KABANATA -16

14 1 0
                                    

Sinipa ng lalaki si Pulgoso dahilan para tumilapon siya. Namilipit sa sakit ang bata sa di inaasahang pag-atake na na yon.

"Kita mo na? Tumilapon ka agad, masiyado ka kasing nakikialam, umuwi ka na sa nanay mo, kung ayaw mong hindi ka na sikatan ng araw," saad ng lalaki.

"Sakit no'n ah! Nakiusap lang naman ako sa'yo, masiyado ka namang bayolente!" tugon naman ni Pulgoso, nakatingin lang ang lalaki sa kaniya at tumawa ng nakakaloko. Palihim na umusal ng orasyon si Pulgoso para mapahina ang depensa ng lalaking kaharap niya, sinamo niya rin ang dalawang mutyang dala niya na noon ay nasa ilalim lang ng kaniyang damit at nakabalot sa pulang tela. Inalis niya ang nakabalot sa mga ito habang umuusal ng mga orasyon pangontra sa kalabang kaharap niya. Nararamdaman na niyang lumalakas ang kaniyang awra at presensiya, dahila para maalis ang ngiti sa mukha ng lalaking kaharap niya.

"Imposible, sa kaniya ba nanggagaling yong malakas na awra na nararamdaman ko?!" bulong ng lalaki sa kaniyang sarili.

"Kahit mas malaki ka sa'kin, mas mabilis pa rin ako sa'yo!" saad ni Pulgoso at sinugod ang lalaki. Sinalubong naman siya nito nang pagsalag ng sipain niya ito. Nagpalitan sila ng suntok at sipa, kahit nararamdaman ni Pulgoso ang sakit sa bawat pagtama ng atake ng kalaban sa kaniya at hindi niya ito iniinda, iniisip niya na matatalo niya ito at hindi hadlang ang kaniyang sukat para mangyari to.

Huminto silang pareho na humahangos at titig na titig sa isa't isa.

"Sabihin mo, bakit mo nagawa 'yon sa babaeng may kaarawan?!" tanong ni Pulgoso.

Napahalakhak ang lalaki ng bahagya bago muling humarap kay Pulgoso at sumagot.

"Masiyado siyang maarte, ang tagal ko ng nanliligaw sa kaniya pero di niya ako sinagot. Matagal kong pinag-aralan ang ginawa ko sa kaniya, gusto kong mawala siyang nababaliw sa'kin kaysa mapunta siya sa iba! Ngayon naiintindihan mo na ba?! Bata!"

"Yes gets namin, pero ikaw di mo gets na di ka bet!" biglang singit ni Tekla.

"At sino ka naman?! Napakalaki ng katawan mo pero ang suot mo parang babae sa kabaret na hindi nabenta!"

Nagalit si Tekla sa sinabi ng lalaki, samantalang natawa naman dito si Pulgoso.

"Aba! Ang antipateko nito ah. kaya ka di rin nagustuhan ni ate eh! Wala kang emotional intelligence!”

Nagalit ang lalaki at sa puntong iyon ay bigla itong nagpalit ng anyo. Parehas na nagulat sina Tekla at Pulgoso ng malamang aswang pala ito. Masiyadong malakas ang orasyong ginawa nito para matago ang pagiging aswang niya.

“Ngayon, mas mauuna kayo sa babaeng ‘yon!”

Sumugod ang lalaki sa kanila na ngayon ay nasa anyong aswang na.

“Naloko na, hindi ko nadala ang tirador ko!” saad ni Pulgoso. Sa halip na salubungin ang pagsalakay ay tumakbo siya at dali-daling umakyat sa unang puno na nakita niya.

“Hoy, Pulgoso akala ko ba atapang na bata ka? Daig mo pa si Tarzan sa bilis mong umakyat ng puno ah!” saad ni Tekla. Lumingon sa kaniya ang nilalang at tumakbo ito papunta sa kaniya. Napatili si Tekla at tumakbo rin kagaya ni Pulgoso, ngunit kalaunan ay huminto ito.

“Teka, ba’t ba kami tumatakbo, eh mga apprentice kami ni tay Doming.”

Dali-daling hinubad ni Tekla ang kaniyang takong, at umusal ng tigalpo para mapahinto sandali ang aswang na humahabol sa kaniya.  Hinubad ni Tekla ang suot niyang takong at buong lakas itong ibinato sa nilalang, saktong tumama ito sa mukha ng kalaban kaya't napaangil ito at mas lalong nagalit.

"Lagot ka kuya, mas lalong nagalit sa ginawa mo!" wika ni Pulgoso.

"Eh kung bumaba ka kaya riyan at tulungan akong harapin to, pang aso ang pangalan mo pero parang unggoy na nakasabit diyan sa puno!"

Kahit na parang nag-aalangan gawa ng wala ngang sapat na sandata ay bumaba na si Pulgoso at humarap sa kalaban kasama si Tekla. Sabay nila itong sinugod at sumalubong din ang nilalang sa kanila, at ng makalapit na silang dalawa ay hinila ni Tekla ang buhok ng nilalang at sinabunutan ito, samantalang si Pulgoso naman dahil mas magaan ang kaniyang katawan dahil sa mas malaki ang kalaban ay sumakay ito sa likod nitoat kinagat ang tainga ng aswang. Napaangil ng malakas at nilalang dahilan para bahagyang mapatigil si Tekla at tumingin kay Pulgoso.

"Kaloka kang bata ka! Nag ala Mike Tyson ka, nangangagat ng tainga!"

Winasiwas ng nilalang si Pugoso na noon ay nasa kaniyang likuran, kumapit ng mahigpit ang bata ngunit kalaunan ay tumilapon din ito. Naiwan si Tekla na nakikipagsabunutan pa rin sa nilalang, napailing na lang si Pulgoso habang pinagmamasdan ito.

"Ngayon lang talaga ako nakakita ng antingero na nakikipagsabunutan sa aswang, pasaway talaga to si kuya Tikboy," saad ni Pulgoso at napatingin sa bagay na nahawakan niya, isang pilak na punyal na walang hawakan na parang tinapon na. Hinubad ni Pulgoso ang suot niyang damit at pinaikot ito sa kaniyang kamay paikot sa punyal para di siya masugatan kapag ginamit na niya ito bilang sandata.

"Hoy! Aswang na nabasted dahil pangit! Dito ka humarap, tingnan natin yang bangis mo!" saad ni Pulgoso at tumakbo papunta sa nilalang. Babalingan na sana ng aswang si Pulgoso ngunit muli biglang hinila ni Tekla ang buhok niya pabalik.

"At saan ka pupunta?! Hindi pa tayo tapos kaya sa'kin ka muna mag focus!" umaangil sa galit ang nilalang at akmang kakalmutin ni Tekla ngunit nakailag ito, at ng nasa malapit naman na si Pulgoso at tumalon ito at itinarak ang hawak na Punyal sa leeg ng nilalang sabay usal ng orasyon bilang pangontra. Sinamo ni Pulgoso ang tangan niyang mutya at tinanggal ito mula sa kaniyang leeg at inilagay sa hawak niyang punyal at muli ibinaon ito sa leeg ng kalaban. Napaluhod ang nilalang at umalis mula sa pagkakasakay sa likuran nito si Pulgoso. Unti-unting nagliyab ang katawan nito hanggang sa tuluyan na itong maging abo at mawala sa hangin. Pumalakpak si Tekla sa nagawa ng pinsan niya.

"Naks ah, ang galing naman ng insan ko na yan!" puri ni Tekla rito.

"Eh paano, sinabunutan mo 'yong aswang, ikaw lang yata nakita kong antingero na sa halip makipagbugbugan sa aswang, nakipagsabunutan. Magagalit malamang si tatay Doming kapag nakita ka no'n," ani ni Pulgoso.

"Talagang magagalit! Lokong bata ka, nakapantalon ka nang umalis, tapos ngayon nakapalda ka ng parang isang dangkal lang ang sukat?!" galit na wika ni mang Doming na sinundan pala sila.

PULGOSO: ANG BATANG ANTINGERO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon