Nagtaka sina Caleb at Efren sa kung sino ang mga panauhing kasama nila Doming.
“Kaibigan, sino sila?” tanong ni Efren.
“Ah, Tikboy at Caleb, tulungan niyo muna sina Mr. Lim at mag-uusap lang kami ni Efren.”
Dinala ni Caleb si Gina sa loob na noon ay nakatulala lamang habang nakaupo sa kaniyang wheel chair, at sina Tekla naman at Pulgoso kasama ni Mr. Lim ang nagbaba ng ilang mga gamit mula sa sasakyan.
Pumunta sina Doming sa Kubo nila Efren para doon masinsinan na mag-usap.
“Bakit dito natin kailangang mag-usap Doming, may problema ba?” tanong ni Efren.
“Kinukuha ng isang itim na maharlikang engkanto ang asawa ni Mr. Lim, kailangan namin ng tulong ng kapatid mong si Sinag kaibigan. ”
Nakaramdam ng pagka-alarma si Efren, batid niya rin kasi kung gaano kalakas ang mga itim na engkanto. Wala agad na sinayang na oras sina Efren, sila na muna ni Doming ang nagpunta sa gubat na dati na nilang pinuntahan kung saan din nakatira si Sinag.
Gaya ng dati, mayroon muling pagsubok bago nila makaharap si Sinag, at muli ay nakaharap nila malaking itim na Tikbalang na laging humaharang sa kanila.
“Hindi kami narito para makipaglaban, narito kami para humingi ng tulong sa inyong reyna, ang aking kapatid na si Sinag,”wika ni Efren sa Tikbalang.
“Hindi niyo maaring makausap ang aming reyna ng hindi dumadaan sa'kin!”
Susugod na sana ang Tikbalang kina Efren ng biglang may pumigil dito.
“Tumigil ka, paraanin mo aking kapatid.”
Napahinto ang Tikbalang ng magsalita si Sinag.
“Bakit kayo nandito Efren? May maitutulong ba akong muli?”
Napatingin naman si Efren kay Doming bago muling humarap sa kapatid na si Sinag.
“Si Doming na lamang ang magsasabi, nandito lang naman ako para samahan siya.”
Kinuwento ni Doming ang lahat kay Sinag, umaasa si Doming na matutulungan siya nito para kaharapin kung sakaling magkaroon ng isang labanan.
“Patawad Doming, ngunit ang magagawa ko lamang ay basbasan ang mga mutyang mayroon kayo, hindi kami maaring pumagitnang mga puting engkanto, isang malaking digmaan kapag pumagitna kami.”
Nalungkot si Doming, hindi niya maaring ipilit kung hindi talaga maaari, kaya't isang bagay na lang ang kaniyang pinakiusap. Humingi na lang din siya ng tulong kung paano nila makakaharap ang engkantong gumagambala sa asawa ni Mr. Lim.
Binigyan siya ni Sinag ng gintong pantali. Kailangang ikabit niya iyon sa parte ng katawan ng taong ginagambala at ikonekta sa haharap sa nilalang, ng sa ganon ay parehas silang mag-abot sa panaginip kung saan ay kinokontrol ng engkanto si Gina.
“Bumalik kayo rito Doming, kasama ng mga mutyang gagamitin ninyo, kung mayroon kayong galing sa'ming mga engkanto ay mas maigi, maiging panlaban iyon sa mga itim na engkanto,” paalala ni Sinag.
Naalala ni Doming ang sinabi ni Pulgoso na may mutya na galing sa mga engkanto ang kaniyang ama kaya't kinausap niya si Pulgoso na kukunin niya ito pansamantala para mabasbasan. At matapos nga na madala nila iyon kay Sinag at makabalik muli sa kanilang tahanan ay muling nagsagawa ng dasal at orasyon si Doming, para kaharapin ang itim na engkanto.
“Tikboy, Pulgoso, kayong dalawa ang haharap sa engkanto,” kailangan kong magsagawa ng orasyon para parehas kayong protektahan gayundin si Gina.
Suotin niyo ang mutya ng iyong ama Pulgoso, ang mutya ng mga engkanto, at ang pangil ng kidlat naman sa'yo Tikboy. Parehas niyo namang alam gamitin yan, hindi ba?”“Opo,” sabay na wika ng dalawa.
***
Pinahiga sila ni Doming, habang ang mga insenso naman ay nakapalibot na sa kanila, pinakiusapan din ni Doming si Mr. Lim na kung maaari ay sa labas na muna ito para magawa nila ng maayos ang kanilang gagawin. Pagkalabas ng kuwarto ni Mr. Lim ay pinahiga ni mang Doming si Pulgoso at Tekla sa magkabilang gilid ni Gina at itinali ang kanilang kamay sa kamay ni Gina.Matapos no'n, ay gumawa ng panibagong insenso si mang Doming at ito ay para makatulog sina Tekla at Pulgoso. Matapos mailibot ang insenso at makapag-usal ng dasal at orasyon ay unti-unting bumibigat ang mga talukap nilang dalawa hanggang sa makatulog na sila. Patuloy lang din si mang Doming sa pag-uusal ng proteksyon para sa dalawa.
Ilang sandali pa ay nagising na lamang sa isang magandang lugar sina Tekla at Pulgoso.
“Teka, nandito na ba tayo? Ang bongga naman dito, parang venue ng dream wedding ko, parang garden of Eden eh,” ani ni Tekla na manghang-mangha sa paligid.
“Kuya, hanapin na natin si ma'am Gina, pinatulog lang tayo ni tay Doming, kapag hindi tayo nagising, todas na rin tayo!”
“Ay, oo nga pala.”
Inumpisahan nilang hanapin si Gina, at hindi pa man sila nakakalayo ay may nakita silang dalawang magkapareha, isang babae at isang lalaki, ngunit ang lalaki ay kulay itim na may mapupulang mata, at ang babaeng kaharap nito ay humaling na humaling sa kaniya.
“Teka kuya, ‘di ba si ma'am Gina ‘yon? Parang hindi siya natatakot sa lalaking kaharap niya ah,” saad ni Pulgoso.
“Haller? Na-engkanto nga ‘di ba? Kapag na usalan natin ng dasal ‘yang chakang engkantoism na ‘yan sa sabulag na ginawa niya kay mareng Gina, matatakot na ‘yan.”
Hinila ni Tekla si Pulgoso palapit sa kinaroroonan nila Gina.
“Teka kuya saan tayo?”
“Mag sho-shopping, aba’y malamang lalapitan sila para iligtas si mareng Gina, ano ka ba Pulgoso?!”
Napakamot na lang ng ulo si Pulgoso at sumunod na kay Tekla, ngunit habang naglalakad sila ay palihim na umuusal na ng natutunang orasyon at pangontra si Pulgoso, umusal din siya ng sabulag para tanging ang engkanto lamang ang hindi makakakita sa kaniya.
“Mareng Gina! Ako ito, si Tekla! Ay di pa pala tayo magkakilala.”
Napayakap si Gina sa lalaking kasama niya.
“Kilala mo ba siya Gina?” tanong ng nilalang, na sa paningin ni Gina ay pangkaraniwang tao lang ngunit hindi pala.
“Hindi Julio, hindi ko siya kilala.”
Lumapit pa ng bahagya si Tekla kaya't pinatabi na muna ng engkantong si Julio si Gina.
“Paano kayong nakapunta rito? Hindi niyo makukuha si Gina sa'kin, pagmamay-ari ko na siya!”
“Hoy, hoy, hoy! Anong akala mo kay mareng Gina, property?! Kukunin namin siya sa’yo with or without permission!” saad ni Tekla.
Nagalit ang engkanto kay Tekla kaya't ginamitan niya ito ng kapangyarihang mayroon siya. Itinaas niya ang kaniyang kamay at ikinumpas. Bahagyang lumutang si Tekla at biglang tumilapon ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/373912581-288-k57869.jpg)
BINABASA MO ANG
PULGOSO: ANG BATANG ANTINGERO
HorrorNasaksihan ni pulgoso kung paano paslangin ng mga aswang ang kaniyang magulang ng walang kalaban-laban. Ngunit bago pumanaw ang kaniyang ama naihabilin nito pa ang lahat ng mga kaalaman at kagamitan nito sa kaniya. Ngunit dahil sa bata pa at wala pa...