CHAPTER 1: I am his rejected wife

1.8K 85 4
                                    

❦ 1 ❦

Ksenia Reverie Fabroa is my name. 21 years of age and 3rd Year College. I have a daughter na tinago ko sa lahat. Hindi ko rin alam kung sino ang ama ng batang dinadala ko noon. Nakunan ako pero kambal ang nasa sinapupunan ko at ang isa ang nabuhay, habang ang lalaki kong anak na kambal ng babae kong anak ay siyang námatay. Walang nakaka-alam na may anak ako at ang nangyari sa akin, even my husband, wala rin naman itong paki sa akin.

I'm a brat when I was young, pero nagbago ang lahat dahil sa pagkamatay ng pamilya ko at sa Last Will ng Papa ko. Para sa kabayaran ng utang ng pamilya ko ay ang ipakasal ako sa ikatlong anak na lalaki ng Montgomery. Vilkaius Hunter Montgomery. May ibang gusto ito at sa akin inilabas lahat ng galit niya sa pamilya niya at sa pamilya na sinira ng pamilya ko, ang pamilya ng girlfriend niya. What a nice plotwist, ikakamatáy ko ito ng maaga.

“You think you can fool me? Hindi ko alam kong anong pinakain mo sa pamilya ko para maniwala at tanggapin ka. You're just wasting my time. You're just like a slút katulad sa mga babaeng nagpapansin sa akin. Don't assume for something you want us to bear fruit, for my attention dahil sinira mo na ako, sinira mo na lahat sa akin, mga pangarap ko at sa babaeng gusto ko. Kaya wag kang iiyak sa harapan ko, dahil alam mo nung una palang na hindi kita gústo at hinding-hindi ko magugustuhan ang mga taong naging dahilan ng pagkamatay ng pamilya ng babaeng mahal ko." Malamig pa sa yelong wika ng asawa ko at tinalikuran ako habang pinipigilan ko ang luha ko na nakatingin sa likuran niya.

Napaupo ako sa sahig nang hindi ko na nakita ang bulto nito, nanghihina ang mga tuhod ko, naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko at panginginig ng katawan ko.

It's been 2 years na kaming kasal pero mas lalo lang itong lumalayo sa akin. Mas lalo ako nitong sinasaktan, gusto ko lang naman mapalapit sa kanya, oo aaminin ko na kasalanan ko rin ang nangyari sa akin ngayon, nahulog ako rito kahit alam kong hindi ako nito masasalo.

Kung hindi lang sa last will ni Papa hindi ko naman gagawin ito. Ang maikasal sa pangatlong anak na lalaki ng mga Montgomery.

Professor. Vilkaius Hunter Montgomery.

"M-Ma'am kailangan niyo na pong magpahinga may pasok pa po kayo bukas. Baka saktan ka po ulit ni Sir Kaius kapag nakita ka na naman niya rito" Usal ni Manang Ferleta sa akin at hinawakan ako sa braso para tulungan sa pagtayo.

Nagpadala nalang ako, patungo na kami sa kwarto namin ni Hunter pero ako lang din naman ang natutulog doon. Hindi naman ito tumatabi sa akin, minsan hindi ito dito natutulog sa bahay namin, pero kung nandito ito minsan sa guestroom ito.

"Manang, pupuntahan niya na naman si Laura," Mahina at mapait kong wika.

"Wag kang mag-isip ng ganyan Ma'am, ikaw ang asawa niya–"

"Pero hindi ko pagmamay-ari ang puso niya." Ngumiti ako at hinawakan ang braso ni Manang nang nasa harapan na kami ng kwarto namin ni Hunter.

"Ma'am, naawa narin ako sa inyo eh, pwede naman kayong umalis at magpakalayo bakit nanatili kayo sa puder ni Sir" naawa at naiiyak na wika ni Manang Ferleta.

Kulubot na ang mukha ni Manang at ito talaga ang hindi naging harsh sa akin sa bahay na ito. Hindi ko masagot ang wika ni Manang dahil pati ako hindi talaga alam ang dapat gawin at isasagot.

Ayokong madissapoint ang Papa ko na námatay na, ito ang huling pabor niya sa akin.

Hinang-hina akong pumasok sa kwarto at napalabi at napahawak sa dibdib ko. Nalulungkot ako. Namimiss ko na ang anak ko. Pero hinding-hindi ko na makikita pa ito. Hindi ko rin kasi alam kung sino ang bumuntis sa akin nung one time na may party sa bahay ng pinsan ko noon. Kaya tinawag akong disgrasyada...Tapos nawala pa ang isang anak ko sa akin.

The Rejected Wife Of Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon