanong ito kung ano ang kaniyang kailangan.
“Ako amo Bonjing bodega sa bayan, ako problema aking asawa, ako hindi na niya mahal, lagi niya banggit Julio pangalan tapos, dami tumutubo kaniya katawan at lagi siyang tulala,“ saad ng itsek.
“Ay bongga ng itsik magsalita, parang nag error na Google,” sabat naman ni Tekla.
“Oh siya, pupuntahan namin ang anak mo Mr? Ano nga po ulit pangalan niyo?” tanong ni mang Doming.
“Mr. Lim na lang, ‘yan tawag mga tao sa'kin.”
“Ah, Mr. Lim, kakain muna po kami ah, hindi pa kami tapos maghapunan, puwede rin po kayo makikain, 250 per serving lang po,” ani ni Tekla kaya't binatukan siya ni mang Doming.
“Tay naman, lahat nga sa kanila negosyo eh, charosh lang tay, just kidding...”
“Tay Doming, sasama po ako ahz dalhin po natin yong isang mutya ni tatay, yong mutya ng mga engkanto, baka kasi na-engkanto ang asawa niya at mabisa po yong pangontra sa mga itim na engkanto sabi ng tatay.”
Pumayag naman si Doming, pagkatapos nilang maghapunan at naghanda na silang tatlo nina Tekla para puntahan ang asawa ng itsik.
BINABASA MO ANG
PULGOSO: ANG BATANG ANTINGERO
HororNasaksihan ni pulgoso kung paano paslangin ng mga aswang ang kaniyang magulang ng walang kalaban-laban. Ngunit bago pumanaw ang kaniyang ama naihabilin nito ang lahat ng mga kaalaman at kagamitan na ng ama sa kaniya. Ngunit dahil sa bata pa at hindi...