KABANATA-4

56 3 0
                                    

Kinabukasan, kasama si Tikboy ay dinala ni mang Doming si Pulgoso sa likod ng kanilang bahay kung saan may maliit na lumang kubo di kalayuan sa kubo nila Efren at Caleb.

"Wait, ano po ba gagawin natin dito tay?" tanong ni Tikboy.

"Tulungan mo si Pulgoso sa ilabas yong mga dinala namin nila Caleb na mga butas na drum na hiningi ko sa bayan."

"Ano pong gagawin niyo sa mga 'yon tiyo?" dagdag na tanong ni Pulgoso.

Ngumiti lang si Doming sa dalaw. Nilabas nila Pulgoso at Tekla ang mga sirang drum, pinahati ito ni mang Doming kay Tekla.

"Tay, para saan ba to? Akala ko ba training day ni Pulgoso ngayon? Bakit hard labour day ko pa yata nangyari!" reklamo ni Tekla.

"Magtigil ka Tikboy, hindi nga umaangal si Pulgoso na pinaghakot ko ng lupa eh, tingnan mo," ani ni mang Doming sabay turo kay Pulgoso na hirap na hirap hilahin ang sako ng lupa na pinala nito sa gilid ng bahay nila.

"Hindi nga nagre-reklamo, pero halos mapigtas na ugat kakahila ng sako, tay ah child labor yarn," ani ni Tekla kay Doming.

"Eh di tulungan mo, dali na bago ikaw hatiin ko riyan gaya ng drum na hawak mo, sampu pa gagawin mo pero sa isa wala ka pa sa kalahati ang nahihiwa mo!"

"Tay, wala pong manananggal na beke!" ani ni Tikboy at tinulungan na si Pulgoso, para maging madali at nilagay nila ang nahakot na lupa sa isang maliit na kariton, nilagay nila ang mga ito sa mga hinelera na putol na mga drum ni mang Doming at pagkatapos ay pinunlaan ang mga ito ni Doming ng mga gulay at ilang bulaklak at halamang gamot. Halos buong maghapon rin ang naging trabaho nila, at sa gawaing 'yon kahit na kita na ang pagod sa mukha ni Pulgoso ay nakikita ni Doming na natutuwa ang bata sa ginagawa nila habang si Tekla panay punas sa kaniyang pawis at paypay sa sarili.

"Tay ah, akala ko ba training? Bakit naging gardening?" ani ni Tekla.

"Ang saya nga po kuya eh, naalala ko ganito rin kami ni itay kapag hindi niya ako pinaglalaro, ganito ginagawa namin. Mga gulay at halamang gamot tinatanim ni tatay sa mga lumang container at si nanay naman ay mga bulaklak," nakangiti si Pulgoso habang nagku-kuwento ngunit napalitan din agad ng lungkot ng maalalang wala na ang mga magulang niya.

"Kaso, di na namin magagawa 'yon," dugtong niya.

Nalungkot naman ang mag-amang Tikboy at Doming para kay Pulgoso.

"Ay naku, 'wag ka ng ma-sad, susunod ka rin, este welcome ka naman dito sa'min, may ate ka dito which is me, kuya na si baby Caleb, daddy Efren and lolo Doming." Binatukan ni mang Doming si Tekla sa sinabi nito.

"Hinuli mo pa talaga ako para maging lolo, eh halos ka edad ko lang si Efren at Delfin eh," ani ni Doming.

"Sige nga tay ilang years?"

Napa-isip si Doming sa tanong ni Tikboy.

"Sampu lang naman, Oh siya, tama na muna yan. Maghanda kayo Tikboy at Pulgoso, pupunta tayo kina Berto mamayang gabi," ani ni Doming. Biglang naalala ni Pulgoso na may usapan nga pala sila ng mga kalaro niya.

"Lagot, wala pa akong gawa, paano kaya to?" bulong ni Pulgoso sa sarili.

****

(Sa bahay nila Berto)

¨Ilang buwan na ba tong tiyan mo hija?"tanong ni Doming.

"Nasa pito na po.¨

Nilibot ni Doming ang paningin sa kabuuan ng bahay nila Berto at napansin niyang maraming butang at siwang ito at napansin din iyon ni Tekla.

"Ano ba namang bahay to mang Berto, sobrang welcome naman ang mambuboso rito at tiktik, parang mukha niyo, ang daming pores!¨

Napakamot naman ng ulo si Berto dahil totoo nga namang hindi maayos ang pagkakagawa ng bahay niya.

"Kaya nga Tikboy eh, wala pa kasing pera sa ngayon para ayusin to, loko kasi yong gumawa nito eh, si Dodie.¨

"Ay, kaya naman pala, salubong paningin no'n eh, ang galing mong kumuha ng karpintero duling pa talaga," napapailing na wika ni mang Doming, at napakamot na lang din ng ulo s Berto.

Ilang linggo nang binabalik-balikan ng mga aswang ang bahay nila Berto, lagi ring napapansin ng manugang nitong buntis na si Sonya ang mga kahina-hinalang tao na panay ang daan sa kanila at kumakatok ng hindi sinasabi kung ano ang mga pakay kaya't nabahala na si Berto at ang kaniyang anak sa kaligtasan nila lalo na sa manugang ni Berto na nagdadalang tao. Sumapit ang alas diyes, umaalulong na ang mga aso ng mga kapitbahay at kumukulo na ang langis na dala ni Doming.

"Nandiyan na sila," ani ni Tekla na ikinabahala nila Berto.

"Nandiyan sina kuya Caleb at tay Efren," sabat naman ni Pulgoso.

Alam nila Caleb na may haharaping elemento sila Doming kaya't nando'n sila Caleb bilang kaalalay. Naramdaman ni Doming na may pumapaligid na sa labas ng bahay at naramdaman din iyon nina Tekla at Pulgoso.

"HIndi sina kuya Caleb ang nararamdaman kong awra tiyo, iba po sila."

"Sila? Ibig sabihin marami?! Mahabaging langit!" natatakot na turan ni Berto.

Nag-umpisa ng makarinig ng kalabog sa labas ng bahay sina Doming, at 'yon ay sina Caleb at Efren, na nakipagsaupaan sa mga aswang. Liban doon at naririnig nila na tila may naglalakad sa bubong ng bahay at kumaluskos kasabay ng tila pagaspas ng malaking ibon.

"Miguel, itay natatakot na po ako," saad ni Sonya, ang manugang ni Berto.

Naalala ni Pulgoso na suot niya pala ang trabungko ng ahas ng kaniyang ama, hinawakan niya ito at nagdasal, kahit wala pa siyang alam na mga orasyon pararito ay tila ba nakikisukob sa kaniya ang naturang mutya at alam ang nais niyang gawin at mangyari. Kinuha ni pulgoso ang buntot ng pagi na dala ng tiyo Doming niya ng 'di nito namamalayan. Matapang na pumanaog ng bahay si Pulgoso para makipaglaban kasama nila Caleb at Efren.

Samantala, habang nasa labanan sina Caleb, ay nanghiram ng damit ni Sonya si Tikboy.

"Ano ba 'yan Tikboy, sinusugod na tayo ng mga aswang, naisipan mo pang mag-change outfit? Damit pa talaga ni Sonya nakursunadahan mo!" galit na wika ni Doming ngunit ngumiti lang ng nakakaloko si Tikboy.

"Anong ako, maternity dress ang inarbor ko kaya dapat mukhang buntis ang magsusuot nito," saad ni Tekla sabay tingin sa bilugang tiyan ng tatay niyang si Doming.

PULGOSO: ANG BATANG ANTINGERO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon