Nanginginig na sa takot si Sonya habang panay ang tingin sa kanilang bubong, tila may naglalakad kasi rito dahil nayuyupi ang yero sa bawat galaw ng kung anuman ang nasa taas nito.
Ilang sandali pa ay nakarinig na ng mga pag-angil at kalabog sina Doming mula labas, tila sagupaan ng mga malalaking aso dahil sa mga pag-angil na kanilang naririnig.
"Tikboy, lumabas ka at tulungan mo sina Caleb-"
"Ako na po tutulong kina kuya Caleb tiyo," sabat ni Pulgoso sabay labas ng bahay, pipigilan pa sana siya ni Doming ngunit nakalabas na ito.
Dinig na dinig ang mga kalabog at pag-angil sa labas ng bahay nila Berto, samantalang si Pulgoso naman ay kinuha ang tirador na nakasuksok sa kaniyang bulsa at ilang piraso ng pinatuyong bawang.
"Buti na lang nag review ako ng mga hinabiling libreta ni tatay at nalaman ko ang orasyon para palakasin ang simpleng sandata," ani ni Pulgoso at inusalan ng dasal ang tirador at bawang na dala niya, ipinukol niya ito sa aswang na papunta sana sa kinaroroonan niya, at sa sintido din ng isang aswang na sinasagupa ni Caleb na noon ay sumasakal dito, natumba ang nilalang at napalingon si Caleb sa kinaroroonan ni Pulgoso.
"Salamat Pulgoso." Ngumiti lang si Pulgoso at sinenyasan si Caleb na mayroon pang isa sa likuran niya, agad itong nilusob ni caleb at sinakmal. Aswang laban sa aswang ang naging ganap ng mga sandaling iyon. Samantalang si Tikboy naman, sinusukat ang daster ni Sonya sa tatay niyang si Doming.
"At bakit panay ang sukat mo sa daster ni Sonya sa'kin ah, Tikboy?! Hindi ako nagsusuot ng ganiyan!" Ngunit ilang sandali pa nga ay suot na ni Doming ang damit si Sonya.
Pigil ang pagtawa nilang lahat at kahit naiinis ay ginawa na lang ito ni Doming ng naaayon sa plano ng anak.
"Kapag ito pumalya Tikboy, maghanap ka na ng ibang bahay at tatay!" mariing wika ni Doming.
Pinatapat ni Tekla si Doming sa higaan ni Sonya, ng mga sandaling yon, may ipinahid din si Tekla sa tiyan ng tatay niya na kapag naamoy ng aswang ay aakalain niyang amoy ng babaeng buntis. Si Sonya naman ay pinagsuot nila ng mga pangontra pala 'di agad na ito malapitan o maamoy ng mga aswang, sakto namang dumungaw ang isang tiktik sa bubungan nila Berto, sa unang silip ay si Sonya pa ang nakita nito ngunit ng ilabas na niya paunti-unti ang kaniyang dila ay wala itong kaalam-alam na inaabangan na pala ito ni Tekla at si mang Doming na ang nasa tapat ng nito.
Mga tatlong dangkal na lang ang lapit ng dila ng nilalang nang bigla itong hatakin ni Tekla at inipit ng nail cutter ang dila ng tiktik.
"Ang landi mong aswang ka, sinu-sino na lang dinidilaan mo ah, itong bagay sa'yo! Nail cutter na pinanggupit ko pa sa kuko ng tatay kong may alipunga! Ewan ko na lang kung di ka pa matetano rito!" saad ni Tekla.
Agad naman kinuha ni mang Doming ang itak na nasa tabi niya at pinutol niya ang nila ng aswang, umangil ito ng malakas at kumalabog din ang bubungan ng bahay, napasigaw sa takot si Sonya dahil dito.
"Mahal, kumalma ka, masama sa anak natin kapag nanerbyos ka," nag-aalalang turan ni Miguel sa asawang si Sonya.
"Ay wow, mas kalmado pa nga si Sonya sa'yo eh. Kanino bang tuhod ang nanginginig, ha Miguel?" saad ni Tekla kay Miguel habang nakataas ang kilay na nakatingin sa mga binti Miguel na literal nang nanginginig dahil sa takot. Lumabas na rin noon si Tekla, natuwa pa si mang Doming dahil tutulong na ito kina Caleb.
"Maigi Tikboy, tulungan mong makipaglaban sina Caleb at Efren sa labas."
"Anong makikipaglaban? Nasa labas ang banyo nila, kanina pa ako naiihi tay!"
Napakuskos ng mukha si mang Doming dahil sa inis, ngunit bago paman makababa si Tikboy ay nagkasalubong sila ni Pulgoso dahil hinahabol ito ng aswang, nakalusot si Pulgoso sa gilid ni Tikboy at dahil malapit na ang nilalang ay agad nasipa ito ni Tekla ngunit sa kasamaang palad ay nawalan siya ng balanse kaya't nahulog siya sa hagdan, at hindi ito namalayan ni Pulgoso.
Deretsong kinuha lang ng bata ang itak na nasa kamay ni Doming na ikinagulat naman ng matanda. Inihaplos ni Pulgoso ang mutya ng ahas na nakuha niya sa baul ng kaniyang ama sa itak na hawak niya at nag-usal ng dasal, matapos no'n ay sinugod niya ang natitirang aswang, ng mga sandali ding iyon ay may manananggal na natanaw si Pulgoso, ngunit tinaga muna niua ang natitirang kalaban.
Namangha sina Caleb at Efren sa gilas na ipinamalas ni Pulgoso.
"Mahusay hijo, saan ka natutong makipaglaban?" magiliw na tanong ni Efren.
"Sa eskwelahan po, may mga ka eskwela kasi ako na parang ginawa ng meryenda ang pakikipag-away, aba'y hindi naman siyempre ako papatalo." Napangiti si Efren sa tuwa kay Pulgoso. Samantala, sumisigaw naman si Tekla na parang kulob ang boses nito at nakatago.
Hinanap nila ito at nakita nila itong nakataob sa isang malaking balde na nasa gilid ng hagdanan nila Sonya.
Mabilis na nilapitan ito nila Caleb dahil tila hirap itong iahon ang kaniyang sarili. Sumilip naman sa may pinto si mang Doming at nakita niyang inaalis nila Caleb si Tekla sa malaking balde.
"Ano ba naman 'yan Tikboy, nasa piligro na nga ang lahat nagawa mo pang mag swimming sa
balde!" galit na wika ni mang Doming.Humahangos si Tekla ng maahon nila Caleb at Efren.
"Tay naman, muntik na nga akong malunod sa isang tabong tubig pagagalitan niyo pa ako, eh tinulak ako ni Pulgoso sa hagdan kaya dumeretso ako sa balde!" ani ni Tekla habang pinupunasan ang sarili.
Samantala, 'di nila namalayan na sinundan pala ni Pulgoso ang manananggal na dumapo sa bubungan nila Sonya.
"Kung ang tiktik lang ang napuruhan ni tay Doming, lagot ka naman sa'kin ngayon babaeng paniki!" ani ni Pulgoso sa sarili dala ang kaniyang tirador, at bilog-bilog na papel na may nakabalot na asin at dinikdik na bawang.
"Pinaghandaan ko ito kaya humanda ka, ako ang magkakaroon ng pinaka-astig na saranggola sa kanila!" dagdag pa ni Pulgoso.
![](https://img.wattpad.com/cover/373912581-288-k57869.jpg)
BINABASA MO ANG
PULGOSO: ANG BATANG ANTINGERO
HorrorNasaksihan ni pulgoso kung paano paslangin ng mga aswang ang kaniyang magulang ng walang kalaban-laban. Ngunit bago pumanaw ang kaniyang ama naihabilin nito pa ang lahat ng mga kaalaman at kagamitan nito sa kaniya. Ngunit dahil sa bata pa at wala pa...