CHAPTER 9: Boyfriend

561 40 0
                                    

9

ILANG beses kong tinanong si Percieval sa nangyari sa mukha niya ay wala itong sinabi, tumatawa lang ito sabay ngiti ng matamis sa akin, pero alam ko na chinange topic nito palagi ang mga ilang katanungan ko sa nangyari.

Hindi narin ako nagpumilit pa. Kung ayaw niyang sabihin edi ako na ang gagawa ng paraan para malaman kung anong nangyari. Sabi kasi ni Tita na parang nakikisabay lang si Percie sa kotse ni Kaius pero nakita pa ni Tita na may pasa sa labi si Kaius.

Ano ba talagang nangyari? Ayoko ring tanungin si Kaius, alam kong ayaw din nitong sabihin, lalo na at sino ba naman ako. I am just his wife in paper not the person who's into his heart.

Napahawak ako sa pisngi ko habang kaharap ang salamin sa loob ng kwarto ko, mapula parin pero hindi na gaya nung kahapon, ang galos ko naman sa tuhod ay nilinisan ko na kanina, fresh parin.

Napabuntong-hininga ako at kinuha ang concealer at at naglagay sa pisngi kong saan ang pasa ko. Baka magtaka si Manang Ferleta kung saan ko nakuha ang pasa ko. Dahil wala akong magawa ngayon ay maglilinis nalang ako sa kwarto ko. Hindi rin naman ako makakalabas lalo na at iyon ang sinabi ni Kaius kay Manang Ferleta nang umalis ito dahil may pupuntahan itong assembly. Syempre kasama si Laura.

Pababa na ako ng hagdan habang nakashort shorts lang at isang medium maroon na vneck tshirt. Nakapuruntong ang buhok ko dahil iyon na ang nakasanayan ko.

"Good morning Ma'am!"

"Good morning Ms. !"

"Good morning Madam!"

Sabay na usal ng mga kasambahay na nandito sa loob. Ngumiti ako sa kanila dahil ramdam ko talaga na kahit hindi ako welcome ni Kaius dito ay welcome naman ako sa mga tao na nandito. Luck on me.

"Good morning din po, Manang lilinisin ko ang fountain sa likuran ng bahay, may igaganda pa iyon, sadyang hindi lang naalagaan" I said while sipping the juice.

"Eh Ma'am hindi pwede, mariing ipinagbawal ni Sir Kaius na magpunta doon at linisin,"

Nagtaka naman ako. "Bakit naman po? Sayang maganda naman yun ah, nagmumukha kasing hunted ang bahay niya dahil sa likuran"

"Iyon din ang hindi ko alam Ma'am, basta walang dapat magpunta doon dahil may CCTV din kasi, pati nga kami na nandito kinakabahan dahil ipinagbawal nito,"

Natahimik ako at naging mausisa. Isa pa naman akong curious na tao. Sa ilang taon kung pananatili dito ay ngayon ko lang din kasi naisipan na linisin iyon para pampawala bored sa bahay pero ipinagbabawal pala iyon. Anong meron doon?

Nilinis ko nalang ang kwarto ko dahil hindi naman pala pwede, puno na ako ng pawis kaya binuksan ko ang bintana at sakto sa pagbukas ko ay ang saktong likuran kung saan ang fountain at mga patay na dahon, malalagong pa ang mga iyon, sobrang creepy talaga.

Nagpatuloy nalang ako sa paglilinis. Walis doon, mop dito, pahid diyan, tiklop ng mga damit, pinalitan ng bagong punda ang kama at mga unan ko. May itinapon din akong mga papel at mga notebooks na hindi ko na magagamit. Mga ballpen na wala ng tinta, ruler na naputol, mga sticky notes na nasa dingding ay tinanggal ko.

"Hoo!" Napaubo ako pagkatapos kung maiusal iyon dahil sa paglagay ko ng isang cartoon ng box sa labas, may malaking barrel at dito ko susunugin ang mga tinapon ko na hindi ko na kailangan pa. Nasa left side ako ng bahay, bali iyong nasa right side nandoon ang fountain.

Hindi naman nakakapagod pero habol ko ang hininga ko dahil mabigat kasi ang cartoon na dala ko. Tutulungan sana ako ng mga guard pero kaya ko naman, ayokong iasa lahat sa mga tao ang trabaho ko, baka masanay ako at mahirap ng maka-alis.

The Rejected Wife Of Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon