CHAPTER 15: Embrace

631 47 1
                                    

15

MATAPOS kong ibigay ang sukli at binili ni Sir Daemon ay tumalikod na ito at lumabas. Nakatingin lang ako sa pintuan kung saan ito lumabas at napahawak sa leeg ko, pumunta muna ako sa storage room, may malaking salamin doon. Kaya ko napansin ang kung ano sa leeg ko dahil gabi naman na.

Napatakip ako sa bibig nang makita ang isang mapulang parang kagat ng kung sino pero iisang tao lang ang naalala ko ang dumíla at kumagat sa leeg ko kanina, si Kaius.

Kitang-kita ko ang pagpula ng buong mukha ko. Nakakahiya! Pisté ka talaga Kaius Montgomery mana ka sa tatay mo! Inis kong nilagyan ang leeg ko ng band-aid at lumabas sa storage room. Saktong may papasok na mga customer.

Darating maya-maya ang mga kasama ko sa gabi, may nagbabantay na ngayon sa pintuan na guard dahil malaki-laki kasi ang convenience store. Not your typical normal CS. Sa likuran ang Gucci at Jollibee kaya masikip talaga ang labas.

"Ma gusto ko ng ice-cream" rinig kong wika ng isang bata.

"What flavor ba baby?" Nakangiting wika ng babae sa anak nito.

"Strawberry Ma" usal ng anak nito na lalaki.

Napangiti ako habang nakatingin sa kanila. Naalala ko ang anak kong babae. Kung pwede lang palagi ko siyang kasama, siguro hihingi rin siya sa akin ng ice cream kahit mahal pa 'yan ibibigay ko.

Next week na pala darting sila Lola. Next week rin ang birthday ni Papa. Kahit kinakabahan ako ay masaya ako sa pagdating ng anak ko rito. Kahit sandali lang kaming magkita ay ayos na sa akin. Makita ko lang ang ngiti nito, na healthy ito, kontento na ako.

"Good evening te, kanina ka pa?" Bungad sa akin ni Adore.

"Evening Adore," sagot ko.

She's a highschool student, part time job niya rin ito sa gabi. Sinabi niya sa akin na siya ang breadwinner ng pamilya niya. May sakit ang Lola niya, iniwan lang kasi siya ng irresponsable niyang pamilya sa Lola niya. Malaki ang sakripisyo ng Lola niya sa kanya, kaya hindi siya magsasawang tulungan ito sa abot ng kanyang makakaya.

Pero nagtataka ako kung bakit nasabi iyon ni Daemon kanina. May alam ba ito? Alam kong kaibigan niya si Kaius, siya lang ang alam kong kaibigan ni Kaius.

"Alam mo te..." Napalingon ako kay Adore na nasa tabi ko na. Nakatayo ito at nakahilig sa mesa. "Habang patungo ako rito, may nag-aaway doon sa eskenita na mga gangster, nakakakilabot lang dahil huli na ng dumating ang mga pulis na parang baha na ng dugo ang paligid," usal nito na ikinakilabot ko.

"Totoo ba 'yan Adore?" Takot talaga ako sa ganyang pangyayari, parang hindi na makatao eh.

"Oo te, mga highschool student nga halos ang kasali sa gang eh," sagot ni Adore sa akin habang nakanguso.

"Sa left side ba ng sidewalk nangyari iyong sa madilim na parte?"

——
"Peter!" Namumula ako sa hiya sa ginagawa ni Percieval. Nagpipigil ako ng tawa habang nakasunod sa kanya. Kasi naman...

"Kayo cupcake! Ka bili fresh! Pesos ten isa!" Sigaw nito habang nakasakay ako sa minamanehong bike nito. Napahigpit ang kapit ko dahil kanina pa tumatawa ang nakakarinig sa tagalog nito.

"Magkano ulit iho?" Napatigil kami nang may matandang lumapit sa amin. Bumaba ako.
"Ten pesos isa, La" sagot ko. Baka hindi nito maintindihan si Percieval.

"Tatlo nga iha" usal ng matanda.

"Tatlo daw..."usal ko kay Percieval.

Bakit ba ako napunta sa sitwasyon na ito? Ganito kasi iyon, tinawagan ako ni Percieval kaninang umaga kahit pagod na pagod ako sa trabaho, pinapunta raw ako ni Tita sa kanila. Totoo naman dahil may bago na naman itong foods na ibebenta.

The Rejected Wife Of Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon